Ampon

0 0 0
                                    

Trigger warning: R-18

"Axel,samahan mo nga 'tong kapatid mong magpa-register," rinig kong utos ni mama kay kuya habang nagbibihis ako.

Kung bakit kasi kailangang magpa-register eh! Daming alam! Daming ka-ek-ekan! Echos nila.

"Ma,may date ako!" rinig kong tanggi ni kuya.

"Kukutusan kita! Samahan mo si Asle ah!? Pag nalaman kong pinabayaan mo yan,malilintukan ka sa'kin."

"Ihahatid ko lang siya sa COMELEC office tapos batsi na'ko–aray! Aray ko! Oo na!"

Pustahan,pinalo yun sa pwet haha!

Habang naglalakad kami ni kuya papunta sa munisipyo ng lungsod namin,yes oo lakad lang sayang daw gas eh pag magmomotor pa,ramdam na ramdam ko'ng matatalim niyang titig.

"Laki-laki mo na,pasama ka ng pasama. Pabigat amputa," rinig kong bulong niya.

Hindi talaga kami malapit sa isa't isa dahil ampon lang ako. Hindi ko alam kung ba't nag-ampon pa sina mama kung nagkaanak naman sila. Hindi ko na inalam.

"Patay ka talaga sa'kin mamaya."

Di ko nalang siya pinansin kahit pa bumibigat ang dibdib ko sa bawat masasakit na salitang binabato niya sa'kin. Sanay naman na'ko dahil kinalakihan ko na yun.

Pagdating namin sa munisipyo,hinatid niya ako sa COMELEC office at sinamahan pa'kong pumila. Kadalasan talaga sa andito ay ang mga may edad na labing-lima hanggang labing-pito. Yung iba'y napapatingin pa kay kuya,lalo na yung mga babae. Hindi rin naman kasi maikakailang gwapo siya,tapos matangkad pa. Agaw-pansin kumbaga.

Psh,kung alam lang nila'ng ugali niyan.

Ilang minuto din akong nakapila lang do'n hanggang sa turn ko na. May nakasabay akong pumasok,dala-dalawa kasi at the same time para daw mas mapadali. Si kuya andun lang sa labas,malamang.

"Paki-fill up yan,ito'ng guide," sabi no'ng babae sabay abot sa'min nung tatlong form na naka-staple. Inabot din namin sa kanya ang photocopied birth certificates namin.

Magkatabi kami no'ng lalaki habang nagfi-fill up. Di siya familiar sa'kin. Baka bagong lipat? O hindi ko lang siya namumukhaan dahil naka-mask siya? Psh,pake ko ba?

Ng matapos na'ko,tumayo ako't lumapit na sa babae para ibigay 'tong form.

"Pakisulat ng number mo rito," saad ng babae at itinuro ang upper right corner ng form. Sinunod ko naman ang sinabi niya kasi masunurin ako,be like me char!

Habang nagsusulat ako'y naramdaman ko'ng presensya ng lalaki sa likuran ko. Malamang,tapos na siya sa pagfi-fill up.

Ilang minuto din ako sa loob at ng makalabas ako'y umalis na din kami ni kuya sa munisipyo.

Wala kaming imikan habang naglalakad pauwi.

Nasa street na kami ng village namin ng makasalubong namin ang kabarkada ni kuya na si kuya Klent.

"Sa'n galing tol?" tanong niya habang nakipag-fist bump kay kuya at saglit lang akong tiningnan.

Aalis na ba'ko o ano?

"Nagpa-register. SK."

"Oo nga pala,dalaga na nga pala 'to. Hindi na baby,pwede na nga'ng gumawa ng baby eh," aniya at pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Kinilabutan naman ako bigla kaya nagpaalam na'ko kay kuya na mauuna akong umuwi. Tumango lang naman siya kaya agad akong tumakbo paalis.

Manyak.

Hinihingal pa'ko ng buksan ko'ng gate at pagkapasok ko sa sala ay nahagip ng mata ko'ng sticky note na nakadikit sa center table.

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now