3

205 4 0
                                    

RILEY

Pag dating ko sa room lahat sila nag kakagulo. Hindi naman gulong gulo, nakaupo nga sila eh. Pero sng lalakas ng sigawan nila.

"TANGINA BILISAN MO NA RALPH!" Mavy

"Tumahimik ka. Ipuplus plus attack kita mamaya lintek ka" Ralph. Nag baba sya ng card. Three na green.

Naglapag din si Drake ng card at biglang silang nagsisigawan ng "UNO!!" Nauna lang ng konti si Drake sumigaw.

"Ho! Tangina, i-red nyo na!" Hazel.

"Okay reverse" Michelle, isa naming classmate.

"Punyeta de carabao" Emily.

Uno ang nilalaro nila, ganyan yang mga yan kapag nag lalaro ng Uno. Actually ako din, hehe

"Uy Riley! Tara sali ka sa next game" Pagyaya saakin ni Drake.

"Ay grabe! Favoritism si Drake oh! Ako kanina pa gustong sumali eh" Pagrereklamo ni Diane. Isa pa naming classmate.

Tiningnan lang sya ni Drake at nag peace sign. Cute.

Tumingin ulit sya saakin "Ano game?" Tumango ako. Tumayo ako at hinila yung upuan papunta sa katabi nya.

Nagsimula na bagong game. "Sino una?" Tanong ni Ralph.

Napansin kong kulang kami. "Teka nasaan si Dalton?" Tanong ko bigla.

"Punta daw sya sa may chapel" Tiningnan ko ang wrist watch ko magbebell na. Pero hayaan na nga.

Hindi rin naman nagtagal ay nag bell na nga kaya't inayos na namin ang mga sarili namin. Binalik na ang mga upuan sa dating linya.

"Good Morning!" Bati ni Sir.

"Good Morning sir!" Bati naming lahat, pero may ilalakas pa ba ang boses ni Ralph, Mavy at Dalton? Hahaha.

Pinaupo nya kami at may binasa syang papel.

"Leadership Training, blablablablabla" Hindi ko naiintindihan yung sinasabi ni Sir dahil inaantok nanaman ako, hanggang sa mabanggit nga ang tour.

"TOUR?" Tanong ko.

"O tingnan mo, basta talaga lakwatsa gustong gusto yan ni Ms. Alejandre" Kaya nag tawanan ang mga classmates ko. Sinasabi netong kumag na to.

"Uulitin ko, mag kakaroon ng Tour. Lilibutin natin ang buong Bicol Region for 5 days. May letter nalang na lalabas pero wala pang exact date and exact amount" Sabi nya.

Hindi ko alam pero parang excited na excited akong mag tour.

Baka naman andun sya? Hala. Ang imposible naman ng iniisip ko. Hays.

•••••

Uwian na at lahat kami nasa may lobby na. Nag hihintay ng sundo.

"Hi" Biglang sulpot ni Drake sa tabi ko.

"Yo" Simpleng sagot ko.

"May sundo ka?" Tingnan ko nalang sya na parang sinasabing 'Seryoso ba?' Alam na kasing andito sa lobby. Kung mag cocommute man ako edi sana umalis nako diba?

"Why?" Tanong nya.

Tinarayan ko lang sya at tumingin ulit sa parking.

Ilang sandali pa huminto sa tapat ng building and car ni Dad.

"Geh, alis nako" Hindi ko na hinintay ang sagot nya at pumasok na sa car.

Nakita kong andun ang kapatid ko sa unahan. Hindi pala sya pumasok? Astig. Haha.

"Friends kayo ni kano?" Vlad.

"Si Drake? Pwede" Sagot ko. Di ko naman kasi alam kung friends talaga kami. Close lang naman siya sa group pero hindi saakin.

"Yabang non eh, sarap upakan" Mahanging sabi nya.

"Nak, masyadong mataas. Mababa lang dapat. Mamaya talo ka pa eh"

"Dad naman eh, ako anak mo diba?" Nagtawanan nalang kami.

Paglarating sa bahay umakyat agad ako sa kwarto ko dahil sobrang naiinitan na ako. At ang lagkit lagkit ko na.

Pero bago ako pumasok sa cr nakita kong may nag text saakin. Nakalapag kasi yung phone ko sa side table.

From: 0915+++++++

Hi :)
-Drake

Hindi nako nag reply dahil hindi naman ako pala text at higit sa lahat hindi ako naka unli. Haha.

Pagkatapos kong magshower pumasok na ako sa kwarto. At ini open ang laptop. May gagawin kasi akong essay para sa English syempre nag online na rin sa twitter at Facebook.

Group Chat -

EMILY SANTIAGO: MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG IBIG 🎶

DALTON RAMIREZ: WOHOOOO. PAG IBIG AY IBALIK!

HAZEL PINEDA: TIGILAN NYO NGA AKO! KASI NAMAN EH. EPAL TALAGA.

MAVY RYDER: Tangina please.

MAVY RYDER: Ako nanaman may kasalanan .l.

RILEY ALRJANDRE: Ano ganap dito?

HAZEL PINEDA: Pucha tigilan moko Maverick hindi nako natutuwa.

MAVY RYDER: Sa tingin mo ako natutuwa? Lintek! Ganyan pala ngayon.

HAZEL PINEDA: TO THE LEFT LEFT LEFT

Ralph Sebastian: Tama na yan.

MAVY RYDER: Oras oras oras oras

DALTON RAMIREZ: PUTANGINA. Totohanan na to ha?

DRAKE GUNNER: Dalton tama na pare, tama na guys.

PUTANGINA ANONG NANGYAYARE?

RILEY ALEJANDRE: MGA HAYOP SIGE KAYO LANG MAG USAP USAP.

Nabadtrip ako kaya isinara ko na yung laptop. Di ko alam kung bakit. Alam ko namang inaasar nila si Mavy at Hazel pero bakit nakikisali si Drake. Ewan. Ugh.

Matutulog na sana ako nang mag text si Drake.

From: Drake

Galit ka? Good Night :/

Hindi ako nagreply at pinatay ang phone ko. Ewan. Ano bang nangyayare saakin? Nakakainis na.

• • • • •

PATIENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon