Staircase

0 0 0
                                    

(Grade Six:)

"Kaya ka iniwan ng parents mo kasi di ka nila mahal!"

"Di ka nila mahal kaya ka nila inabandona!"

"Di ka naman kasi kamahal-mahal eh!"

Mistulang masakit na musika yun na umulit-ulit sa isipan ni Quia. Sa murang edad,naranasan na niya'ng mawalan ng mga magulang dahil daw sa iniwan siya ng mga ito.

Nakaupo siya sa hagdanan sa likurang bahagi ng pinapasukan niyang paaralan at doon niya nilabas lahat ng dumadagan sa dibdib niya.

Di niya namalayan ang pagtabi ng isang tao--lalaki-- sa kanya.

Saka lang niya napansin ang presensya nito ng mag-abot ito sa kanya ng panyo.

"S-Sino ka?" sa halip ay tanong niya bago tinanggap ang panyo. Sa tingin niya ay nasa highschool na ito.

Ngumiti sa kanya ang lalaki. "I'm Andrie. No need to introduce yourself,we won't see each other again anyway. Bye."

At naiwang natitigilan si Quia sa hagdanan. Pinanood niya lang ang papalayong bulto ni Andrie.

(A decade later-4th year college:)

"Nabalitaan mo na ba,Quia?" bungad na tanong ni Jellaine sa kakapasok palang na si Quia sa main gate ng university nila. Isang prestigious university ang pinag-aaralan ni Quia at isang unknown person ang nagpapaaral sa kanya.

"Ang..?"

"May bago tayong professor!!!"

Habang nagtitili-tili si Jellaine,no reaction naman ang peg ni Quia.

"Ah."

"Shuta? Yun lang? Ah? Ah-mputa ka Quia?!"

Nag-shrug lang si Quia at dire-diretsong naglakad papasok sa university. Dumiretso siya sa locker at inilagay dun ang iilang books niya. Akmang isasara niya na yun ng may mapangahas na umakbay sa kanya.

"Kumusta Quia!?" ang nakangising pagmumukha ni Reginald ang nabalingan ni Quia na ikinainis niya. "Ayos ba'ng pag-aaral mo kahit...no parents ka na? Hahah! Ayos siguro noh!? Graduating ka na eh! Congrats congrats!"

"Lubayan mo'ko," mariing sabi ni Quia bago binalibag ang braso ng lalaki na nakaakbay sa kanya.

Natatawa namang umaatras-abante ang lalaki habang nakataas pa'ng dalawang kamay. Salubong na salubong naman ang mga kilay ni Quia,wala na siyang pakealam kung pinagtitinginan na sila.

"Masyado kang high blood,orphan," may halong pang-aasar na sabi ni Reginald. "Epekto ba yan ng iniwan ng parents?"

Sasagot pa sana si Quia,ng may baritonong boses na sumingit sa namumuong away sa pagitan nila ni Reginald.

"Your first subjects are about to start. Go to your rooms now," saad nito at isa-isa nang nagsialisan ang mga nakiki-usyosong estudyante. Naiwan dun sina Quia at Reginald. "Mr. Almonte,come with me. Ms. Realonda,the next time that you'll be a victim of any forms of bullying,you better report it."

Habang nakatingin sa papalayong bulto ng lalaki kasama si Reginald,ay parang may nanumbalik na eksena sa alaala ni Quia.

Grade six...panyo...staircase...

"Siya nga ba yun?" wala sa sariling naitanong niya sa hangin.

(Uwian:)

Tinakasan ni Quia ang makulit na si Jellaine para pumunta sa paaralang pinapasukan niya nung elementarya pa lamang siya.

Nasa gate na siya ng saglit siyang mapahinto.

'Bakit nga ba ako nandito? Ano ba'ng akala ko? Na yung professor namin na yun at ang lalaking Andrie ang pangalan ay iisa? Pero,kung oo,ano naman ngayon? Imposible... Malinaw kong narinig na Mr. Rylandrien Del Grande ang pangalan ng professor na yun!'

One Shot CollectionWhere stories live. Discover now