Still Into You

0 0 0
                                    

"Oyy,busy ka bebs?" tanong ng lukaret na si  Dianne sa'kin habang gumagawa kami ng project dito sa bahay.

"Obvious ba?" sarkastiko kong tanong. "Kita mong andami ko pang isusulat tapos i-p-paste,magtatanong ka ng ganyan. Tsaka tapos ka na ba sa ginagawa mo't nagce-cellphone ka na diyan?"

Inirapan niya lang naman ako at nag-pout pa'ng g-ga.

"Kita mo na ba'to?" tanong niya mayamaya.

"Ano ba yan?!" nakakunot ang noo'ng tanong ko sa kanya.

"Post ni Jim! Yung hot fafa ex mo!" aniya habang idinuduldol sa mukha ko'ng cellphone niya. Inis na kinuha ko'to at post nga ni Jim cheater Agoncillo 'tong nabungaran ko.

Picture ng dalawang kamay na pinagsalikop at halata namang sa sasakyan kinuhanan. Kaninong kamay pa nga ba? Eh di sa kanya tapos sa bago niya. Siguro,yung babaeng girlfriend niya na ngayon ay ang babae ding kasama niya sa pagloloko sa'kin dati. Psh,magsama sila. Magsama sila hanggang mad-ads,wala na'kong pake!

"Oh bakit ko naman pag-iinteresang makita yan?" nakataas ang isang kilay na tanong ko kay Dianne. "Importante ba yan? Tsaka di ko na friend sa lahat ng socmed acc ko yang manlolokong yan. Number niya nga ni-block ko na."

Nagngiting-aso naman si Dianne na ikinakunot lalo ng noo ko. Kanina mukha siyang bebe,ngayon naman literal na mukhang aso. Wow,magic. Paiba-iba ng peys.

"Ano pala yung status update mo kahapon na 'Still Into You'?" may halong pang-aasar na tanong niya. Anong status update?

Halos mamula ako ng maalala yun.

"A-Ano..." nautal pa nga. "...k-kanta yun!"

"Ay weh? Anong kanta naman? Still Into You by Paramore? Kelan ka pa naging fan ng Paramore?"

"Kahapon!" nice,palusot is coming! "Pinakikinggan ko kasi yung The Only Exception nila tapos ng mag-play next,sumunod yang Still Into You. Oo,ganun!"

"Mama mo," nakaismid na aniya.

Para talaga yun kay Jim,Dianne. I'm still into him kasi,put-ngina.

-

Kasalukuyan akong naglalakad sa matao at maamoy-pawis na hallway ng paaralang saksi ng katalinuhan at kasipagan ko sa pag-aaral. Gumaya kayo sa'kin,yes.

I'm alone,kasi yung sh-ngang Dianne may date. Yes,date! Sana all!

Liliko na sana ako para pumunta sa locker room naming mga senior high students ng may bwakangsh-t na bumangga sa'kin.

Kalma,Lor.

"I'm sorry,di kita napansin," aniya.

"Okay la-"

Naputol ang akmang pagsasalita ko ng pag-angat ko ng tingin,sumalubong sa'kin ang pagmumukha ng isang manloloko.

Pumihit nalang ako paalis at pumunta nalang sa classroom.

Tang-nang mukha yun,panira ng day!

Nakalimutan kong same pala kami ng paaralan.

Nang dahil sa nangyari,bad trip ako buong araw. Walang naglakas-loob kumausap sa'kin dahil nga bad trip ako.

"Bebs,pa-"

"Ayoko."

"T-ngina Lor! Magtatanong lang ako! Yes or no ang sagot! 'Ayoko' pa nga."

"Basta. Ayoko."

"Hayst,diyan ka na nga."

Isa lang si Dianne sa mga natarayan ko. Di naman magagalit yun. Sanay na eh.

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now