Mabilis na dumaan ang mga araw. Ngayon ay pangatlong linggo na ng pagpasok namin sa school. Unti-unti na naming nakikilala ng mga kaklase ko ang isa't isa. Si Karl na seatmate ko, okay naman pala. Matalino siya at mabait. Iyon nga lamang ay masyadong makulit kaya minsan ay nakakainis.
"For our graded recitation, let's have a debate. I will not group you. Just raise your hand and tell me your side and explain as to why it is your answer. Those who will participate in this activity will have plus points in our Chapter test this coming Friday." Wika ng teacher sa unahan na nasundan naman ng iba't ibang mga reaksyon mula sa mga estudyante. Marami ang natuwa, may ilan na hindi sang-ayon, pero mayroon ding mga walang pake, gaya ko.
"Silence please." Saway ng guro kaya tumahimik na ang lahat. "To continue, since our lesson is about Filipino culture, ang question na pagdedebatihan ninyo ay "Considering the modern society that we have today, do you think courting is still significant in today's generation in choosing the partner you want to spend your life with? Yes or No? Why?" " Paliwang ni ma'am.
Nagsi ingayan naman ang buong klase na wari mo ay tuwang tuwa sa tanong.
"Exciting." Wika ni Karl sa tabi ko.
"Boring" Reklamo ko.
"Are you serious?" Tanong ni Karl at nilapit pa talaga ang mukha sa harapan ko para dungawin ang mukha ko.
"Yes, love is just a headache." Sagot ko na lalong nakapagpakunot ng noo ni Karl.
"Did someone hurt you in the past? You sound so bitter." Wika ni Karl, ang tono ay makikitaan ng pagka interes, tila interesado sa aking buhay.
"Sabihin na nating oo pero ibang klaseng love. Hindi pa naman ako nagkakaboyfriend e." Sagot ko na lalong nakakuha ng atensyon niya.
Bakit nga ba ako nagkwento dito?
"Ha? Kung hindi boyfriend, e sino?" Tanong niya, ang mga mata ay titig na titig sa akin. Maya-maya ay bigla itong ngumisi na tila nang-aasar. "Don't tell me may long time crush ka tapos binusted ka lang then naging ganiyan ka na kabitter?" Pang aasar niya, ang ngiti pa ay napakalawak na ani mo'y tuwang tuwa.
"Mukha ba akong interesado sa mga lalaki?" Kunot noong tanong ko na ikinawala ng ngisi niya.
"Oo nga no? You don't even want to tell me your name when I first met you. If it weren't for Jane, I wouldn't have known your name." Wika niya nang maalala ang una naming pagkikita.
"Dahil hindi mo naman na kailangan pang malaman." Sagot ko at inilipat na ang tingin sa unahan.
"Now I'm getting more interested." Wika niya at umayos na rin ng upo.
"Mr. Zamora, why don't you start the debate? Since kanina mo pang dinadaldal si Ms. Martinez." Wika ng guro sa unahan na napansin pala ang pag uusap namin ni Karl. Agad namang tumayo si Karl para magbigay galang sa guro sa unahan.
"I'm sorry for that, Ma'am. I can start the debate po." Wika niya matapos humingi ng paumanhin.
"Okay, followed by you, Ms. Martinez whether your side is the same as him, still tell it to your classmate and we'll consider that as a support for Mr. Zamora's point." Paliwanag ni ma'am.
"Yes, po." Sagot ko.
"Okay, now proceed, Mr. Zamora." Wika ni ma'am na naging hudyat ni Karl para magsalita na.
"Good Afternoon to all of you. My answer in that question is No. I am not saying that courting is not important and that we have to forget that culture of our country. My point is that I don't think courting would be significant anymore in this generation. We all know that people in this generation are far different from the old generation. It is evident especially to us, teenagers so I don't think that tradition will still be followed in today's generation. And since the world is constantly changing, we have to adapt to the changes in order to continue living our lives at para maiwasan natin ang mapag iwanan. However, it still depends on us whether we will believe in the power of courtship in choosing the people that we will love for the rest of our lives. Because for me, I do personally believe that courtship is a must." Paliwanag ni Karl sa kaniyang sagot na ikinakunot ng noo ko.
Bakit ganoon siya mag isip?
"Okay, good point. A big round of applause for Mr. Zamora." Wika ni ma'am kaya nagsipalakpakan ang lahat. "Thank you. You may now take your seat, Mr. Zamora." Utos ni ma'am kaya naupo na si Karl. Si ma'am naman ay inilipat na ang tingin sa akin.
"Now Ms. Martinez please tell us your thoughts about this topic." Wika ni ma'am kaya tumayo na ako.
"Good afternoon po. I disagree with Karl. We all know that choosing the right partner is truly important because your life will depend on it, including the family that you will be creating, and the children that you will have. Courtship is helpful for the both parties, girls and boys. For the girls, they will have the chance to know whether their suitor are worthy or not of their love. While sa part naman ng boys, sa haba ng araw na manliligaw sila, doon nila mar-realize if they really want that girl. If they're willing to do everything just to have her, then that's a sign that they really want the girl in their life. Isn't it?" Tanong ko. Inilibot ko ang tingin ko sa buong classroom upang humanap ng mga kaklaseng sasang ayon. Matapos kong makitang may nga tumango ay nagpatuloy na ako.
"Not because marami nang naging changes sa mundong ginagalawan natin ay hahayaan na natin ang mga nakasanayan natin at hindi na ito papahalagahan. We can adapt to the changes without removing our old ways. Pwede nating ipreserve ang mga tradition natin at imodify na lang ito para magfit sa bagong mundong ginagalawan natin. We don't have to completely change." Wika ko at tumingin kay Karl para sa pahuling sasabihin ko. "Today's generation can still apply this old tradition if they will choose to, Mr. Zamora." Dagdag ko tsaka nagpasalamat at naupo.
Nagpalakpakan naman ang lahat dahil sa sagot ko. Nakita ko ang mga tingin ng mga kaklase ko at ang pagtango nila na tila ay sang-ayon sa aking punto.
"OMG! Bestfriend ko 'yan! Pero hindi pa po 'yan nagkakajowa. Huwag kayong papauto diyan wala pang experience 'yan sa love." Malakas na wika ni Jane sanhi ng pagtawa ng buong klase.
Ako naman ay tiningnan siya nang matalim. Ang babaeng ito, kahit kailan talaga ay puro kalokohan.
"Maeexperience din niya 'yan. Gagalawin na ng isa diyan ang baso, nararamdaman ko na." Panggagatong ni Clarence sa biro ni Jane.
Ano bang pinagsasabi ng mga ito? Mga walang magawa sa buhay.
"Thank you, Ms. Martinez. Since naubos ang oras natin dahil sa sagot ng dalawa, we will continue this debate tomorrow so be ready and have a research. Good bye." Wika ni ma'am kaya naman nagsitayuan na kami para magpaalam sa kaniya.
"You sound like you already experience a lot." Wika ni Karl sa tabi ko nang makaupo na kami ulit sa upuan namin, may last subject pa kasi kami.
"I do. I mean lahat naman tayo marami nang naging experiences." Sagot ko at kinuha ang bag ko para ihanda na ang notebook ko para sa susunod na subject.
"No. Sa love life. Para kang marami nang naexperience." Paglilinaw niya, talagang ang atensyon ay nasa akin lamang.
"I didn't. All of the things that I said awhile ago are just based on my observations." Sagot ko.
"You're really a mystery." Wala sa sariling sabi ni Karl at napailing pa.
"We are all a mystery. May mga tao lamang na nag oover share masyado sa iba." Sagot ko.
And I refuse to do that. The more people are involved in your life and your problem, the more serious problem will arise, marami ang makikialam.
BINABASA MO ANG
The Art of Pain
Teen FictionAmara Angelie came from a broken family. Sa murang edad ay nasira na ang imahe ng salitang "pag-ibig" sa kaniya. Palagi niyang nakikitang magka-away ang mga magulang niya at doon ay nakabuo siya ng sariling depinisyon ng pagmamahal. Para sa kaniya...