Chapter 8

14 1 0
                                    

Simula no'ng nakita ko si Fuchsia at Waylen sa mall ay hindi ko na ulit kinibo si Waylen, palagi niya akong inaabangan sa labas ng school o hindi kaya'y sa field pero hindi ko rin siya pinapansin.

Hanggang sa mapagod siya dahil no'ng narealize niyang wala na akong balak kausapin siya ay tumigil na rin siya, nakikita ko na sila palagi ni Fuchsia na magkasama kahit sa mga stories sa social media ay magkasama sila.

"Campbell Amaryllis Layana Davis, over all valedictorian for 2017-2018 school year!!"

Naglakad ako papunta sa stage kasama ang Daddy at Mommy ko, nakangiti akong naglakad dahil alam kung proud sila sa achievements ko. Ngayon ang moving up namin at masasabi kong tapos na ang taon ko nilang junior high student.

"Best Leadership Award, Best in Research Paper, Outstanding Student, Ms. Literary Character 2017, and Vice President of Student Council. Please give her again a big round of applause, Ms. Campbell Amaryllis Layana Davis!!"

Sinabitan ako ng parents ko ng medal at nagpalakpakan naman ang mga estudyanteng nasa harapan, hinanap ko ang mga kaibigan ko at tuwang-tuwa naman sila. Lahat kami ay may awards na natanggap.

After ay bumaba na ang mga magulang ko at naiwan ako sa stage dahil magbibigay ako ng speech, tinapik ko ang microphone para i-check kung naka on ba iyon.

"Good Day Ladies and Gentlemen! I am Amaryllis Layana Campbell from Grade 10 Section 1.." panimula ko at nagpalakpakan naman ang mga nakikinig at ngumiti ako sa kanila.

"I would make this short because I know all of you wanted to go home to celebrate this day with your families and friends, It is a great honor standing in front of my schoolmates who will be moving on the next milestones of their lives, this is just the beginning of everything and I hope we will never forget our hardwork to achieve where we are right now always look forward for the brighter days. If you are tired please be reminded to take a break, but don't ever give up it's easy to say but one thing to remember, nandiyan ka dahil kinaya mo, umabot ka sa ganiyan na kalayo dahil kinaya mo kahit sinasabi mong hindi na. Malayo pa ang lalakbayin natin pero malayo na tayo."

"Thank you for the teachers who guided us throughout the years that we've been struggling, Thank you for all of the parents who work hard for the betterment of their children. And also thank you for my family and friends, my Mom who support me for everything thank you so much Mom I owe you alot. To my Dad thank you for being the best dad that everyone could wish for, I love you. To my sister thank you for being the best, I thank God because he give me you thank you. To my friends, Nixi, Ailsa, and Fuchsia I love you three thank you for staying with me through my ups and downs. Thank you and Congratulations to Batch 2017-2018!!" pagtatapos ko at nagpalakpakan naman ang lahat.

Bumaba ako ng stage at bumalik sa kinauupuan ko kung nasaan ang mga kaibigan ko, niyakap nila ako pagkarating ko sa upuan ko.

"Congrats sa atin, Goodbye Junior High hello Senior High!!" excited na sambit ni Nixi at nagtilian naman kaming apat.

Tuwang-tuwa kami habang hawak namin ang mga diploma namin at panay na ang selfie rito, selfie roon walang sawang selfie.

Nang matapos ay nagkaniya-kaniya na kami ng uwi dahil may kaniya-kaniyang celebration ang bawat isa sa amin, nauna na sa labas ang parents ko at susunod na rin ako nagpaalam na ako kila Nixi at gano'n din sila.

"Amaryllis.."

Lumingon ako sa tumawag sa akin at ng makita ko kung sino iyon ay gusto kong batukan ang sarili ko kung bakit lumingon pa ako, bumuntonhininga ako wala na rin naman akong choice dahil nilingon ko na rin naman.

"Way..." sagot ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at hindi ko kayang ngumiti sa kaniya pabalik dahil may kirot sa puso ko ng makitang may sakit sa mga mata niya kahit nakangiti siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing the Sun of DeuceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon