Chapter 7

11 1 0
                                    

"Gusto mo si Waylen?"

Nahugot ko ang hininga ko ng itanong ni Nixi iyon kay Fuchsia. Tinignan ko si Fuchsia at nakita kong nakangiti ito kay Nixi matapos itanong ni Nixi iyon sa kaniya.

Nasa canteen kami ngayon at kami ni Ailsa ang bumili ng pagkain namin nagpasabay lang ang dalawa, nilalapag ko na ang mga pagkain namin ng itanong ni Nixi iyon.

"O-Oo.." nahihiyang sagot ni Fuchsia.

Hindi na ako halos makahinga at pakiramdam ko mabibitawan ko na ang mga hinahawakan ko ngayon. Tinapos kong ilagay ang mga pinasabay nilang pagkain sa amin ni Ailsa at saka ako bumuntonghininga at dahan-dahang umupo sa inuupuan ko.

May kaunting kirot akong naramdaman dahil pareho kami ni Fuchsia ng lalaking gusto, dahil kahit gaano ko pa kagusto ang isang tao kung gusto iyon ng kaibigan ko magpapaubaya at magpapaubaya ako para sa kaibigan ko.

"Kailan pa?" tanong ni Nixi saka tumingin sa akin.

Mapagtanong ang mata niya at alam ko kung bakit gano'n iyon siguro may hint na rin siya tungkol sa pagkagusto ko kay Waylen pero hindi niya lang pinagkalalat.

Umiling lang ako sa kaniya at uminom nalang doon sa binili kong inumin, tumingin ako sa paligid para madivert ang atensiyon ko sa ibang bagay at hindi sa mga pinag-usapan nila dahil i-deny ko man malaki parin ang epekto noon sa akin.

Hindi ko masabi sa kanila kung sino ang gusto ko, hindi ko maamin sa kanila kung sino ang gusto ko all this time dahil ang taong gusto ko, gusto rin ng kaibigan ko at nasasaktan ako para sa kaibigan ko dahil alam ko kung sino ang gusto ni Waylen, at ako iyon.

"Matagal na rin siguro no'ng hindi pa tayo magkakilala, iyong si Waylen palang ang kilala ko rito sa campus, gusto ko na siya noon pa man." sagot ni Fuchsia.

Tumingin na ako sa kanila at hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko, parang gusto ko nalang itigil ang pinaguusapan nila dahil hindi na ako komportable at nasasaktan na rin ako.

"Ah so matagal na pala, bakit ngayon mo lang inamin sa amin?" sambit ni Ailsa at si Nixi ay tahimik ng kumakain habang tinitignan ako.

"Nahihiya kasi ako sa inyo, lalo na't kaklase pa natin siya at baka asarin niyo pa ako sa kaniya ayoko kasi no'n baka ma-awkwardan din siya.." natatawang sambit ni Fuchsia.

Isinubo ko ang pagkain ko at halos hindi ko na manguya at malunok iyong pagkaing kinakain ko.

Bakit ba kasi sa lahat ng gugustuhin namin isang lalaki pa? Alam na alam talaga ng tadhana kung paano maglaro dahil alam niyang kapag ganito ang mangyayari magpaparaya at magpaparaya ako kahit anong mangyari para sa kaibigan ko.

Hindi na ulit kami nagusap hindi narin ako nagsalita hindi ko alam kung napansin nila iyong pananahimik ko pero hindi na rin sila nag-atubili pang kausapin ako. Alam nila kung kailan sila tatahimik at kung kailan sila magiingay. Hindi pa ako magsalita alam na nila iyon, hindi na sila nangungulit o ang magtanong pa.

"Amaryllis.."

Lumingon ako sa tumawag, nagjogg ito papunta sa akin. Tumingin ako sa kaliwa't-kanan ko at wala ng halos mga estudyante. Uwian na rin kasi nagpahuli ako ng uwi dahil wala ako sa wisyo para makisabay sa maraming estudyanteng maguuwian.

"Bakit ngayon kalang lumabas? Kanina pa kita hinihintay, akala ko umuwi kana.." sambit niya at gulat ko naman siyang tinignan.

Kumunot ang noo ko habang tinitignan siya dahil hindi ko naman inaasahan na itatanong niya iyon.

Kanina pa ba niya ako hinihintay? Bakit hindi siya nagsabi sa akin? Bakit naman niya ako hinihintay may sasabihin kaya siya sa akin? At ano naman iyon kung meron nga? Tumitig ako sa kaniya dahil hindi ko na rin alam isasagot sa mga tanong niya sa sobrang daming tanong na rin na bumabagabag sa isipan ko.

Chasing the Sun of DeuceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon