Chapter 5

11 1 0
                                    

"Ang ganda mo sobra, bagay na bagay sa 'yo ang character na 'yan Amary."

Ngumiti ako kay Nixi at tinignan ang sarili ko sa salamin, ngayon na gaganapin ang event na ito.

Kakatapos ko lang ayusan at suot ko na iyong costume ko, ilang linggo na rin ang lumipas simula no'ng nangyari ang lahat, simula kay Waylen at magpahanggang iyong nangyari sa bahay.

Hindi parin naguusap si Mommy at ang kapatid ko, nagiging magaan na rin kahit papaano ang pakikitungo ng kapatid ko sa akin.

"Where is my daughter?"

Napatingin kami ng mga kaibigan ko ng marinig namin ang boses ni Mommy, iginaya siya ng isang teacher papasok sa make up room. Nang makita niya ako nagpasalamat siya at agad na ngumiti sa akin.

"You are so beautiful Amaryllis, this character fits you so well." sambit niya at hinawakan ang dalawang balikat ko at hinaplos iyon.

Ngumiti si Mommy sa akin at pilit naman akong ngumiti sa kaniya. Hinalikan niya ang pisnge ko at maya-maya lang ay binulungan na niya ako.

"Win the crown, I already told you what I want Amaryllis." bulong niya at nagbago na agad ang timpla ko sa araw na ito. "Make me proud okay? Your father and sister are outside, you will see us immediately since our seats are near on stage so goodluck luck, make us proud. Make me proud." dagdag niya at umalis na rin.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala kinalabit na lang ako ng organizer at sinabing pumila na dahil maguumpisa na.

Wala ako sa sariling pumila, naririnig ko ang hiyawan ng mga estudyante sa labas ng isa-isa na kaming tinawag sa mga character namin.

Pangalawa sa huli akong tatawagin, kahit kinakabahan ay parang wala ako sa sarili dahil sa sinabi ng Mommy ko.

Paano kung magkamali ako? Paano kung imbes na maging proud sila sa akin ay kahihiyan lang ang aabutin nila?

Umiling ako dahil hindi ito ang tamang oras para isipin ang mga ganitong bagay, dapat ang iisipin ko ngayon ay kung paano itaguyod ang patimpalak na ito.

"Next is no other than, the goddess of love and beauty Aphrodite!!"

Tawag ng emcee sa akin at naghiyawan naman ang mga tao sa labas, bumuntong hininga ako at isinabuhay ang character ni Aphrodite. Pumikit ako at unti-unting naglakad palabas ng back stage upang makapinta sa stage.

Malakas ang hiyawan kahit hindi pa ako nakakarating sa stage, kabadong-kabado ako pakiramdam ko hindi na umaapak sa lupa ang mga paa ko. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko.

Nang makarating ako sa harap ng stage ay kitang-kita ko ang mga kaklase ko na full support may pa banner pa sila at panay ang sigaw, nakita ko ang mga kaibigan kong naghihiyawan at ng malingunan ko ang parte kung saan naroon ang pamilya ko ay gusto ko nalang bumalik sa back stage at itigil ang kalokohang ito.

Nakangiti si Daddy at Ate sa akin habang si Mommy naman ay nakangiti rin ngunit makikita mo ang seryosong mga matang nakatingin sa akin.

Tumingin ako seryoso sa lahat ng tao na narito saka umikot at ngumiti. Naghiyawan ang mga kaklase ko at ngumiti ako sa kanila.

Lumapit ako sa may microphone upang magsalita.

"Beauty is about finding the right fit, the most natural fit. To be perfect, you have to feel perfect about yourself, avoid trying to be something you're not." sambit ko at naghiyawan na naman ang mga kaklase ko.

"Go Amaryllis!!!"

"Amaryllis!! Amaryllis!!!"

"Amaryllis ang ganda mo sobra!!"

Chasing the Sun of DeuceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon