Chapter 1

25 1 0
                                    

"Pupusta ako hindi papasok si Ms. Alcantara ngayon, walang performance task na ipapasa for today's video"

Tumingin kami kay Nixi na proud na proud pa siyang sabihin iyon sa amin, halos 20 minutes na kasi ang nakalipas at wala pa ang lecturer  namin sa isang subject.

May policy din kasi ang school na kapag 30 minutes late na ang lecturer it is equivalent to absent, naka 20 minutes na kasi si Ms. Alcantara.

"Paano kung buzzer beater pala si Ms.? Oh anong gagawin mo ha?" hamon naman ni Ailsa kay Nixi.

Tumaas ang kilay ni Nixi habang tinitignan niya si Ailsa, tumingin naman ako sa gilid ko at tinignan si Fuchsia na tahimik lang habang nakatingin sa phone niya.

"Okay kalang ba? Kanina kapa tahimik diyan." sambit ko at hinawakan ko ang kamay niya.

Tumingin siya sa akin at pilit na ngumiti na hindi man lang umabot sa mata niya iyong ngiti niya.

"Okay lang ako Ry.." sagot niya sa 'kin.

Siya lang ang kaisa-isang tao na tumatawag sa aking 'Ry' dahil sabi niya napakahaba raw ng Amary kaya para mapaiksi Ry nalang ang tawag niya sa akin.

"Sabihin mo na kung ano, makikinig ako. Alam ko na meron kang iniisip ang tahimik mo kaya." sambit ko para lang malighten 'yung atmosphere.

Ngumiti ako sa kaniya at hinaplos ko ang kamay niya, tumingin siya sa akin at paiyak na.

"Si Way kasi.." paguumpisa niya.

Nagulat ako sa sinabi niya, unang banggit niya palang sa pangalan ay napasinghap na ako. Parang alam ko na kung saan 'to papunta.

"Hindi ko maintindihan kung gusto niya ba ako o kaibigan lang ang tingin niya sa akin." sambit niya.

Hinayaan ko lang siyang magsalita, nakikinig lang ako sa kaniya. Gusto kong sabihin niya lahat bago ako magsasalita.

"Kapag kami lang dalawa ang magkasama higit pa sa pagkakaibigan ang turing niya sa akin, pero kapag may ibang tao o kasama ko kayo o ang mga kaibigan niya ay pangkaibigan lang ang pinaparamdam niya sa akin. Hindi ko na alam Ry, hindi ko alam kung tama pa ba itong nararamdaman ko o ako na ang may mali dahil binibigyan ko ng meaning ang mga ginagawa niya." sambit niya sa akin.

Sa pagkakataong ito pakiramdam ko  hindi ko na alam ang sasabihin ko.

It's very obvious that Way giving her a mixed signal, I don't know if I should be happy that she is not a mixed signal enjoyer or feel bad because Way treating her like that.

"Tama ba na kausapin ko si Way para maliwanagan ako o hayaan ko nalang dahil baka ako lang talaga ang nagbibigay ng meaning kahit sa kaniya ay normal lang iyon sa isang magkaibigan." sambit niya saka yumuko.

Bumuntong hininga ako bago ko siya sagutin o ang magbigay ng opinyon tungkol sa sinabi niya.

"Your feelings are all valid. Kung nafefeel mo na hindi consistent 'yung pinaparamdaman niya sa 'yo then hindi nga 'yan consistent. Walang mali sa nararamdaman mo dahil kung ayon naman talaga ang ipinaparamdam at ipinapakita niya natural na mararamdaman mo talaga 'yon hindi na 'yon dahil nagfefeeling ka or what." panimula ko sa kaniya.

"If you want to confront him to address what you fell for him then do it, I'll support you. Kailangan mo ring malinawan sa mga bagay na ginagawa niya, for you to know kung hanggang saan lang ba dapat and para hindi maglead on into something that both of you will regret or will hurt you at the end." dagdag ko.

Nakatingin lang siya sa akin at saka naghihintay pa ata ng idudugtong ko. I don't know if I give her the right advice, because I am also doubtful to the words that came into my mouth.

Chasing the Sun of DeuceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon