17

125 5 0
                                    

RILEY

Kinakabahan ako mamaya. Wooo. Mamaya na kasi ibibigay yung report cards. Hindi ko maiexplain kung gaano ako kinakabahan leche.

"Hoy, ayos ka lang?" Tanong ni Hazel.

Tumango ako tsaka sinabing "Kinakabahan lang mamaya"

"Bakit may bagsak kaba?" Ralph.

"Wala naman yata pero hindi ko alam eh"

"Riley, late ka daw tapos di ka nag sign sa logbook sa baba. Lagot ka kay guard" Pananakot ni Dalton sakin.

Lakom pake. Close kami ni guard. Hehe.

"Nasaan si Drake?" Tanong ko kina Maverick.

"Andun yata sa kabilang section. May kakausapin lang daw sya" Tumango naman ako as a response.

Nag simula na ang class and wala namang masyadong maayos na lesson puro lang bigayan ng grades. Hindi ako lumalapit kasi gusto ko maexcite.

Bakit ba. Gusto kong i-thrill ang sarili ko eh.

"Pst"

Asaan ba yung notebook kong churva churva?

"PSSSSSSST"

Kinginang yan? Ano yun?

Wala naman.


Hoooooo, juskobells. Asaan na ang aking notebook?

"Aray! Puking-" Napatingin ako sa paligid para hanapin yung taong bumatok saakin ng papel.

Pero wala naman. Pinulot ko yung papel at binuksan.

Riley!! Punta ka sa may chapel later!! See u.

-Wil xoxo

Yak. xoxo ang hanep. Idol.

Teka walang sinabing oras!

Putris naman.

Bahala sya. Pupunta ako mamayang uwian.

"Ms. Alejandre" Napatayo naman ako agad dahil sa pag tawag ni Sir Anton.

"Yes po?"

"Why are you standing? Sit down. AND LISTEN" Ay keme. Napahiya ako dun. Eto naman kasing si Ants bigla nalang tatawag. Hindi nga nakikinig diba.

"Anyare sayo? Mukha kang natatae" Pinipigilan ni Emily yung tawa nya.

Sige lang. Ganyan kayo eh.

Nakinig nalang ako sa lesson ni Ants kasi nga top student ako. Nakakainis. Ayoko nang mag aral. Pero nasa sariling katawan ko na ang mag aral kapag may exams.

Mag boboypren na nga ako para di nako mag aaral. Joke lang hehe. Papatayin ako ni Mama at Papa.

Nung recess naisipan kong sumama sakanila pero hindi ako kakain kasi tinatamad ako pumila.

"Edi kami nalang bibili, ano bang sayo?" Ralph. Paka bait naman.

"Ayoko ngang kumain" Sagot ko. Kulit ng lahi eh.

"Libre nalang kita. Baka wala kang pera" Dalton. Tinaasan ko naman sya mg kilay.

"Kelan pako nawalan ng pera?" Tanong ko.

PATIENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon