[Lea's POV]
"Truth or Dare, Belle?" It was Eve's turn to ask and the bottle chose Belle.
"Truth, katamad mag-dare."
"Do you like Ron?" Walang pag-aatubiling tanong ni Eve na ikinaawang ng labi ni Belle.
"Oy, yieeee."
"Ayos lang naman magkagusto sa mayabang pero pramis! Hindi namin sasabihin kay Ron baka lalong lumaki ang ulo niya." Si Eion.
"No, I don't like him."
"Aweeeee..."
"Deny pa."
"Crush mo talaga 'yun, e."
"Ba't iba sinasabi ng mga mata mo?"
Tukso namin kay Belle na baka sakaling bumigay pero suplada lang siyang umirap at hindi na nagsalita.
"Truth or Dare?"
"Dare!" Si Pau.
"Lumangoy ka sa pool ng isang lap."
Nakangusong tumayo si Pau at pumunta ng pool. Lahat kami ay agad namang sumunod sa kanya. Dahan-dahan at mahinhin itong bumaba sa pool mula sa hagdan.
"Tangina, marunong naman pala." Rinig kong bulong ni Pierce sa gilid ko at madilim ang mukhang pinapanood si Pau na lumangoy. Hindi umabot ng limang segundo ang paglangoy at hinihingal itong tumigil.
"Ayos na ba?" Tanong niya kay Belle na blangko lang ang ekspresyon at nakahalukipkip.
"You're not even halfway through, Pau. Kailangan isang lap." Mahinahon na sagot ni Belle at halatang iniingatan ang mga salitang binibitawan. Tumango si Pau at sinimulan muli ang paglangoy. Napuputol ang ginagawa niyang paglangoy para kumuha ng hangin at para makabwelo muli.
"I have never seen anyone swim this slow." Naboboryong sambit ni Pierce habang nakahilig sa may round table.
Malapad kasi ang pool, nasa 50 meters. Kung tutuusin ay kalahati lang ang sukat nito sa usual na layo ng nilalangoy ni Pierce.
"Really? At least marunong siyang lumangoy. Yung iba nga diyan ay hindi talaga umaalis sa kinatatayuan." I defended Pauline.
Maybe, unusual para kay Pierce na makakita ng taong hindi marunong lumangoy dahil nasanay siya na marunong kaming kaibigan niya na lumangoy. I can hold my breath for approximately 20 seconds. Kaya ko ring languyin ang 50 meters na hindi tumitigil. Actually hindi lang ako, kaming magkakaibigan din.
"I'm just wondering if paano na lang kapag lumubog 'yung barko na sinasakyan niya at may mga pating sa paligid? Nagbubwelo pa lang siya ay putol na ang paa niya." Nakasimangot na sambit ni Pierce pero tumahimik lang kami nina Belle.
"Lea, ikaw na?"
Ba't siya pa? Sa dinami-dami ng taong magtatanong sa 'kin, ba't siya pa?
"Truth or Dare?"
"Truth."
"Anong meron sa inyo ni Eion?"
Agad kaming binalot ng katahimikan sa tanong ni Pau. Paulit-ulit pang pinoproseso ng utak ko ang tanong niya.
"Eh?"
"May something kako sa inyo ni Eion?"
"Huh?! Magkaibigan lang kami." Nagtataka kong sagot at tumingin kina Eve at Pierce. Nakatikom ang mga labi nila habang nakatingin sa gawi ni Eion na tulala lang sa sahig. Maybe he was shock too na iyun ang itinanong ni Pau.
"Naks naman! Ang swerte ko talaga!" Napangisi ako nung tumama ang bibig ng bote kay Eion. Napairap naman ito at parang bigo na iniwas ang tingin.
"Hmm... have you ever been in love? In love ha! Hindi 'yung crush-crush tsaka romantic love talaga, baka naman Mommy mo ang isagot mo."
"Y-yes, I've been in love and I am... still in love."
Napanguso si Eion habang nakatitig sa sahig at pinaglalaruan ang plastic bottle.
Namilog ang mga mata ko nung mapansin ko ang bahagyang pamumula ng magkabilang tenga niya at ng kanyang leeg."Eion, you're blushing!" Puna ko habang nakaturo sa kanyang leeg.
"Oy Eion, sinong first love 'yan?"
"Kilala namin, noh?"
"I think kilala 'yan natin." Bumaling ako kay Pierce at nakita siyang nakangisi.
"Really? Sino, sino?"
Binasa ni Pierce ang kanyang pang-ibabang labi bago sumulyap kay Eve.
"Iyung pingpong player ng VVC. Kita mo naman kung paano tumingin si Eion doon."
"What the fuck?" Mura ni Eion.
"Hindi 'ba?" Nagtatakang tanong ni Eve dahil sa reaksyon ni Eion.
"Ganoon ako tumingin dahil hindi consistent 'yung forehand niya."
"Kung hindi siya, eh sino?" Tanong ko. Nakatukod ang magkabilang siko ko sa aking mga paa habang nakapangalumbaba.
"Walang follow-up question, diba! Psh."
Suplado niyang inikot ang plastic bottle at unti-unting namuo ang tensyon nung huminto iyun kay Cy.
I wonder how this will turn out. Eion hates Cy and Cy doesn't like Eion. I was biting my lip the whole time as I watch Eion seriously looking at Cy.
"If you were to choose... Pauline or Adelaide?"
I froze on my seat. Eion slowly shifted his gaze on me and his face was completely blank. My brows start to furrow as I glance at Pau who look so confused.
"Why would you ask that question, Eion?" Tanong ni Pau na nakakunot ang noo.
"It's not yet your turn to ask." Eion coldly said to Pau and it made her purse her lips.
"Come on, Cy. Everyone is waiting for your answer. Mmm, what would your answer be?" Mapanghamong ulit ni Eion na bahagyang umigting pa ang panga. His eyes are menacing as he stare at Cy.
"What is he doing?" Kinakabahang tanong ko kay Pierce na nasa tabi ko.
"Being a jerk like he always do."
"Well?"
"I'll choose no one." Matigas na sagot ni Cy at nilabanan ang matinik na mga titig ni Eion.
"No one? Anong no one? Mamili ka!"
"Kalma lang, dre."
"Hinay lang."
Inawat si Eion nina Martin at Sheldon nung tumaas ang boses nito. Hindi ko alam kung bakit napipikon si Eion. Gusto niya bang marinig mula kay Cy ang pangalan ko?
"This is a game of truth. Wala akong pipiliin at iyun ang katotohanan."
Hindi na lumaban pa si Eion at tumahimik na. Ang tensyon kanina ay mas lalong lumala matapos pinaikot ni Cy ang bote... at tumama iyun muli kay Eion.
"You wanna get even? Go ahead."
Kating-kati na akong tumayo at batukan si Eion dahil sa attitude niya. Ano ba ang nangyayari sa kanya?
"Among the girls here today, who would you kiss?"
"Pfft!" Hindi ko maiwasan ang sarili ko at malakas na napatawa na ikinagulat nilang lahat.
"Sorry, sorry! Akala ko kasi kung ano 'yung itatanong mo." Natatawa kong paghingi ng dispensa pero agad na tumahimik dahil sa pagkunot ng noo ni Cy. Nakatingin siya sa akin na parang nang-iinsulto.
What's wrong with that?
Akala ko huhupa na ang tensyon dahil sa ginawa kong pagtawa pero mali ako. Hindi ko mapigilang magtaka dahil akala ko ay sasabayan ako ni Pierce at Eve sa pagtawa.
Of course hindi kaming tatlo ni Eve at Pierce ang pipiliin niya. Hindi rin si Belle at obviously na hindi si Pauline. Si Eli? Eion said it himself na ayaw niya kay Eli. Si Rei naman ay hindi pwede dahil kakakilala lang ni Eion sa kanya which only means one thing...
"Don't tell me si Cy ang gusto mo, Eion?"
"Damn it, Lea!"
Nagsitawanan naman kaming lahat at parang nabunutan ako ng tinik dahil doon. Tawang-tawa kami dahil parang kamatis ang mukha ni Eion at inis na inis habang si Cy naman ay namimilog ang mga mata at namumula rin sa hiya.
BINABASA MO ANG
Heart Beats Again [SPORTS SERIES #1]
Teen FictionSPORTS SERIES BOOK ONE You can never meet someone as passionate as Adelaide Eleanor Gonzaga, the Tennis Ace of Philippine High School. She wanted nothing more but to become an Olympic Champion, but her focus shifted to academics, prompting her to pr...