[Lea's POV]
Nagulat ako sa inakto ni Eion. I've never seen him beg before. Never seen him this fragile. His eyes are begging, he look so delicate that he could be broken with one tiny touch.
"W-what are you talking about, Eion?" Naguguluhang tanong ko dahil sa inaakto niya. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi na parang hirap na hirap sa pagsasalita.
"I... I don't want to see you hurt. I can't afford to see you cry again. Please, Lea, gagawin ko ang lahat, huwag ka lang bumalik kina Cy." Hindi ako makagalaw nung bigla niya akong yakapin.
"A-are you crying?" Hinawakan ko siya sa magkabilang bahagi ng balikat niya para tingnan ang kanyang mukha pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin at binaon ang mukha sa aking leeg.
"Now, you're making me cry!" Natatawa akong napaiyak at hinampas siya sa kanyang braso.
Nananatili kaming nasa ganoong posisyon at nag-alala ako dahil sa tagal ng pananahimik niya.
"Eion, please look at me. You're making me worry."
Unti-unti niyang kinalas ang kanyang pagkakayakap sa akin. Hinarap niya ako at parang piniga ang puso ko nung makita ang namumula niyang mga mata dahil sa pag-iyak.
"Hey, Eion." Napalunok ako matapos ko siyang tawagin. I reach for his face and when the moment my palms touched his cheeks, a tear escaped his left eye.
"I'm sorry. Alam kong ayaw mo akong masaktan but you have to trust me. I just want you to know that I can handle the pain. I can handle it. Maniwala ka." Maigi at may diing pagkakasabi ko. Eion slowly nodded his head as if he understands me in every way.
"Umakyat na tayo. Okay?" Suminghot ako at ngumisi para mapigilan ang sarili sa pag-iyak. It's hard for me to see him hurt because of me, but I can't just break my promise to Eli. Ayokong maipit siya sa kung anong gulo ang meron sa amin ng kuya niya.
.
"I'm glad na sinundo ka ni Eion," sabi ni Mom pagkapasok ko ng kanyang sasakyan nung sunduin na niya ako.
"Yeah, hindi naman gaano kalayo 'yung bahay nila sa bahay nina Cy."
I looked at Mom and she is sweetly smiling while taking control of the steering wheel. My Mom look so beautiful and perfect. She's already 46 but she looks younger. Matalino rin si Mom, sobrang talino actually. Naka-top ito nung kumuha ng bar exam. Sometimes, I wonder if I really came out of her. I am obviously nothing like my Mom.
"What about in Iris? I suggest na roon na lang kayo magpa-party para naman magkatao ang lugar. Hindi na bumisita ang Lolo mo roon matapos mamatay ang Lola mo."
Iris is the rest house that my grandparents own. Noong bata ako ay doon kami nagbabakasyon tuwing summer, natigil lang noong mag-twelve ako dahil training ang inaatupag ko buong summer. I honestly forgot what the place looks like now, especially the beach and the spot where we used to place a camp fire and sing videoke.
It was a fun experience and because Mom mentioned it, I realized that it's a great idea to set the party there.
"Bilisan mong magbihis at ako na ang maghahatid sayo kina Cy." Tahimik lang akong tumango bago inilabas ang mga damit ko kagabi mula sa sasakyan.
"How's Zena? May balita na ba kung kailan ang balik niya?"
"Cy's Mom will be back next week, hindi ko lang alam kung anong araw."
Habang nasa biyahe kami ay nakatulala lang ako habang pinapaikot ang fidget spinner sa pagitan ng mga daliri ko.
Iba ngayon ang nararamdaman ko. Hindi 'yung excitement o kilig kapag bumibyahe ako papunta sa bahay nila kundi sakit at kaba. Kinakabahan ako dahil hindi ako sigurado kung paano ko pakikitunguhan si Cy matapos nung nangyari kahapon.
Calm down, Lea. Act normal.
Tangina, hindi ko nga alam kung normal pa ba akong tao. Parang gusto ko na lang tuloy tumalon mula sa sasakyan.
"Text the driver kung magpapahatid ka. May tubig ka ba riyan? I also place some snacks inside your bag." I secretly rolled my eyes when she starts to remind me of almost everything that is unnecessary, pati na yung tungkol sa towel at pulbo.
Sana pinadalhan mo ako ng diaper at gatas, Mom, nahiya ka pa.
"Hi, Cy!" Napanguso ako at iniwas ang tingin nung kumaway si Mom kay Cy matapos kong makababa.
"Good morning, Tita." Tipid na ngumiti si Cy kay Mom bago ipinagpatuloy ang pagwawalis sa bakuran. He didn't even bother to glance at me. Well, what did I expect? He even let me be stucked in the rain alone yesterday.
"I'll try to fetch you later after work." Kinindatan niya ako at hindi ko maiwasang mapairap lalo na nung mag-flying kiss pa.
So childish. I am actually so like my Mother.
"Good morning," I lazily greeted before I walked passed him without also giving him a glance.
Psh, akala mo ikaw lang.
"Ate Ley! Nakapag-almusal ka na?" Masiglang bungad sa akin ni Eli habang naghuhugas ng plato.
"Yeah, kakakain ko lang." Ngumiti ako sa kanya bago komportableng napaupo sa kanilang sofa.
Kinuha ko ang phone ko at tinutok ang mga mata roon nung marinig ko ang pagpasok ni Cy.
"I'll just go get my notebooks."
Hindi ko siya pinansin at nagpindot ng kung anu-ano sa phone ko. Nanginginig ang dulo ng daliri ko dahil sa kaba. I am trying to act cool but i'm pretty sure i'll stutter if i'm force to talk.
Kahit na nakatitig ako sa screen ng cellphone ko ay nakatutok ang buong atensyon ko sa mga yapak ni Cy. Ni hindi ko nga alam na panay scroll down and up lang ginagawa ko sa notifications.
Nababaliw na yata ako. Hindi matigil sa paghaharumentado ang dibdib ko at kahit hindi ako gaanong gumagalaw ay ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko sa likod at noo ko.
"I-subtract mo ang both sides ng equation by 25 tas perform the numerical operations na palagi nating ginagawa. Lastly, multiply it by the reciprocal of two-thirds."
Tumatango-tango ako habang pinapakita niya ang bawat simpleng steps para ma-solve 'yung word problem.
"Got that?" Tanong niya. Tumingin ako sa kanya at tumango ako bago ibinalik muli ang tingin sa papel.
"Of course, this is the most basic, right?" I asked with my most challenging voice.
"Yeah."
"Don't think lowly of me, nakuha ko." Malamig kong ani bago tumayo para pumunta ng cr.
Shuta, ano ang reciprocal? Ba't naging ganun 'yung sagot?
BINABASA MO ANG
Heart Beats Again [SPORTS SERIES #1]
Ficção AdolescenteSPORTS SERIES BOOK ONE You can never meet someone as passionate as Adelaide Eleanor Gonzaga, the Tennis Ace of Philippine High School. She wanted nothing more but to become an Olympic Champion, but her focus shifted to academics, prompting her to pr...