Last

266 6 0
                                    

RILEY

Nagising ako ng maaga kasi balak kong mag jogging. Tutal christmas break naman, papayat muna para hindi halatang lumamon sa christmas. Haha.

Nag bihis na ako at nag suot ng sapatos. Pagkatapos ay lumabas na ako. Wala pang gising? Himala naman yata. 5 am na oh. Lul.

Kinuha ko ang susi sa drawer tapos binuksan yung gate. Dadalhin ko nalang tong susi. Hehe.

Nilagay ko sa tenga ko ang earphones at finull blast ang volume. Para relaxing.

Umikot lang ako sa village. May mga iba ring nag jojogging. Nas sasmile lang ako kapag nakakakita ako ng taga dito din na kilala ko. Alangan namang mag smile ako sa di ko kilala diba, edi feeling close nako?

After ng two rounds- medyo malaki kasi ang village- naisipan kong mag stop sa may fountain. Umupo ako dun at uminom ng tubig. San nga ba galing yung tubig ko? May dala pala akong ganito? Ngayon ko lang alam hehe.

Aalis na sana ako ng may batang lumapit saakin.

"Ate ate" Tiningnan ko sya at yung hawak nya.

"Ano yan?"

"Ang tanda nyo na hindi nyo pa alam? Bulaklak po yan" Tapos nag kamot sya ng ulo. Aba lokong bata to ah? "Ano nga ba yan sa englis? Fl.. Fow.. Fower.. Lower.. Flower?" Ngumiti ako at tumango sakanya.

"Aanhin ko yan?" Tanong ko sakanya. Eh bakit nya ba ako binibigyan nang flower? -.-

"Sakyan mo po, ate. Baka epektib" Sabi nya tapos tumawa. Galeng. Palakpakan tayo.

"Wala akong pera boy eh" Sabi ko.

"Bayad na to ate, kunin mo na! Idol ko nag bigay nyan. Sige po!" Tapos tumakbo na sya, di ko man lang natanong kung kanino galing. Baka may something to pag naamoy ha? Mabudol budol pako neto. Sa bahay ko nalang aamuyin para safe. Hehe.

Pagkarating ko sa bahay, kung paano ko sya iniwan ganun parin pag balik ko.

Dumiretso ako sa kitchen para tingnan kung may note ba. Wala kasi yung kotse sa labas, paanong umalis sila Mama eh naka lock yung gate at hawak ko ang susi? Grabe ang mundo ngayon ah. Umagang umaga.

Ry,

May cooked food na dyan sa loob ng microwave initin mo nalang

Umalis pala talaga sila? Luh. Wait andun ba yung kotse nung lumabas ako? Shet naman. Ang lutang ko!

"MORNING ATE!"

"AY PUTANG KIKI KA!" Susmaryosep santamaria ginoo.

"HAHAHAHAHAHAHA" Tawa lang ng tawa si Vlad pero ako di parin maka move on. Leche.

"Pakyu ka" Sabi ko at minid fingan ko sya.

"Labyu" Niyakap nya ako from behind. Anong meron?

"Lakong pera, lubayan mo 'ko" Sabi ko.

"Basta, kahit ano ha. Wag mo akong kakalimutan" Malungkot nyang sabi. Ha? Regalo ba tinutukoy neto? Oo naman meron syang regalo. Yearly yon. Weird nya ha.

Tumango nalang ako.

Umakyat na rin ako para maligo since nakapag pahinga naman na ako.

Pag katapos kong maligo, nag check ako ng messages sa group chat namin

-WALANG FOREVER-

Ralph: Cute ko

Dalton: Pre anong nakain mo?

PATIENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon