That Should Be Me

0 0 0
                                    

"Babe, anniversary na natin ngayon, uhm, mamasyal tayo?"

Bored kong tinapunan ng tingin ang babaeng katabi ko–si Juselle.

"Pwede next time nalang, Jus?" tanong ko. "Pagod ako."

Andito siya sa bahay namin at kakagaling ko lang sa trabaho. Ang balak ko nga sana'y matulog agad pagkarating dito pero andito pala siya eh. Dyahe, nakalimutan ko pang anniversary nga pala namin ngayon. Kung kailan pa'ko pagod amp.

Kung wala lang talaga akong pinag-iipunan ay hindi ako magpapakahirap at laging naka-overtime sa trabaho eh. Kaso, kailangan lalo na't importante at makakasaya sa'kin 'tong rason ng pag-iipon ko. Ikakasaya namin ni Juselle kaya konting tiis at sakripisyo lang muna.

Nahagip ng gilid ng mga mata ko ang pagtamlay ng mukha niya bago ibinaling ang tingin sa kanyang cellphone. Pumindot-pindot siya ro'n at pagkatapos, tumayo siya.

"Saan ka pupunta?" usisa ko.

Tipid siyang ngumiti sa'kin na hindi naman umabot sa mga mata niya. "Uuwi na. Kita nalang tayo bukas, may importante akong sasabihin."

At umalis na siya. Gusto ko man siyang habulin pero sa kung anong rason ay di ko rin nagawa. Para bang.. kinabahan ako bigla. Napagdesisyonan kong sundan siya.

Pero di ko na siya nasundan pa. Mabilis siyang nakalayo kaya umuwi nalang din ako.

Kinabukasan, andito ako sa tapat ng bahay nila. Akmang magdo-doorbell na'ko ng bumukas din ang pintuan.

"Sige na, umalis ka na baka maabutan ka pa ni– Rey?!"

Kung gaano kagulat ang ekspresyong nasa mukha ni Juselle ay mas higit pa ro'n ang gulat na nararamdaman ko. Nakahawak ang isang lalaki sa baywang niya at nababalutan lamang ng puting tuwalya ang kanyang buong katawan. Nakabukas naman ang unang tatlong butones ng polo shirt ng lalaki.

Hindi ako mangmang para hindi malaman ang kung ano ba'ng ginawa nila.

Pagak nalang akong tumawa. "Boyfriend mo?" maangas kong tanong.

"R-Rey. . ." nagsusumamo ang mga matang bumaling siya sa lalaki. "J-Jonas. . .umalis ka na."

Bakit niya pinapaalis ang isa pang boyfriend niya? Ha-Ha. Gaga amputa.

Nang makaalis si Jonas ay puno ng pagkabahala ang pagmumukha ni Juselle. Wala, guilty.

"R-Rey, let me-"

"Let me explain? Psh, wag na Juselle," putol ko sa kanya. "Bakit ka pa magpapaliwanag eh kita ko naman? Di nga'ko nangaliwa eh kasi iniingatan ko'tong relasyong 'to dahil ayoko nga'ng masaktan ka tapos ikaw lang pala'ng sisira!? Putangina rin eh noh!?"

Marahas kong isinuklay ang isang kamay ko sa'king buhok habang siya nama'y nagsimula ng humagulhol.

"Kasalanan mo rin naman kasi eh. . ." aniya sa matapang na tinig na siyang ikinapanting ng tenga ko. Galit ko siyang hinarap na ikinagulat niya.

"KASALANAN ko? Kasalanan KO? KASALANAN KO!? IBA KA RIN, IKAW 'TONG NANGALIWA TAPOS AKO'NG SISISIHIN MO!?" sinigawan ko na siya, wala nang pakialam kung nakakaeskandalo na ba o ano.

"OO!" ganting sigaw niya na umiiyak pa rin. " Kung may oras ka sana para sa'kin, para sa anniversary natin eh di sana ikaw'ng pipiliin ko sa halip na si Jonas! Kaso lage kang busy eh, lagi kang pagod! Sawa na'kong maging second option mo lang! Napapagod na'kong intindihin ka!"

Putangina.

"Lagi ka na nga lang overtime sa trabaho mo eh! Tapos pagkauwi mo pa sa inyo, pagod ka! Wala ka na talagang oras para sa'kin kaya ko nagawa 'to! Si Jonas.. laging ako ang priority niya. Kaya talagang siya ang pipiliin ko at hindi ikaw!"

Kakulangan sa oras para sa kanya. Yun lang ba talaga ang naging kasalanan ko o may iba pa siyang gusto na hindi ko nagawa kaya sa Jonas na yun niya hinanap?

"Alam mo ba kung bakit ako subsob sa trabaho kahit wala naman akong masyadong pinagkakagastahan!? Putangina dahil sa'yo!" sigaw ko habang dinuduro na siya na siyang nagpakagulat sa kanya. "Gusto na kitang pakasalan eh. Kasi akala ko ikaw na. Putangina, akala ko lang pala kasi makati ka!"

Tumabingi ang mukha ko dahil sa sampal na iginawad niya sa'kin bago pumasok sa bahay nila at naiwan ako.

"Ansakit," hikbi ko habang nakayuko.

"Nung sampal?"

"Hindi," sinapo ko ang aking didbib. "Eto. Masakit din."

"Puso mo?"

"Hindi, nung sampal."

Napatingin ako sa likod ko ng mapagtantong may kumakausap sa'kin. Si Kyran pala, kaibigan ko.

Tinapik-tapik niya'ng balikat ko na siyang paraan niya ng pagko-comfort.

"Hatid na kita sa inyo 'tol," aniya. "Do'n mo damdamin ng tuluyan ang sakit, atleast do'n, safe ka."

Tumango nalang ako. Naiintindihan ko na kung bakit no'ng bago palang kaming iwan ni papa ay parang ikakamatay na ni mama. Masakit pala talagang maloko, akala ko emo lang si mama no'n eh.

Months later..

" 'Tol, may nag-order kanina ng three layer cake for next week daw. Jonas Hernandez yung pangalan, ako na'ng humarap kasi busy ka kanina. Eto'ng details," sabi ni Kyran sabay abot sa'kin ng notepad niya.

Kasosyo ko siya sa Cake Avenue na pagmamay-ari naming dalawa. So far, maayos naman ang takbo ng negosyo namin.

Tinanguan ko lang siya at pinagtuunan na ng pansin ang detalye ng in-order. Three layer cake? Ano ba'ng okasyon ang kadalasang nagpapaganito? Kasal? Debut?

Dumating ang araw ng pagdedeliver namin sa three layer cake na yun at buti nalang talaga, generous yung um-order at binayaran kami ng karampatang halaga. Kasi kung hindi, kita nalang kami sa korte.

Kasal nga pala talaga ang okasyon at sa ngayon, andito na kami sa reception venue. Ang sabi no'ng nadatnan namin dito pagkarating namin ay papunta na daw yung newlyweds. Sana all nalang kinasal.

Lumabas na muna ako saglit at pumunta sa katapat na grocery store para makabili ng yosi.

Mga ilang minuto din akong nagtagal do'n bago bumalik sa venue. Sabi kasi ni Kyran na pinapasabi no'ng groom na isa daw kami sa special guests.

Pagbalik ko ro'n ay nadatnan ko si Kyran sa isa sa mga tables na parang di mapakali at may hinahanap.

Tinapik ko siya na bahagya pang nagpagulat sa kanya. Anyare ba?

" 'TOL! ALIS NA TAYO DITO, TARA NA!" pabulong niyang singhal habang mahigpit ang hawak sa magkabilang balikat ko.

"Bakit? Anyare ba sa'yo?"

"YUNG EX MO 'TOL! YUNG EX MO! SIYA YUNG AHVSYSBSJDHDJKKS.. "

Di ko na nasubaybayan ang kung ano pa'ng pinagsasabi ni Kyran dahil napako na'ng paningin ko sa dalawang taong kasalukuyang nagsasayaw sa harapan.

Si Juselle at Jonas.

Jonas.

Bakit hindi ko naalala ang pangalan na yun, no'ng binigay ni Kyran ang notepad niya patungkol sa detalye ng three layer cake na in-order?

Ah. Sabagay, di ko alam apilyedo no'n eh. Ha-Ha.

Ako dapat yung kasama ni Juselle riyan. Ako dapat.

Kaso, wala.

Umalis nalang ako do'n ng hindi na sinisiguro kung nakasunod ba si Kyran. Masakit.

Ganun talaga siguro ang buhay. Kapag hindi para sa'yo, kahit wala pang magloloko, paglalayuin pa rin kayo.

La Fin

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now