"Bilisan mo naman, Jane." Bulong ko kay Jane na nag-aayos pa ng gamit nang makalapit ako sa table niya.
"Bakit ka ba nagmamadali ha?" Inis na tanong ni Jane.
"Basta. Halika na." Wika ko at hinila na siya paalis kahit hindi pa niya nasasakbit ang bag niya sa kanang balikat niya. Wala lang nahihiya kasi ako kay Karl. Ewan ko ba.
Hindi pa rin sila nakakaalis sa classroom dahil inaayos pa rin ni Karl ang gamit niya.
"Teka lang naman, sis. Three inches yung takong ng black shoes ko ano ka ba?" Reklamo ni Jane pero hindi ko iyon pinansin. Ipinagpatuloy ko pa rin ang pagkaladkad sa kaniya palabas sa classroom.
Nang makalabas na kami sa classroom ay tsaka ko lamang siya binitawan at walang imik na naglakad nang normal.
Si Jane naman ay tiningnan ako ng nagtataka niyang mga mata pero sumunod din naman sa aking paglalakad.
"Sis, anong kaartehan 'yon?" Tanong niya, tinutukoy ang pagmamadali ko kanina.
"Gutom na ako. Ang tagal-tagal mo." Palusot ko kahit ang totoo ay iniiwasan ko lamang ang Karl na iyon.
"Huwag ako, girl. Sa akin ka pa naggaganiyan." Wika ni Jane, hindi kumbinsido sa aking sinabi. "Don't tell me..." Wika niya tsaka ako tiningnan ng mga mata niyang mapang-usisa.
"Ano na naman?" Inis na tanong ko na ikinatawa niya.
"Nahihiya ka kay, Karl no?" Tanong niya pero hindi ko alam kung tanong nga ba 'yon dahil sa tono ng pananalita niya ay parang siguradong sigurado siya na iyon nga ang dahilan ko.
Pero... Tama naman siya.
Hindi ako umimik at inirapan na lang siya.
Ilang segundo lamang ay tumawa na ito ng malakas.
"OMG ka." Wika niya tsaka ulit tumawa.
"Si Amara na Bitter biglang nahiya sa lalaki? Hala beh nasaan na angas mo?" Pang-aasar niya, nagawa pa akong hampasin ng bahagya sa aking braso.
"Tigilan mo nga ako, Jane. Kanina ka pa. Ginagatungan mo din yung mga tropa ni Karl e." Inis na reklamo ko.
"E bakit ka galit na galit diyan? Tunay ba? Nagseselos ka nga no?" Pang-aasar niya ulit, sadyang sinasagad ang aking pasensya.
"Anong nagseselos? Bakit ako magseselos doon sa babaeng iyon e ang pangit naman niya?" Depensa ko, naiinis na talaga ako dito sa babaeng ito.
Kaibigan ko ba talaga ito?
"Hala." Wika niya tsaka tumawa.
"Ano na naman?" Inis na tanong ko. Siya naman itong tinitigan muna ako nang matagal bago ako kinurot sa aking tagiliran.
"May gusto ka kay Karl no?" Wika niya at sinundot na naman ang tagiliran ko.
"Jane, ano ba?" Wika ko at hinuli ang kamay niyang kanina pa niyang ipinangsusundot sa tagiliran ko. "Bakit naman ako magkakagusto sa mokong na iyon? Ayoko ng lalaki. Tigilan mo nga ako." Wika ko.
Binitawan ko ang kamay niya at binilisan na ang paglakad para maiwan siya.
"Hoy teka lang naman! Ang pikon mo talaga." Wika niya tsaka humabol sa aking paglalakad.
Nang makarating kami sa canteen ay agad nang pumila si Jane para mag order ng kakainin namin habang ako naman ay naghanap ng mauupuan namin.
Medyo puno na ang canteen dahil medyo nahuli kami ng pagpunta. Ang mga table na pang apatan ay mga may nakaupo na kaya naman yung table na pang animan na lamang ang inupuan ko para siyang kakaininan namin ni Jane.
BINABASA MO ANG
The Art of Pain
Teen FictionAmara Angelie came from a broken family. Sa murang edad ay nasira na ang imahe ng salitang "pag-ibig" sa kaniya. Palagi niyang nakikitang magka-away ang mga magulang niya at doon ay nakabuo siya ng sariling depinisyon ng pagmamahal. Para sa kaniya...