Let Me Be The One

0 0 0
                                    

"Hoy babae!"

Gulat kong nilingon ang tumawag sa'kin na walang iba kundi si Trixie--ang nag-iisang kaibigan ko.

"Ano!? Nanggugulat amputa!"

"Hoy makamura ka,di ka ba minahal!?"

"Excuse me,baka ikaw'ng di minahal. Tanong mo pa si Third,mahal ako no'n."

"Ah kaya pala nakita ko sila ni Lainne na lumabas sa spare room natin,pawis na pawis. Malay natin kung ano'ng kabalastugan ang ginawa nila diba? Yun ba yung mahal ka?"

Ilang segundo din akong napamaang sa mukha ni Trixie habang nagpe-play sa isip ko'ng sinabi niyang senaryo. Rated SPG nga,masakit sa damdamin kung totoo'ng akala niya,na may ginawa silang kabalastugan.

"B-Baka may iniutos lang sa kanila tapos pawis na pawis sila. Ikaw,napakadumi ng utak mo! Kaya ka iniiwan eh."

"Bahala ka nga,Jasmine. Pag tumama'ng hinala ko,libre moko!"

***

"Babe,happy monthsarry!" masayang bati ko kay Third na nasa kabilang linya. Second monthsarry na namin ngayon at talaga namang masaya ako dahil tumagal kami.

["Same to you,siyanga pala,di kita masusundo mamaya para sa lakad natin. May emergency eh."]

Nawala'ng saya na naramdaman ko at napalitan ng lungkot.

B-Bakit ang lamig? Ang cold niya na kausap tsaka ano daw,di niya'ko masusundo?

"S-Sige..."

["Hmm...bye na muna,may gagawin ako."]

"Teka-"

Toot...toot...toot...

Napatitig nalang ako sa screen ng cellphone ko.

"Ano ba,Jasmine,wag kang mag-overthink. Baka busy lang talaga siya. Intindihin mo," pag-aalo ko sa sarili ko.

Napagdesisyonan ko nalang na i-celebrate ang monthsarry namin kasama si Trixie. Kahit loka-loka yun,nami-miss ko pa din yun.

Andito kami ni Trixie sa mall. Kakakain lang namin at ngayon naglalaro kami sa arcade.

"Kainis! Talo na naman! May dayaan talagang nagaganap dito Jasmine!" reklamo niya ng matalo ko na naman siya.

Sasagot pa sana ako ng may marinig akong pamilyar na boses sa bandang likuran ko.

"Sure ka love? Dito talaga'ng gusto mo?"

Kung hindi pa nagkakaroon ng problema'ng tenga ko,boses yun ni Third. Napatingin sa'kin si Trixie at nanlilisik ang matang tumingin ulit sa likuran ko,kina Third.

"Jasmine,ano'ng ibig sabihin nito?" Nangangalaiti sa galit na bulong niya sa'kin. "Akala ko ba monthsarry niyo!? Akala ko ba may emergency yang putang yan!? Ba't kasama niya si Lainne? ANONG LOVE!?"

Unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha. Hindi ko rin alam Trixie. Hindi ko alam.

"Tara,umalis na tayo rito,sumpain yang Third na yan!" at hinila na'ko ni Trixie palabas ng arcade.

***

"Tama na yan Jasmine," saway ni Trixie sa'kin ng di pa rin ako matapos-tapos sa pagngawa. Andito na kami sa bahay,sa kwarto ko mismo. "Hindi mo dapat iniiyakan ang mga ganung lalaki! Pucha siya!"

Lumipas ang ilang araw at ganun pa rin ang nangyayari. Kami pa rin ni Third pero parang hindi. Madalang na kami kung mag-usap at kapag nag-uusap naman ay sobrang bilis lang. Madalas na rin silang magkasama ni Lainne at sa'ming dalawa parang siya pa talaga'ng girlfriend ni Third.

Gusto ko ng matapos 'to. Masakit na. Sobra. Hinihintay ko lang na makipaghiwalay si Third sa'kin,bagay na di niya ginagawa.

"Engot ka din eh noh?" may halong inis sa boses ni Trixie. Andito kami sa rooftop at kumakain,tinatanaw ang mga tao sa ibaba. "Ano ba'ng akala mo? Lalaki lang ang pwedeng makipaghiwalay? Nung oras na sinagot mo siya,nagsimula na din ang relasyon niyo. At dahil ikaw'ng nagsimula,ikaw na din ang tumapos. Shuta siya!"

Tama siya.

Bakit di nalang ako'ng makipaghiwalay? Para kahit madurog ang puso ko,mananatiling matayog ang pride ko.

***

"May problema ba tayo Jasmine? May gagawin pa'ko,hindi ba pwedeng bu-"

"Wag kang mag-alala,pagkatapos nito,hindi na'ko makikihati pa sa oras mo," putol ko kay Third.

Kumunot ang noo niya at bahagya pang umusog palapit sa'kin. Andito kami sa isang coffee shop. Trip kong magkape habang sinasabing makikipaghiwalay na'ko sa kanya. "Teka nga,ano ba'ng sinasabi mo? Anong makikihati sa oras?"

Kaswal akong humigop sa latte ko. Hmm,sarap niyang panooring nagkakaganyan. Wala na'kong pakealam kung genuine reaction niya ba yan o made in China lang. "Makikihati. Yung. . .kay Lainne lang dapat ang oras mo tapos naalala mong andito pa pala ako. Yun,nakikihati ako sa oras mo. Oras na dapat ay para sa kanya."

"Si Lainne,anong. . .psh,anong pinagsasabi mo? Walang malisya'ng pagsasama-sama namin okay? May by partner project kasi kami."

Kusang tumaas ang kanang kilay ko. Di ko naman tinatawag na 'love' ang ka-partner ko sa project.

"Tama na Third," walang emosyon kong sabi at sumimsim pa ulit sa latte. Timing at ubos na yun. "Itigil na natin 'to." Tumayo na'ko at magwa-walkout na sana ng hawakan niya ako sa braso.

"Jasmine. . .bakit? Tangina,ganun nalang? Sa ilang buwan nating pinagsamahan,tatapusin mo ng ganun nalang?"

Walang emosyon ko siyang tiningnan. Kinapa ko'ng sarili kong damdamin. Hindi ako nalulungkot,hindi ako naiiyak,parang. . .wala lang.

Napangisi ako ng mapait. Wala na talaga akong naramdaman pang pagmamahal sa kanya. Wala na.

"Oo,ganun nalang."

Akmang babawiin ko na'ng braso ko ng mas hinigpitan pa niya'ng pagkakahawak no'n.

"Third ano ba?"

"Wala kaming relasyon ni Lainne! Wala! Kung yun ang dahilan kung bakit ka nakikipaghiwalay sa'kin pwes itatama ko'ng maling hinala mo-"

"Maling hinala?" pinutol ko ulit ang kung ano mang kashit-an pang sasabihin niya pero nanatiling kalmado ang boses ko. "No'ng monthsarry natin andun kami ni Trixie sa arcade sa mall. Nakita ko kayo. Narinig ko pa nga'ng tinawag mo siyang 'love' eh. Sige mag-deny ka pa,diyan ka naman magaling."

Binitiwan niya na'ng braso ko at inis na isinuklay ang kamay sa kanyang buhok.

"P-Patawarin mo'ko. . ." mahinang bulong niya. "N-Natukso ako. . .may nangyari sa'min,buntis siya."

Huminga ako ng malalim.

"Wala na'kong oras para makinig diyan,Third. Aalis na'ko."

"Pero maniwala kang mahal kita! Ikaw pa rin Jasmine,mananatiling ikaw kahit matatali ako sa kanya habang-buhay! Mahal na mahal kita!" rinig ko pang aniya habang naglalakad ako papalayo.

Mahal daw niya ako. Kung mahal niya ako hindi siya matutukso,hindi siya makakabuntis.

Putanginang pagmamahal yan.

La Fin

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now