Chapter 2

12 1 0
                                    

"Bakit si Amary lang ang nililibre Fuchsia? Si Amary lang ang kaibigan dito?"

Natawa ako sa sinabi ni Nixi ng makita niya si Fuchsia na nililibre ako, ang sabi kasi ni Fuchsia pambawi niya raw ito sa hiningi niyang pabor sa akin no'ng nakaraang araw iyong pagpunta ko kila Way.

Tumango ako sa sinabi ni Way sa akin, siguro hindi lang ako makahindi sa mga humihingi ng pabor sa akin kaya kahit maiipit man ako o hindi ko gusto ay ginagawa ko parin o pinagbibigyan ko parin sila sa mga pabor nila.

"Pwede mo ba akong samahan sa kwarto ko, roon ko na kakainin iyong inihanda ni Ate Meg." sambit niya at tumango lang ako.

Tinalikuran niya ako saka nag-umpisang maglakad papunta sa kuwarto niya, para akong de susing laruan na pagkatalikod niya ay sumunod agad ako.

Pumasok kami ng sabay sa kuwarto niya at saka umupo siya ng dahan-dahan sa kama niya, nakalapag na roon ang pagkain niya. Tinignan ko lang siya habang kinukuha ang kutsara, nanginginig ang mga kamay niya. Pumikit ako saka lumingon sa kabilang side kung saan ang table niya na may upuan, hinila ko iyon at inilagay sa harapan niya.

Kinuha ko iyong tray ng pagkain at inilagay sa table niya, gulat niya akong tinignan pero nakabawi naman agad ng marealize niya kung bakit ko iyong ginawa.

"Hindi ako baldado Amary, kaya ko ng kumain mag-isa." sambit niya at humarap na siya sa akin na maski ang katawan niya ay nakaharap na rin sa akin.

"Kung kaya mong kumain mag-isa bakit sabi ng katulong niyo kanina na hindi ka raw kumakain at kung kaya mong kumain mag-isa sana magaling kana ngayon. Pero bakit may sakit ka parin?" nakataas ang isang kilay ko sabay subo sa kaniya no'ng pagkain niya.

Tumingin siya sa akin habang sinusubo iyong pagkain na isinubo ko kanina, para siyang isang puppy na nahuli ng amo niyang kinain iyong chicken.

Ibinalik ko ang mata ko sa plato niya at kumuha ulit ng pagkain saka isinubo iyon sa kaniya, kinain naman niya ang mga isinusubo ko.

Kaunting segundo lang ang pagitan ng subo ko sa kaniya kaya ng sa panglimang subo nakita kong sobrang lobo ng pisnge niya at nakanguso na, natawa ako at siya naman ay nakanguso lang.

Natatawa akong inabutan siya ng tubig, tinanggap niya iyon at saka ininom ng makarecover na siya ay tinignan niya ako ng masama.

"Do you want me to choke at that fucking food, Amary?" tanong niya at umiling ako.

I want you to choke me instead.

Natawa ako sa pumasok sa isip ko, umiling nalang ako at sinubuan na siya ulit ng pagkain.

"Hindi ka mamamatay sa pagkain Waylen, kaya tigilan mo kadramahan mo hindi bagay." sambit ko habang hindi siya tinitignan at naghanda na ulit ako ng panibagong isusubo sa kaniya.

"Are you mad at me?" tanong niya at inangat ko siya ng tingin saka kinunutan ng noo.

"Why would I be mad at you?" tanong ko naman pabalik sa kaniya.

Bumuntonghininga siya at hinintay ko naman ang sagot niya habang naghihintay ang panibagong isusubo ko sa kaniya. Ngunit wala akong narinig na kahit na ano sa kaniya kaya sinubuan ko nalang ulit siya at saka bumuntonghininga rin.

"Are you mad because you're here with me taking care of me instead-

"I am not. I am not mad at you, I am doing this because of Fuchsia's favor and of course your favor too." sambit ko sa kaniya.

I don't know if I am hallucinating or what but I saw the pain in his eyes, like I did something to hurt him.

"Yeah, favor. Fuck that favor." sambit niya at binitawan ko na ang kutsara saka ibinigay ang buong atensiyon ko sa kaniya.

Chasing the Sun of DeuceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon