Amaryllis is a flower that means, strength, pride, and determination in Greek name it means 'to sparkle'. Layana means beautiful, shining, and glowing in Persian but in Sanskrit Layana is 'a place to rest' or a 'resthouse'. And that is the meaning of my name.
Amaryllis Layana..
Ilang araw na akong wala sa sarili ko, simula no'ng nakita ko iyon sa account ni Waylen. Gabi-gabi ko na lang iniisip 'yon bago matulog, ayokong bigyan ng meaning pero may nagtutulak talaga sa akin na gano'n nga na baka may gusto si Waylen sa akin.
Napaka imposible naman dahil sobrang civil ng pakikisama niya sa akin, hindi ko tuloy maiwasang balikan iyong mga nangyari noon at tinignan kung may special ba roon kaso wala naman, wala rin naman talaga akong maalalang may special siyang ginawa sa akin. Pure kaibigan lang.
Hindi ko na rin siya pinapansin simula no'ng pumasok siya, napapansin ko ang palagi niyang pagtingin sa akin kaso hindi ko na ito pinapansin, minsan naman napapansin kong gusto niya akong lapitan kaso ako na rin mismo ang umiiwas sa kaniya.
Hindi ko pa siya kayang kausapin sa ngayon, oo gusto ko ng itanong sa kaniya iyong nakita ko kating-kati na nga akong itanong pero pakiramdam ko hindi pa tamang panahon para itanong ang gano'ng bagay gayong hindi naman din ako sigurado sa pagkakaintindi ko sa nakita ko. Baka magkamali lang ako.
"Amaryllis nakausap ko na pala ang Mommy mo about sa mga susuotin mo lahat pati sa accesorries, naisend ko na rin sa kaniya iyong picture ni Aphrodite para may idea siya kung anong klase ang susuotin mo." nakangiting balita ni Ms. Alcantara sa akin
"Po?" tanging naisagot ko sa kaniya.
"She's fine with it don't worry, I have to go see you around. I'll update you every now and then about that event." sambit niya at umalis na.
Napabuntonghininga nalang ako at tatalikod na sana ng nagring ang phone ko, kinuha ko ito sa bulsa ng palda ko at ng tignan ko iyon ay si Mommy pala.
"Hello My." sagot ko sa kaniya.
Nasa ground ako ngayon kakatapos lang ng PE namin at magbibihis na sana ako ng kinausap ako ni Ms. Alcantara, kaya ito ako sinisipa sipa ang kunwareng damo ng school ground.
"Your teacher called me about that event. She also told me about the dress that you should wear, ipapadala ko ang designer natin sa bahay para masukatan kana at magawa ng maayos." sambit niya at pumikit nalang ako.
I should be happy because my mom still have time to do that kind of thing, to still prioritize me but when I thought about why she's doing that it hurts me. She's doing this well so that she won't be humiliated, because people are looking at them perfectly, a perfect artist, a perfect mother, and a perfect family.
"Okay My." tanging naisagot ko sa kaniya.
"Start your diet now, I want all of this to be perfect take care." sambit niya at pinatay niya na ang tawag.
Bumuntonghininga ako hindi ko muna ibinaba ang phone ko nakalagay parin ito sa aking tenga, dahil nasasaktan na naman ako sa ginagawa ng Mommy ko. Hindi ko na halos matandaan kung kailan yung huling beses na nagpakananay siya sa akin. Na hindi puro ganito, hindi puro pagpapakitang tao.
Ibinaba ko na ang phone ko at inilagay sa bulsa ng palda ko, tumingala muna ako at humingang malalim saka pumihit na paharap papuntang locker at laking gulat ko ng makita kung sinong nasa harapan ko.
"You okay?"
Napakurap-kurap ako saka dahan-dahang tumango, ngumiti siya sa akin at nawala naman ang mata niya sa pagngiti niya. Nakatingin lang ako sa kaniya dahil hindi ko rin alam ang irereact ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Chasing the Sun of Deuce
JugendliteraturZodiac Sign Series #1: Chasing the Sun of Deuce (Aquarius & Gemini)