Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil hinintay ko si papa. Nagbabakasakali ako na uuwi siya, na biro lang ang mga nakasulat sa kapiraso ng papel na iyon. Pero hindi siya umuwi.
"Ma, mag eenroll po kami ni Jane. Susunduin niya po ako rito. " Paalam ko kay mama, hindi na ako nag-abala pang manghingi ng pamasahe dahil ayoko nang dagdagan pa ang isipin niya kaya hinayaan ko na lamang si Jane sa gusto niyang pagsundo sa akin.
"Ma." Pagkuha kong muli sa atensyon niya, palibhasa'y nakatulala. Ipinikit niya ang mga mata niya saglit tsaka iyon iminulat at tumingin sa akin.
"Mag-iingat kayo, anak. Huwag magpapagabi." Wika niya tsaka ako niyakap. Hindi siya pumasok ngayon sa trabaho dahil hindi maganda ang lagay niya dahil sa ginawang pag-iwan sa amin ni papa.
"Opo, ma. Alis na po ako." Wika ko at pumunta na sa may pinto para lumabas. Doon ko na lamang hihintayin si Jane ngunit bago ko pa man mahawakan ang door knob ay umalingawngaw na ang ilang katok sa pinto kasabay noon ang boses ni Jane.
"Tao po." Malakas na pagtawag niya. "Amara? Tita?" Pagtawag niyang muli. Napakalakas ng boses niya kaya binuksan ko na iyon agad.
"Shhh." Panunuway ko. "Ang lakas ng boses mo. Kailangan ni mama ng payapang ambiance." Wika ko pagkabukas ko ng pinto.
"Ha? Ay sorry. Pero bakit? Hindi pa rin sila bati ni tito?" Pang-uusisa niya.
"Shhh. Itikom mo na lang 'yang bibig mo." Wika ko at tinaklob ko ang kamay ko sa bibig niya. Mamaya matrigger si mama at umiyak na naman. Pinandilatan naman niya ako ng mata na parang nagsasabing "Ano ba? Patay ka sakin mamaya." Umirap na lamang ako at sinabing, "Magk-kwento ako mamaya."
Tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya at hinila siya palabas ng aming bakuran.
"Ay grabe naman mangaladkad, Amara. Teka lang naman." Reklamo niya. Naka heels na naman kasi siya paano ay 4'11 lang ang height niya.
"Ma'am Amara, good morning po." Pagbati ng driver ni Jane sa akin nang makalapit kami sa kotse nila. Kilala na ako ng pamilya at mga trabahador nila Jane dahil ilang beses na niya akong dinala sa kanila at ilang taon na rin kaming magkaibigan. Simula Grade 7 ay talagang close kami ni Jane at hindi mapaghiwalay. Ngayon na mag s-senior high school na kami ay ganito pa rin kami at walang nagbago.
"Magandang umaga rin po, Kuya Rony." Tugon ko at ngumiti sa kaniya na ikinangiti niya rin nang malawak.
"Pasok na po kayo." Wika niya at agad na binuksan ang pinto sa back seat. Ngumiti ako at tumango bilang pagtugon at pumasok na sa loob ng kotse. Si Jane ay sumunod naman din sa loob nang makapasok ako.
"Kuya Rony, ako ang amo mo ha baka nakakalimutan mo. Paalala lang naman." Wika ni Jane nang makapasok sa loob. Ako lang kasi ang kinausap ni kuya Rony at tila nalimutan na niya ang presensya ng amo niya. Hilaw na napatawa si Kuya Rony at napakamot sa kaniyang batok.
"Hindi naman po sa ganoon, ma'am Jane. Dami niyo po kasing naidaldal sa'kin kanina e. Buong byahe po tayong magka-usap kaya ngayon ay si ma'am Amara muna ang kinausap ko." Paliwanag nito at sinarhan na ang pinto dito sa back seat. Umikot siya at binuksan ang pinto ng diver's seat tsaka pumasok.
"Sinasabi mo bang sawa ka nang kausap ako, Kuya Rony?" Tanong ni Jane at pabirong pinandilatan si kuya Rony na sa salamin sa harapan niya nakatingin psra makita ang imahe naming dalawa sa likuran.
"Ito talaga si ma'am Jane syempre hindi po. Masarap ka pong kausap. Gusto ko lamang po sadyang kausapin saglit si ma'am Amara at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha." Pagtatanggol ni Kuya Rony sa sarili at sinimulan nang paandarin ang kotse. Tumingin siya sa akin sa pamamagitan ng salamin sa harap niya tsaka ako tinanong.
"May problema po ba kayo, ma'am Amara?" Nag aalalang tanong niya.
"Ayos lamang po ako, Kuya Rony. Masakit lamang po ang ulo ko dahil hindi ako nakatulog nang maayos kagabi." Pagsisinungaling ko ngunit ang totoo ay hindi talaga ako ayos at iniisip ko pa rin si papa. Hindi ko alam kung bakit niya naisip na solusyon ang lumayo sa amin at iwan kami para mapabuti kami. Hindi ako makakita ng magandang rason para gawin niya iyon.
Hindi naman na nagtanong pa si Kuya Rony at nagfocus na lang sa daan pero si Jane, ito at nakatitig sa akin. Gustong-gusto nang makasagap ng chika. Pero hindi ako umimik at tumingin na lamang sa bintana at pinanood ang mga nadaraanan namin. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa school kung saan kami mag eenroll ni Jane. Sabay kaming bumaba sa kotse, magkabilaang pinto. Nagpaalam muna kami kay Kuya Rony bago kami tuluyang naglakad papasok sa gate.
"So ano nang chika, Amara. Anong nangyari kahapon?" Tanong ni Jane habang naglalakad kami papunta sa registrar office.
"Nag-away na naman sila kahapon dahil nagresign na naman sa trabaho si papa." Kwento ko habang hinahanap ang ball pen ko sa bag.
"Ha? E hindi ba kakapasok lang ni Tito doon sa trabaho niyang 'yon?" Paninigurado niya.
"Kaya nga nagalit si mama dahil doon. Si Mama na lamang kasi ang palaging sumasalo ng lahat ng gastusin sa bahay at sa pag-aaral ko habang si papa ay gusto lang na laging nakatambay sa bahay o sa mga kaibigan niya tapos mag iinuman sila." Paliwanag ko habang hindi pa rin makita ang ball pen ko. Kaya inilagay ko na ang buong atensyon ko sa loob ng bag ko.
"Sabagay. Kahit ako rin magagalit kung ganoon ang asawa ko. Pagod na pagod na siguro si tita at stress sa mga bayarin kaya hindi na niya napigilan na magalit ulit kaya nagkasagutan na naman sila." Komento ni Jane.
"Pero iba na ngayon, Jane dahil umalis si papa. Iniwan na niya kami. Nag iwan lamang siya ng note sa kapirasong papel at sinabing mas makakabuti raw sa amin kung hindi namin siya kasama. Wala na raw siyang nagawang tama. Hindi ko ba alam. Hindi ko maintindihan ang dahilan ni papa. Para sa akin ay napakababaw noon. " Kwento ko. "Nakita ko rin ang ball pen na ito. Haynako, kanina ko pa 'tong hinahanap." Wika ko at sinakbat nang muli ang bag ko sa aking likuran ngunit ang envelope kung saan nakalagay ang mga papeles na ipapasa ko sa registrar ay nabitawan ko. Kukunin ko na sana iyon nang may ibang kamay ang kumuha noon at iniabot niya ito sa akin.
"Here, miss." Wika niya at inilahad sa akin ang envelope ko.
"Aa, salamat." Wika ko at kinuha ang envelope. "Mauna na kami." Paalam ko tsaka hinila si Jane paalis pero hinawakan noong lalaki ang kamay ko kaya natigil ako sa paglakad.
"What's your name?" Tanong niya at diretsong nakatingin sa akin.
"Ah hindi mo na kailangang malama--- Her name is Amara Angelie." Putol ni Jane sa sasabihin ko. Pinandilatan ko naman siya ng mata dahil sinabi niya ang pangalan ko.
"Ah. Nice to meet you, Amara. I'm Karl David." Pakilala niya tsaka ngumiti nang malawak.
"Ah sige. Alis na kami. Salamat ulit." Wika ko at hinila na talaga ng tuluyan si Jane paalayo doon sa Karl David na iyon.
"Ano ka ba naman, Jane. Bakit mo sinabi ang pangalan ko?" Naiinis na wika ko.
"Bakit? Anong masama roon? Malay mo iyon na pala si Mr. Right mo?" Kinikilig na pagpapantasya niya.
"Tumigil ka nga. Alam mo namang wala akong panahon sa love na 'yan. Sakit lamang iyan sa ulo." Wika ko at umirap.
"Tsk. Bitter!" Pang-aasar niya na hindi ko pinansin pa at naglakad na lang.
Pake ko naman doon sa Karl David na iyon?
BINABASA MO ANG
The Art of Pain
Teen FictionAmara Angelie came from a broken family. Sa murang edad ay nasira na ang imahe ng salitang "pag-ibig" sa kaniya. Palagi niyang nakikitang magka-away ang mga magulang niya at doon ay nakabuo siya ng sariling depinisyon ng pagmamahal. Para sa kaniya...