I Believe

0 0 0
                                    

♫I believe

Na ikaw lang at ako~♬

_____

"Oh tol,shot mo na!" sabi ni Fred sa kaibigang si Jax na natutulala na naman. Inabot naman ito ng huli bago dahan-dahang nilagok.

"Tahimik mo naman tol!" puna ni Geo.

"Hayaan mo na, halata namang iniisip niyan si Ms. HUMSS student," sabi naman ni Dion.

Nagsitawanan naman sila maliban nalang kay Jax na sinamaan lang sila ng tingin.

"May progress naman ba yung panliligaw mo tol?" usisa ni Clark.

Umiling lang si Jax.

"Pucha, wala!?" gulat na tanong ni Herald.

"Wala," parang nababagot na sagot ni Jax. "Pero, okay lang. Ganun naman talaga. Di porket nanligaw ka, sasagutin ka na. Priority daw muna niya'ng pag-aaral niya. Oks lang naman ako."

Tumango-tango naman yung lima.

"Alam mo," nakangising sabi ni Dion. "May pinsan akong naghahanap ng jowa, gusto mo i-try?"

Mahina namang natawa yung apat tapos si Jax, umismid lang.

Makapagsalita 'to, parang bagay yung pinsan niya para pwedeng ita-try ko, psh, isip-isip ni Jax.

"Pass," sabi ni Jax kapagkuwan. "Sabi ko pa naman kay April, maghihintay ako. Ang panget naman diba kapag malaman niyang ume-entertain pa'ko ng iba habang nililigawan ko siya? Minus pogi points yun."

"Goodluck na lang tol," umiiling na sabi ni Fred.

"Greenflag na greenflag?" may halong pang-aasar ni Geo.

"Pa'no kung may ine-entertain siyang manliligaw maliban sa'yo?" usisa ni Clark.

"Okay lang naman yun. Kung kami talaga, ke't ano'ng mangyari, magiging kami. Pero 'di ibig sabihin no'n na bawal na siyang makasalamuha ng ibang tao," sagot ni Jax. "Kapag ako lang yung ine-entertain niyang manliligaw, iisipin kong may chance talaga na sasagutin niya'ko. Ayun kasi yung kaibahan eh. Ang mga lalaki, kapag nanliligaw sila ibig sabihin mahal nila yung babaeng nililigawan nila—maliban nalang sa palaro-laro lang—, ang mga babae namang nagpapaligaw, sinusubukan nila kung kaya ba nilang mahalin yung manliligaw nila. Bale, nanliligaw tayo para maipakita natin sa nililigawan natin na deserving tayo sa pagmamahal nila. Gets niyo?"

"Whooo! Ambaet putangina sobrang baet!" sigaw ni Herald.

"Green na green, parang damo," pang-aasar ni Fred.

"Swerte ni Ms. HUMSS student!" sigaw ni Geo.

"Balita ko full package yun eh," seryoso pa kunwaring sabi ni Dion.

"Si Jax ang swerte pag nagkataon!" sigaw ni Clark.

Natatawang nagsalin nalang ng alak si Jax sa kanya-kanya nilang baso habang nakikinig sa mga kaibigan niya.

_____

♫Araw-araw maghihintay

Hawak lamang ang sinabi mong

Baka mahal mo rin ako~♬

_____

"Si April ba, Jax?"

"Ah oo."

"Nasa classroom pa, may tinatapos eh," bahagyang lumapit ang kaklase ni April sa kanya at bumulong. "Kasama niya ro'n si Lenard. Balita ko pumo-porma yun sa kanya. Haba naman ng hair ni April!"

Pilit lang na ngiti ang isinukli ni Jax sa babae.

Nakaka-challenge 'to. Di lang pala ako'ng pumo-porma kay April, may the best man win nalang, sa loob-loob ni Jax.

Naghintay pa siya ro'n ng ilang minuto bago niya natanawan si April.

"Kanina ka pa ba?" nakangiting tanong nito.

"Oo, pero okay lang," nakangiti niyang sagot. Nang araw na yun, hinatid niya si April sa bahay nito at bago siya umalis. May sinabi si April, na magiging dahilan ng pagkatulog ni Jax ng may ngiti sa labi kinagabihan.

"Wag kang magsasawa at mapapagod sa'kin ha?" nakangiting paghingi nito ng assurance sa binata. "Mamahalin pa kita."

_____

♫Ayos na sa'kin ang minsang

Binigyan mo ng pag-asa

Basta't mahal kita~♬

_____

Isang hapon yun, habang tumatambay sa isang botanical garden at kumakain ng chichirya, sinabi ni April ang mga salitang magda-dalawang taon ding hinihintay ni Jax.

"Jax, maraming salamat kasi 'di ka agad sumuko sa'kin," panimula ni April. "Akala ko nga, mabilis ka lang mabagot pero hindi pala. Salamat. Sa halos dalawang taon mo ng panliligaw sa'kin, hindi ka pumapalya sa pagpaparamdam na totoong mahal mo'ko. Jax.. sinasagot na kita. Tayo na."

Naranasan niyo na ba 'yung pakiramdam na hinangad niyo'ng isang bagay sa loob ng mahabang panahon at sa wakas, napasa'yo na'to? Ganun ang nararamdaman ni Jax sa mga oras na yun.

Worth it kang hintayin, sa loob-loob ni Jax habang yakap na si April.

_____

♫Ikaw lang at ako

Ang magsasabi ng

I Love You~♬

_____

"I love you, April Ann Lazaro."

"I love you too, Jaxon Meric Arevalo."

La Fin

PS: Song used-I Believe by Jimmy Bondoc

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now