Kabanata 29: Walk

17 1 0
                                    

[Lea's POV]

"T-this is a mistake."

Napawi ang matamis kong ngiti nung marinig ang sinabi niya. Hindi ko inalis ang pagtitig sa kanyang mga mata kaya panay din ang iwas niya.

"What do you mean it's a mistake?" Nakakunot ang noong tanong ko. Tumalikod siya at parang naiiyak ako nung makita kung paano niya punasan ang labi niya na parang nandidiri.

"It's nothing. Don't mistake it for something else."

"The way you kissed me! It's something else." Dumiretso ako sa harapan niya para harapin siya. I clinched my fists to pull myself together.

"Say it to me right now that you don't like me! Sabihin mo ngayon na!" I commanded. I could feel the hot liquid releasing from my eyes. I didn't break our stares. He look so confused, frustrated, and sad which I don't understand. Ganoon niya ba ka ayaw sa akin na parang pinagsisihan niya ang ginawa naming paghalik?

"Sabihin mo na!" Mas malakas na sigaw ko at napaiyak sa sobrang frustration na nararamdaman. Bumigat ang dibdib ko lalo na nung hindi siya sumagot.

"Lea..."

"Say it straight to my face that you don't like nor love me. Sabihin mo at kakalimutan ko kung ano man ang nararamdaman ko para sayo." Ramdam ko ang pagkabasa ng magkabilang pisngi ko dahil sa pagdaloy ng mga luha ko. Hindi ko magawang punasan iyun dahil sa sobrang panginginig ng magkabilang kamay ko.

"Cy, sabihin mo na. Don't make this hard for me." Humihikbing pagmamakaawa ko at iniwas niya ang kanyang tingin.

I know that he doesn't like me but why can't he say it right in my face? He already hurt me, it's not like it's gonna fix anything. Or maybe he wants me to chase after him because of his ego.

"Why? Why can't you say it?" Ibinalik niya muli ang tingin niya sa akin. Seryoso ang kanyang mga mata at kita ko ang pangingilid ng kanyang mga luha.

"Ba't ayaw mong sabihin?! Tatanggapin ko naman, e!" Sigaw ko at pinaghahampas siya. Hinuli niya ang mga kamay ko at pilit kong binabawi iyun kaso mas hinihigpitan niya pa lalo.

Nakita ko ang hirap sa kanyang mga mata, na tila ba ay may mga bagay siyang nais sabihin kaso parang may pumipigil.

"Bitawan mo ako." Mahinang sabi ko at unti-unti niyang binitawan ang mga kamay ko. I wiped off my tears and sniffed.

"I'll walk out of that door," tumingin siya sa pinto nung tinuro ko iyun.
"If you stop me before I could step my foot outside, i'll stay... and i'll interpret your action as a response to my love."

"What if I don't?" Parang nagusot 'yung puso ko sa tanong niya. I've been waiting for him to talk for freaking five minutes and that's the only thing he had ever said. It stings knowing how much he wants me out of his life, but if he want me out so bad, ba't pa niya pinatatagal?

"We'll talk again, i'll still be Eli's coach and I will still come here for the tutoring. Just take note that whatever I feel for you... ends the moment I shut that door." Napakurap siya matapos kong magsalita.

I looked away before turning around as I take a step towards the door.

I'm scared. I'm scared to take another step knowing that he won't stop me... that i'll be force to take my feelings away.

Maingat at mahina kong inihakbang ang mga paa ko. Bawat hakbang ay nakapagpanikip sa aking dibdib. The closer I get to the door, the harder it is to bear the pain. I could feel the drops of my tears slowly dripping down my cheeks as I take another step.

Mariin kong kinagat ang labi ko para pigilan ang sarili sa paghikbi nung mahawakan ko na ang malamig na doorknob. Tumingin ako sa salamin na nasa salas at mas nadagdagan pa ang sakit na nakatanim sa dibdib ko nung makitang hindi siya gumalaw. Nananatili pa rin itong nakatalikod na parang wala siyang plano na pigilan ako.

I guess this is it, then.

Mabilis kong binuksan ang pinto at nakapikit na inapak ang mga paa sa labas. I shut the door closed and I could feel it echoed inside the house, interpreting my anger and disappointment.

'Yan kasi, umasa ka.

Napasinghap ako at napaupo habang humagulgol. Binuhos ko lahat ng luhang kinimkim ko kanina sa loob.

I'm so pathetic. Tama si Eion.

Nanginginig ang mga kamay na dinukot ko ang phone ko sa kaliwang bulsa ko. I went to my contacts and the first person that I ever thought of calling is Eion.

Nakadalawang ring pa lang ay nasagot na niya agad ang tawag ko. He's really there when I need him.

"Yes, Lea? Natapos na ba ang tutoring niyo?"

Tumingin ako sa pinto ng bahay nina Cy at mapaklang ngumiti nung makitang hindi niya binuksan ang pinto even when it started raining. Iniling ko ang ulo ko bago lumabas na ng gate na hindi tumitigil sa pag-iyak.

"Sunduin mo ako, please." Nanginginig ang boses na ani ko sa phone bago pinatay at pinasok muli sa bulsa.

I started running away from their house. I hugged myself when the rain poured much harder. The wind became stronger and it was deafening... I couldn't even hear my own breath and heartbeat.

Nanginginig ang tuhod ko sa lamig at napaupo ako sa gilid ng daan. Hindi ko alam kung saan na ako o ilang kanto na ang nilusotan ko. Pinagdikit ko ang mga hita ko at tinabunan ang magkabilang tenga ko nung mas lumakas pa lalo ang ulan. Bawat patak ay parang hampas iyun. It seems like i'm being punish for being a pathetic brat.

Inangat ko ang tingin ko nung may kotseng tumigil sa harapan ko. My lips parted and I could feel the tears escaped from my bloodshot eyes when I realized it's Eion.

"I've been looking for you. Damn, I was worried-" I quickly threw myself at him when he got out of the car without an umbrella.

"I-i should have listened." Humagulgol ako at mahigpit siyang niyakap. The coldness of the rain perished when his warmth embraced me.

"I got you now, Lea... i'm not going to let you go."

Heart Beats Again [SPORTS SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon