2

386 5 1
                                    

RILEY

Monday. May pasok nanaman. Hindi na talaga ako natutuwa sa school ko. Bakit? Kasi puro lesson :( Di gaya sa ibang schools na maraming activity. Tapos magsusuot ka pa nitong longsleeves na punyeta. Catholic school problems. Buti na nga lang at aircon eh.

"RILEY!" Napalingon ako agad sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Omg omg omg. Kinikilig akoooo!" Agad na sabi ni Hazel saakin. Anyare nanaman ba dito? Tiningnan ko nalang si Emily.

"Kase, dito rin nag enroll yung friend ni Mav from US. Grabe teh, ang gwapo nga!" Hala. Paano? Pati ba naman si Emily? Sino ba yan?

Pumunta na kami sa room pero hindi namin inabutan yung boys. Tang juice. Nasa canteen nanaman siguro.

"Girl! Canteen tayo, baka andun sila" Sabi ni Hazel. Jusko po ano daw?

"Tara tara!" Literal na napanganga ang bunganga ko sa sinagot ni Emily. Gosh. Anong nangyayare? "Sama ka Ry?" Tanong nga.

Umiling nalang ako at yumuko nalang ako para matulog sana kaso may mga boses na nagtatawanan akong narinig.

"HAHAHAHAHAHA, GRABE NO!" Si Mav yun ah?

"SHET. SABI NA NGA KASING WAG TATAPAK DUN EH" at tumawa naman sya. Wait si Ralph yon.

"ABA MALAY KO BA KUNG INUUTO NYO LANG AKO?" Dalton.

"Okay lang yan pare, pareho tayong nakatapak" Sino naman yon? Bagong boses eh.

Pumasok sila isa isa ng room at huling pumasok yung lalaking hindi ko kilala. Mukhang tukmol.

"RILEY MY LABS! INAWAY NILA KAMI NI DRAKE HUHU" Pag dadrama saakin ni Dalton.

"Utot mo. Hi Riley!" Bati ni Mav kaya nginitian ko lang sya.

"Yes naman, di sya late. Hahaha. Nga pala Riley sya si Drake new classmate slash barkada natin" Nakangiting sabi ni Ralph. Nang iinsulto ba to? Ganon yung dating ng ngiti nya eh.

"Hi" Tipid na sabi nya. Tinanguan ko lang din sya.

"Wala bang kiss- aray -este shake hands jan?" Dalton. Nakurot ko eh. Tsaka anong shake hands. Ano sya chix? New comer lang eh.

"Omg you're here pala!" Bigla nalang pumasok sa pinto si Hazel.

Minutes later nag bell na rin at dumating na ang teacher.

"Good morning everyone, I will be your advicer for this school year" Sir Anton. Ugh. Sya nanaman? Teacher ko na sya last year eh.

Napansin naming lahat na nakataas ang kamay ni Ralph kaya naman tinawag sya ni Sir.

"Yes mister Sebastian?" Kilalang kilala yan ni Sir. Silang tatlo actually. Mga favorite yan eh.

"SIR! MASYADO MO NAMAN YATA KAMING SINUSUNDAN" Sigaw ni Ralph.

"Ralph, sa kasamaang palad andito ka nanama sa advisory ko. Tingin mo ba natutuwa ako? Hindi! At nadagdagan pa kayong tatlo ha. At andito narin si miss Pineda. Napaka swerte ko yata" Tuloy tuloy na sabi ni Sir. Kasi kami ang pinaka mainggay na grupo sa lahat.

Nag discuss si sir ng rules and regulations na nakasulat sa handbook para sa mga new comer, lima kasi sila. Eh kami nagdadaldalan lang dahil halos mamemorize na namin yan!

"Uy teh, grabe sinupladahan mo daw si Drake" Agad namang kumunot ang noo ko sa sinabi ni Emily.

"Sino namang nagsabi sayo nyan?" Tanong ko.

"Siya, nagsumbong kanina saamin. Bakit daw kami friendly ikaw hindi" Medyo tumawa pa si Emily. Gago yun ah.

Hinayaan ko nalang sya. Tse. Hindi kami close. Neknek nya.

Nag sulat na lang ako ng kung ano ano sa papel. Binigyan ako ni Hazel eh. Di ko naman alam kung para saan kaya nag doodle ako.

Maya maya may inabot saking papel si Hazel. Pero this time may sulat na.

Nanlaki agad ang mata ko ng makita ito. WHAT A HORRIBLE HAND WRITING! My goodness.

Hi Violet Riley Alejandre :>

Yan yung nakasulat. Jusko. Pumapangit ang pangalan ko dahil sa sulat nya. Kanino ba to galing?

Kinalabit ko si Hazel kasi masa unahan ko sha. Tinabihan nya kasi yung classmate nya last year na walang ibang friends.

"Oh?" Pabulong na sabi ni Hazel. Good girl, amp.

"Kanino to galing?" Tanong ko at ipinakita sakanya yung papel.

Ngumuso sya sa may cabinet, sa may boys, Kay Drake. Nakatingin sya saakin at nakangiti.

I just rolled my eyes. Hindi ko talaga siya feel maging friend, tsaka ang pangit ng sulat nya.

"SO RILEY! ANONG NATUTUNAN MO SA SINABI KO?" Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Sir Anton. Ano bang mga sinabi nya? Tiningnan ko su Emily pero mukhang hindi rin sya nakinig. Tumingin naman ako sa gawi ng boys pero nagtatawanan sila.

"Ano po bang mga sinabi nyo sir?" Tanong ko. Tumaas naman agad ang kanang kilay ni sir

"Jusko kang bata ka. Ikaw nga pinakamatalino dito, hindi ka naman nakikinig!" Hehe. Close kami nyan ni sir. Atsaka di ko naman alam dinidiscuss nya. Pwe.

Over lunch, lahat kami nasa isang table lang.

"Nice nice, Riley. Napagalitan ka nanaman ni Ants" Ants, yan ang tawag nila kay Sir Anton. Tropa daw kasi. Kengene.

"Ulol kamo. Itinuro nyo nanaman baka ako? Eh kayo tong hindi nakikinig" Sabi ko at dinuro duro pa silang mga lalaki. Bwahaha.

Nagtawanan lang sila. Mga gago talaga to.

Nag resume na ang class at as usual hindi kami nakikinig. Hahahaha. Mababait kasi kami ;)

Natapos ang class at lahat kami nasa lobby.

"Uy andito na sundo ko, bye!" Pag papaalam ni Hazel. Sumama narin si Dalton dahil magkapitbahay lang naman sila.

"Oy, susunduin kaba? Or sasabay ka saakin?" Tanong ni Mav. Dadaanan kasi nila Mav yung bahay namin. Kasi nga bagong lipat kami.

"Nawp, sige guys una nako!" Aalis na sana ako ng.. "Saan ka naman pupunta?" Tanong nj Emily. Nginitian ko lang sya. Isang malungkot na ngiti.

"Sige mag iingat ka ha?" Hinug nya ako bago umalis.

Hay. Andito nanaman ako. Hinihintay nanaman kita. Kelan kaba babalik? Feeling ko ang lapit mo lang.

"Come home.."

• • • • •

Liza Soberano as Riley Alejandre and Enrique Gil as Drake Gunner 💕

PATIENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon