Kabanata 74: Titigil Ulit

12 2 0
                                    

"I'll need a coach. Probably just someone local." I said to my manager through a phone call.

"Really? What made you change your mind?"

"Nothing... I just... feel like doing it."

"Well then, your training will start next week and you know what will cost you, right?"

Inangat ko ang aking tingin at nakita si Mom sa kabilang bahagi ng kusina na naka-cross ang mga braso sa harap niya habang nag-aalala akong pinapanood.

"Yes... well, I can just stop for another year."

"Very well, then. See you soon."

Binaba ko na ang tawag matapos kong kausapin ang manager ko. I let my team leave when I told them that I won't be competing anytime soon but Eion's confession made me change my mind. I need to fight my way to the top. I need to start again.

I'll compete in a bigger stage. I'm determined to prove to myself na kaya ko na mag-isa lang... that I don't need Eion's bribery.

.

Sa school, ganoon pa rin ang scenario namin ni Cy. Umaaligid siya, kahit nga during classes ay napapansin ko siyang panay daan sa harap ng room namin. Kung sa Math naman ay pinapapasok pa siya talaga ni Sir Willis para makipagkwentuhan habang abala kami sa pagsagot sa quiz.

Distracted ako. Imbis na sa papel ako tumingin ay nagnanakaw ako ng tingin sa kanya at agad ko rin namang iniiwas ang mga mata tuwing makikita ko siyang pinapanood ako.

"It's been days, Lea... I'd just like to know if you're fine."

Binuka ko ang bibig ko pero pinigilan niya ako. "Now, I want you to tell me honestly. Don't pretend-pretend, okay?"

"I actually don't know, Rey." Iling ko habang naglalakad kami. "May mga kasinungalingan din pala noon si Eion na ngayon niya lang sinabi. Galit ako, oo... but I'm not planning to be depressed about it. I need to move on."

"Mag-move on? Paano mo gagawin kung parang aso yan na nakasunod sayo?" Nguso niya sa unahan namin. Napataas ang kilay ko nang makita si Cy na naglalakad papunta sa amin. Hindi siya tumingin sa akin at nilampasan ya lang kami.

Hindi ko maiwasang sundan siya ng tingin at nang makalayo na ay pumihit muli siya paharap na parang gusto niya 'yung nakabuntot siya. Nang makita akong nakangiwi at pinapanood siya ay ngumiti siya nang napakalapad.

"Trip nun?" Dinig kong tanong ni Rea habang hinihila ko siya papunta sa kabilang building para sa next class namin.

.

Hindi na rin nagparamdam si Eion sa akin. Pierce told me that he's busy preparing for the SEA Games which is just four months away.

"Eh ikaw?" Tanong ko sa kanya kasi nandito siya sa bahay at hindi nagti-training.

"Dinadalaw ka," masungit niyang sagot at tinitigan ako mula ulo hanggang paa kaya hindi ko maiwasang ma-conscious.

"Bakit?"

"Si Cy? Nagpaparamdam ba?"

"Ay, 'di yan umaalis sa buntot ko. Liligawan daw ako, napuruhan yata yun sa katalinuhan at kung anu-ano ang iniisip."

Napabuntong-hininga si Pierce habang abala naman ako sa paggawa ng green tea.

"You know what, I couldn't help but hate Cy."

"You mean, Eion?"

"No, si Cy. Eion is just being a jerk just like always." Napatikom na lang ako ng bibig sa sinabi niya. Hindi ko siya sinabihan o sino man kung ano talaga ang exact na ginawa pa ni Eion, hindi lang iyung sa pagbabanta kay Cy.

"He still forgives Eion despite what he did. Kung hindi umamin si Eion ay walang ring plano si Cy na ilaglag si Eion. You know what, Lea... I think you and Cy are quite similar in one way or another."

Tipid ko siyang nginitian at nilampasan habang hinahalo ang tsaang ginawa ko. I don't know if I should be flatter... I don't even know what she's trying to tell.

"I can never understand Cy for letting Eion to fool him like that because I was never in his shoes, but I kinda have an idea what he felt while going through tough times especially on what happened to his parents."

"I imagine him hating the world for being unfair. Cy's status is below lower than Eion, Lea. He might have felt fear with no one to turn to, not even his Mom because she's also too broken. Cy has no chance to fight against Eion, Eion can just ruin him in seconds... you know the power he'll inherit, Lea. If he is to replace his Dad one day, he'll be dangerous and Cy knew exactly what he's getting into."

Pierce sounded sympathetic which is so unlike her. Kung pwede lang siyang magpa-party sa misfortune ng iba ay gagawin niya, iyun ang isa sa mga characteristics ni Pierce.

"It's not a valid reason, Pierce. Alam mong hindi makakapalag si Eion sa 'tin kapag pinagkaisahan natin siya."

"Yeah, alam ko... pero hindi alam ni Cy yun." Napatahimik ako sa responde niya.

"What I'm trying to say is... your hardships were valid, your anger is, pero ganoon din sa part ni Cy. Both of you have gone through worse. Aren't you tired?"

"So you want me to say yes to Cy, ganoon ba?"

"Parang ganoon na nga." Nalaglag ang panga ko na hindi ko maiwasang mapalingon sa kanya na swabeng nakahilig lang sa may sink.

"Bakit?" Mataray na tanong niya dahil sa pagtitig ko nang matagal.

"I can't... I'm not yet ready. Plus, I'll be stopping."

"Stopping? Sa ano?"

"Sa pag-aaral."

"Ano?!" Hysterikal siyang lumapit sa 'kin at pinitik ang noo ko. "Ginagago mo ba ako, Adelaide Eleanor Gonzaga?! Hindi pa nga nag-eexam ay titigil ka na?!"

"Kumalma ka nga! Magti-training ako eh! Ikaw nga titigil ka rin dahil sa training mo!"

"Maglalaro ako sa SEA Games eh! Ikaw ba, ano ang palusot mo?!"

"ATP Tournaments..." Napasapo siya sa kanyang noo at hindi ko naman maiwasang mapanguso.

"Mabuti na lang at matalino si Cy... may pag-asa pa naman para sa mga anak mo."

"Hoy, anong pinagsasabi mo?" Binaba ko ang tsaang hawak para batukan siya kaso nang hindi ko siya maabot ay binelatan niya ako at tumawa.

"Oy, kinikilig! Namumula!"

"Lumayas ka nga!"

Heart Beats Again [SPORTS SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon