"May klase kaya? Ten minutes nang late si ma'am." Wika ni Karl sa tabi ko, malikot at hindi mapakali, tila naiinip sa kakahintay sa guro namin para sa pang apat na subject namin.
Hindi ko siya pinansin o tiningnan. Ipinagpatuloy ko lamang ang pagbabasa ng libro.
"Amara." Pagtawag niya wala sana akong balak na pansinin siya pero hinablot niya ang librong binabasa ko, doon ay tuluyan na niyang nakuha ang atensyon ko.
"Ano ba, Karl?" Inis na reklamo ko, kunot na kunot ang noo ko dahil sa inis. Ayaw ko ng ganoon. Nagbabasa yung tao e.
"Tama na kasi kakabasa mo. Kausapin mo naman ako." Wika niya, nagdedemand.
"Bakit ba ako ang kinukulit mo? Doon ka sa mga kaibigan mo. Akin na nga 'yan." Wika ko at kukunin na sana ang libro pero inilayo niya iyon.
"Akin na sabi." Inis nang utos ko pero hindi niya iyon pinansin at lalo pang inilayo sa akin ang libro ko.
"No." Wika niya, nang aasar na naman.
"Akin na kasi." Inis na wika ko. Tumayo na ako para makuha ko na nang tuluyan yung libro ko pero ang loko tumayo din at itinaas ang libro, dahilan para hindi ko na ito maabot dahil matangkad siya.
"Oh kunin mo." Nakangising wika niya na ikinairap ko.
"Karl." May diing pagtawag ko sa kaniya. Ang aking mga tingin ay diretso lamang sa kaniya. Sa sandaling masilayan niya ang mukha ko ay nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.
Tila bigla itong umamo. Nawala ang ngisi niya at tila nabahala sa hitsura ko.
"Yieeee. Si Karl at Amara nagkakamabutihan nang talaga." Sigaw ni Jane dahilan para magtinginan sa amin ang lahat ng kaklase namin.
Sa sandaling ginawa nila iyon ay nagsimula silang mag ingay.
Dahil doon ay tiningnan ko nang masama si Jane. Ang babaeng ito talaga, lagi na lang. Pahamak at napakagaling din mang-asar.
"Yieeeeee!!!!" Lahat sila ay ganoon ang sigaw.
"Karl and Amara. Hmmm... Ano kayang magandang i-name sa love team nila?" Tanong ni Brent, yung isa pang kaibigan ni Karl. Nakuha niya pang himasin ang baba niya na parang nag-iisip nang malalim.
"AmaKa" sigaw ng isang kakalase naming babae.
"Yak! AmaKa na beh. Ang pangit mo mag isip ng name ang bantot." Kontra ng kaibigan niya na dahilan ng malakas na tawanan ng mga kaklase namin.
"KaMa na lang!" Ani muli ni Brent tsaka tumawa nang malakas.
Dahil doon ay nag ingay na naman ang mga kaklase namin at nagsitawanan.
Ako naman ay napairap na lamang. Hindi ko na lamang sila pinansin. Ibinalik ko ang tingin kay Karl na nakatitig lang pala sa akin.
"Ang kulit mo kasi." Inis na bulong ko sa kaniya. "Akin na 'yan." Seryosong wika ko.
Siya naman ay bumuntong hininga. Ibinaba na niya ang kamay niya na may hawak noong libro ko.
"Oh ito na. Wag ka nang magalit." Wika niya na parang sumusuko na. Iniabot niya sa akin ang libro at tahimik na naupo.
"Good." Wika ko at naupo na rin.
"Iyon oh, tanggal angas ni Karl kay Amara." Sigaw ng isa naming kaklaseng lalaki.
Hindi pa rin sila tapos mang asar?
"Pre, anyare? Under na agad? Di mo pa nga pinopormahan." Nang-aasar na wika ni Brent. Si Clarence naman ay tahimik lamang pero nakangiti at parang nang-aasar din.
BINABASA MO ANG
The Art of Pain
Teen FictionAmara Angelie came from a broken family. Sa murang edad ay nasira na ang imahe ng salitang "pag-ibig" sa kaniya. Palagi niyang nakikitang magka-away ang mga magulang niya at doon ay nakabuo siya ng sariling depinisyon ng pagmamahal. Para sa kaniya...