Chapter 10

10 2 0
                                    

"Amara, kanina ka pang tahimik diyan." Wika ni Jane sa tabi ko.

Nasa kotse na nila kami at pauwi na sa bahay. Tatambay daw muna sa amin si Jane dahil nab-bored daw siya.

Nakatitig lamang ako sa labas ng bintana at pinapanood ang mga nadadaanan namin.

"Wala naman akong sasabihin." Tipid na sagot ko gaya ng lagi kong sagot sa mga taong nagsasabi sa akin ng mga katagang 'yon.

"Pero mayroon kang iniisip." Wika niya at pumihit ng kaunti para tuluyang mapaharap sa direksyon ko.

"Wala naman. Ikaw na ang may sabi. Hindi ako nagsasalita kung di ako kakausapin." Palusot ko kahit ang totoo ay iniisip ko ang lalaking iyon. Masyado na niyang ginugulo ang utak ko hindi ko na alam kung totoo ang mga pinagsasabi niya o pinagt-tripan niya lamang ako.

Bakit ko ba iyon iniisip? Bakit ko ba kailangang malaman? Wala naman akong pake di'ba?

"Hindi uubra sa akin ang palusot na iyan, Amara. Kunot na kunot ang noo mo at halatang may iniisip ka." Wika niya na ani mo ay siguradong sigurado siya sa sinasabi niya. "Ano ba iyon?" Tanong niya pa.

"Wala. Ma-issue ka lang talaga." Sagot ko, ang tingin ay nananatiling nasa harapan pa rin ng bintana.

Nasilayan ko naman sa peripheral vision ko ang pag-irap niya.

"Ang arte mo. Bahala ka na nga diyan. Ikaw na nga pinagagaan ang loob e." Reklamo niya at umupo na ng ayos sa upuan niya, inalis ang pagkakaharap sa akin habang ang mukha ay simangot na simangot.

Hindi naman na ako umimik pa dahil wala ako sa mood makipagbangayan at asaran sa kaniya.

Ilang minuto rin ang itinagal ng katahimikan hanggang sa hindi niya rin napigilan at bigla siyang nagsalita.

"By the way, I'm starting to think that Karl's actions are alarming now." Wika niya, ang tono ay seryoso na.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko, ang interes ko ay tuluyan na niyang nakuha dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ng lalaking iyon.

"Noong una ay pang-aasar lamang talaga lahat ng ginagawa ko sayo pero alam ko namang hindi mo papatulan iyon. Gusto lamang kitang inisin." Paliwanag niya.

"Tapos?" Tanong ko dahil tumigil siya, pabitin ang gaga.

"Pero ngayon ay iba na ang kinikilos ni Karl. Hindi ko alam pero parang interesado na siya sayo masyado." Pagpapatuloy niya.

Ako naman ay tahimik lamang at hindi na umimik. Hindi ko alam pero meron sa loob ko ang parang nakakaramdam ng galak.

Ano naman sakin kung maging interesado siya? Pake ko sa lalaking iyon?

"Hindi mo ba napapansin iyon?" Tanong niya. Gaya kanina ay humarap siyang muli sa akin.

Ako naman ay umiwas agad ng tingin dahil baka mabasa niya na naman ako. Masyado na akong kilala ni Jane. Baka malaman niyang pati ako ay nag iisip na rin dahil sa mga gjnagawa sa akin ni Karl.

"Ano bang meron? Wala naman." Maang-maangan ko.

"Paano kung may gusto na nga iyon sa'yo?" Biglang tanong niya. Siguro kung umiinom ako ay nasamid na ako dahil sa tanong niya. Masyado siyang diretso kung magsalita.

"Hindi iyon." Sagot ko.

"Gaga ka ba? Yung sinabi niya kanina sa canteen, wala ka man lang bang nafeel non na parang may something?" Tanong niya pero hindi ako sumagot. Ayokong isipin ang mga ganoong bagay

"Tsaka kanina hiningi niya yung...." Dagdag niya pero pinutol din ang sasabihin. "Nevermind." Wika niya at hindi na ipinagpatuloy pa ang nais sabihin.

Seryoso ba siya? Sasabihin na niya tapos pinutol niya pa? Pag-iisipin pa ako. Ayaw na lang sabihin.

The Art of Pain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon