Kabanata 71: You Lied To Me

16 1 0
                                    

[Lea's POV]

I froze on my seat. I stared at Cy and his face is not showing any signs that he's lying nor joking. He just... look so innocent.

Meanwhile, I shifted my gaze towards Eion. Even if I've known him for years, he's merely showing any expression. Ang hirap niyang basahin.

Humaharentado ang dibdib ko sa sinabi ni Cy lalo pa sa tensyon ng katahimikang namumuo sa mesa.

"You're kidding, right?" Pierce spoke.

"I'm not. I've always been in love with Lea." Cy said without blinking. I saw Ron's jaw clenched. Lahat kami ay nataranta nang lapitan niya si Cy. Mabuti na lang at napigilan siya ni Eve bago pa ito makalapit kay Cy.

"Pinamukha mong tanga 'yung kaibigan ko, tol! Ilang beses ka niyan iniyakan tas matapos ang lahat-lahat, sasabihin mo na mahal po pala siya?!"

"We've been classmates in elementary, Cy. Natuklasan namin ni Pierce ang paghahabol sayo ni Lea. You were neither a fool nor dumb. I also didn't think you were naive when Lea confessed her love to you nang prangka." Napatitig ako kay Eve nang sa kaunahang pagkakataong ngayong gabi ay narinig ko siyang magsalita nang mahaba.

"She questioned herself, Cy! Alam kong kahit madaldal si Lea, hindi lahat ng bagay ay sinasabi niya sa amin. Imagining myself being in her shoes, I'm sure she spent nights wondering what's wrong with her... if she's not enough... or what could she possibly change just for you to love her back."

Nanginginig ang bibig ko at tahimik na umiiyak habang nakikinig kay Pierce na nag-uunahan na rin ang mga luha habang patuloy pa rin sa pagsesermon kay Cy.

"She thought you hated her! She thought you were disguted of how desperate she is for your attention! Ang kapal-kapal mo!" Nilapitan ko si Eve at niyakap siya habang taas-noong nakatitig pa rin siya nang masama kay Cy. I've never seen Eve this mad... she's never mad... and she never glared at anyone before.

Sumulyap ako kay Cy para tingnan ang kanyang reaksyon. Nananatili siyang nakaupo habang diretso lang ang kanyang mga mata sa mesa. He looked empty and hurt, and I don't know why but my hatred towards him is starting to fade.

It was a moment of silence until Eion decided to break it. "Actually... it's my fault." Inangat niya ang kanyang tingin. Isa-isa niya kaming pinasadahan gamit ang kanyang mga mata at nang tumigil iyun sa akin, napakurap siya at napalunok.

"I..." Humugot siya nang malalim na hininga at ilang beses na napalunok muli... parang hirap na hirap siya sa pagsasalita. "I t-threatened Cy, Lea... I wanted him to hate you and I was desperate for you to hate him too." Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at napasinghot.

"In exchange of what?" Mariing tanong ni Pierce at kahit na inako na ni Eion ang kasalanan, masakit pa rin ang titig niya kay Cy.

"Financial suffering of his parents."

Napatulo ang luha ko sa diretsong pagsagot ni Eion. Nakatitig ako sa kanya na namimilog ang mga mata habang nagsipatak na ang aking mga luha.

How could he... of all people? He, whom I trusted everything. I thought he just genuinely cared for my heart.

"Why, Eion?" I asked him with tears still pouring heavily.

He pursed his lips. Hindi siya sumagot. Tinanong ko siya ulit pero hindi pa rin bumuka ang kanyang bibig hanggang sa narinig ko na lang ang mabigat na buntong-hininga ni Pierce.

"He's still in love with you, Lea. The difference lang ngayon... willing na siyang magparaya." Malamig na sabat ni Pierce.

I looked at Eion disappointedly while shaking my head. I quickly grabbed my things before pulling Rea away from the table.

Panay hikbi ko habang kaladkad si Rea na hindi umiimik. Ramdam ko rin ang mabilis na pagsunod nina Eve at Pierce sa akin.

Nang makalabas na kami ng bahay ay agad nila akong niyakap nang mahigpit kaya napahagulgol na lang ako.

"He lied to me!" My heart is aching nonstop. Eion has always been there for me. I could never believe he's this selfish!

Tahimik lang silang tatlo habang niyayakap at hinahaplos ang braso't likod ko. Nakita ko rin si Rea na nagpupunas ng luha habang nakagat-labi.

Sobrang pagod ang mga mata ko nang tumahan ako. Hindi pa rin nakakalabas si Ron kaya nagsimula na akong mag-alala.

"Don't worry, Ley. They're Eion and Ron. Also, Eion needs his lesson."

"I can't believe it." Napapailing na bulong ni Pierce. "I know he's madly in love with you but I never thought he could be so desperate."

Napanguso ako sa sinabi niya. "Manhid pa rin pala ako. Hindi ko inaakalang may nararamdaman pa rin si Eion sa akin. I thought after Violet–"

"There was no Violet, Lea. Panakip-butas ya lang ang Aussie na 'yun." Mas lalo akong nalungkot sa narinig. Hindi ko naikumpara ang kislap sa mga mata ni Eion sa tuwing tinitigan niya ako at si Violet.

My eyes slowly glanced at Rea. Nag-aalala siyang ngumiti sa akin at hinaplos ang buhok ko. "I'm sorry na kailangan mo pang marinig yun." Nagsimula naman akong umiyak muli nang pumiyok ang boses ko.

"Gaga, ba't ka naman magso-sorry? Crush lang naman iyun sa akin eh. Tsaka, isang dosena kaya ang crush ko sa school." Natatawa niyang sagot habang patuloy na pinupunasan ang kanyang mga luha.

Hindi nagtagal ay lumabas din si Ron. Umiigting ang panga niyang hinarap kami at nang tumama sa akin ang mga tingin niya ay nanlambot ang kanyang mga mata. Malumanay siyang ngumiti at lumapit sa akin. Ron planted a quick kiss on my forehead and I couldn't help but feel emotional because of how warm and homey his kiss was.

Maingat niyang pinatong ang kanyang kamay sa ulo ko. "Uwi na tayo," aniya at hindi ko maiwasang mapansin ang pag-alala sa kanyang mga mata.

.

"Baby, are you okay?" I heard my Mom asked from outside. Hindi ako sumagot. Nakataklob lang ang kumot at nasa loob ako, humihikbi at sinusubukang huwag iparinig na umiiyak ako.

"May training ka, 'di ba?"

"Na-move po sa hapon!" Sagot ko at umaktong humihikab para hindi pumiyok ang boses ko.

"O-okay!"

It's Sunday and I supposed to have a whole day training in Taguig. May meet-and-greet din para sa mga young players doon kaso pina-move ng president ng tennis club sa hapon kasi  kailangang ilipat ang venue nang last minute.

Alas nuebe na pero wala pa rin akong ganang bumangon hanggang sa ilang beses akong kinatok ni Mom. Ayokong magduda o mag-alala siya kaya naman lumabas na rin ako.

"May mga bisita ka," aniya nang pagbuksan ko siya ng pinto.

Nagulat ako na nasa kusina silang lahat at nag-aalmusal. Si Ron, Pierce, at Eve. Agad silang nag-angat ng tingin nang maramdaman nila ang presensya ko.

"Good morning!"

"Kain na, Lea!"

None of them spoke about what happened yesterday. I appreciate their efforts to cheer me up and they were not even trying hard.

"Biyahe na tayo!"

"Saan?" Tanong ko nang matapos kaming kumain.

"Taguig!" Sabay-sabay nilang sagot.

Hindi ako makapaniwala na sasamahan nila ako papuntang Taguig. Kahit nang nandoon na kami ay ramdam ko ang pagmamahal nila para sa akin.

The tennis club got even merrier because of them. Kahit ang mga batang players ay mas natutuwa silang makipagkulitan kina Ron. Hindi sila marunong maglaro kaya tuwing lumilipad yung bola o tinatamaan ang mga poste ay sobrang lakas ng tawa ng mga bata.

I was relieved by the sight of them. I feel like no matter how low I fall, they would fall with me. They would teach me how to have wings again, so I could soar high.

Heart Beats Again [SPORTS SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon