Kabanata 63: Long Time No See

14 1 0
                                    

[Lea's POV]

Namumula akong naglakad papunta sa room. Mabuti na lang at wala kaming klase kay Cy ngayon. Hindi ko alam kung pano ko matatago ang hiya ko.

Ang kapal naman ng mukha ko sa pag-assume. Nag-aalburoto pa yung bibig ko kahapon sa pag-lecture sa kanya tas in the end, gusto lang pala maging friends!

"Nakatulala ka diyan?" Tanong ni Rea habang kumakain.

"W-wala," napakurap ako at sinimulan na ring kumain.

"Ano pinag-usapan niyo kahapon?"

"Hmm?"

"Huwag ka ngang magmaang-maangan, sarap mong sampalin." Inirapan ko siya sa sinabi niya.

"Ang alin nga kasi?"

"Sinabihan ka kahapon ni Kuya Theo na magpaiwan sa room. So, anong ganap? Bakit daw?"

Hindi ko maiwasang mapataas ang kilay sa pantawag niya kay Theo. "Kuya? Ba't kuya ang tawag mo sa kanya at sa akin hindi ka nag a-ate?"

"Kasi idol ko kayong mga athlete mula PHS. Kumbaga sa hollywood, hindi rin naman ate tawag namin kay Taylor Swift. So, ano na? Huwag mong iniiba ang usapan, ah."

Shuta, mag-rerebutt pa naman ako para tuluyan niyang malimutan ang tanong niya.

"H-he just personally congratulated me."

"Weh? Bakit ka umiiyak kahapon?" Namilog ang mga mata ko na ikinatawa niya nang malakas.

"N-nakita mo?" Tumango siya at hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. Napabuntong-hininga na lang ako at sinabi sa kanya ang totoo.

"Grabi, ang tanga-tanga mo." Aniya habang naglalakad kami papunta sa next sub. Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko naman siya makontra since totoo naman.

"Pero seryoso, hindi ko alam na close pala kayo nun. I know na close kayo ni Eli dahil mahilig kayong maglaro ng tennis pero I never thought na naging close kayo dahil sa kuya niya."

"Yeah, sino nga ba mag-aakala..."

"The tennis ace and the PHS number one, grabi! Para kayong ultimate couple."

Mabilis akong napailing dahil sa paglipad na naman ng kanyang imagination. "The thing is, hindi kami couple... never naging kami."

Nanlamig ako dahil pag-akyat namin sa hagdan ay nakita ko siyang pababa. Nagtama ang aming mga mata at tipid siyang ngumiti sa akin bago ako nilampasan.

"Oh ow."

Napalunok ako at pinagpatuloy ang pag-akyat. Hindi ko alam kung bakit parang may kulang... I mean, we're civil and kinda friends but something's bothering me.

"Una na ako," paalam ni Rea nang uwian na. Tumango ako at mabilis siyang humiwalay sa akin para magtungo sa kabilang building para sunduin ang kapatid niya.

Habang ako, diretso lang akong naglakad papunta sa parking lot. I'm 21 years old pero hindi pa ako pinapayagang mag-drive kahit na may sarili rin akong sasakyan. Pinayagan ako ni Mom at Dad pero hindi ni Eion.

My parents gave me a Bugatti Galibier on my 19th birthday. I took a driving test to get a license and I passed but Eion insisted that I shouldn't drive, so he hired two drivers for me. The only time I'm allowed to drive is when I'm with Eion and I'm fine with it. Wala rin naman akong tiwala sa sarili ko.

Malayo pa lang ay kita ko na ang sasakyan ko since it stands out among the rest. Nang makita ako ng driver ay agad siyang lumabas ng sasakyan at umikot para pagbuksan ako.

Hindi pa ako gaanong nakakapasok nang may tumawag sa akin gamit ang pamilyar na boses.

"Lea!" Hindi iyun tono ng mga tanong sabik akong makita. Sa paraan ng pagtawag niya ay parang may importante siyang sasabihin.

Lumingon ako at binalot ng pagtataka nang makita ang taong hindi ko inaasahang lalapit sa akin.

"Long time no see," I said with a creasing forehead. Dumistansya ako mula sa sasakyan para maharap siya nang maayos.

"Yeah, congratulations," she said with a feigned smile.

"May kailangan ka?"

Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at yumuko, humugot ng malalim na hininga bago niya ako hinarap muli.

I noticed her tired eyes and tears filling up its corners. She also looks pale and she obviously lost a lot of weight.

"I want us to talk. Wala ka bang ibang gagawin?"

"Depende sa kung ano ang pag-uusapan natin," I shrugged. Now, I have the pride to look at her straight in the eyes. She has nothing for me to be insecure about dahil sigurado ako na sa aming dalawa, pangalan ko ang maaalala ng mga tao... kahit na hindi ako matalino.

"It's about Cy."

.

Pumayag ako at nakabuntot lang ang sasakyan namin sa sasakyan niya. She took me to a small café, hindi gaano kalayo sa eskwelahan kung saan ako nag-elementary.

"Anong gusto mo?" Tanong niya.

"Let's just pay for ourselves," ani ko at nagtungo na sa counter. Tahimik naman siyang sumunod sa akin.

"Isang order nga ng takoyaki, yung regular lang tapos..." Sinuri ng mata ko kung anong available na drinks. Wala akong nagustuhan sa nakalagay sa menu pero napatigil ang mga mata ko sa chiller nila.

"Available for order po ba?" Tanong ko sa cashier habang nakaturo sa chiller. Tumingin ako sa kanya nang walang sumagot at doon ko lang napagtanto na nakatulala pala ito sa 'kin.

"Hello, ate?" I waved in front of her and she jumped in surprisement.

"A-ay, sorry po, Miss! Ikaw po kasi yung nakita ko sa tv, iyung nanalo po sa Olympics?" Tipid lang akong ngumiti at tumango.

"Ano po sa inyo, Miss?"

"Iyung ramune niyo po ba, available for order?" Sumulyap siya sa chiller at napakamot sa ulo.

"For royalty members–"

"Available po." Putol ng isang lalaking pumasok sa counter. Bumaba ang tingin ko sa name tag niya at napagtantong manager pala.

"Isang ramune po ba, Miss Adelaide?"

Galak akong tumango. "Opo, at isang order na rin ng takoyaki, regular." Hindi mapaliwanag ang tuwa ko ngayon. If I could tell this to my 16 year-old self that people would treat me specially, she would laugh at me 'cause she never believed in herself... something I deprived from her.

I was a loser but not in the court. I can easily blend in with the crowd because of my short height. Except for my face and passion for tennis, I don't have anything else in me to be proud of.

Heart Beats Again [SPORTS SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon