Kakainin.
"What if I'll answer yes to you now?" I asked Leon.
Ilang segundo niya akong tinitigan. "Are you saying yes to me because you love me already or because you're just guilty? Kasi magkaiba iyon. Kung iyon pang una ang rason mo, I'll be happy. Pero kung iyong pangalawa, I'll ger hurt more. Don't answer me just because of that reason. I think I deserve more than that. Ginanon lang ba naman ako. Bastedin mo na lang ako kung ganoon."
"Kailangan ba na mahal kita bago kita sagutin?" I asked him again confusedly.
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Leon. Looks like... looks like he's been... hurt. Napaisip ako. Is it because of what I've said?
Now it's really true that words can kill.
"Of course," he answered smilingly, but there was no humor in his smile.
"Why?"
"Bakit ka papasok sa isang relasyon kung hindi mo naman mahal?" Natatawang tanong niya.
"You can fall in love along the way."
Umiling-iling si Leon. "No. No. That is not how love works, Angel. Dapat ay mahal niyo na ang isa't-isa bago kayo papasok sa isang relasyon para walang pagsisisi, walang sisihan, walang sakitan."
Muli akong napaisip. Bakit kaming dalawa ni Nathan noon? Mahal namin ang isa't-isa. Ang sabi niya ay mahal niya ako, at sigurado naman ako na minahal ko siya. Bakit hindi kami nagkaroon ng relasyon? Dahil ba sa 'kin? Ang alam ko ay dahil sa akin. Pero ako ba talaga ang may kasalanan? At kung nagkaroon man kami ng relasyon, would he cheat on me too? Gagawin niya pa rin kaya iyong nagawa niya sa akin? Or would he respect our label?
Dahil iyon ang wala kami noon kaya sa tingin ko ay nagawa niya akong lokohin. Label. Now I know that label is very important. Para hindi magulo at para alam mo kung ano ang karapatan mo.
"Earth to Angel, hey," Leon called me.
Pumikit-pikit ako. Ngayon ko lang na-realize na kanina niya pa pala ako tinatawag. I felt guilty again. Siya ang nasa harap ko ngayon pero ibang tao ang iniisip ko. Mukhang tama nga na naman si Leon. Am I really doing things to him that I don't want to be done to me?
Ngumiti ako sa kaniya kahit wala namang nakakatawa.
"Can you give me more time please? Naguguluhan pa rin talaga ko," sabi ko.
"Hindi ka naman maguguluhan kung wala na talaga," makahulugan na sabi niya. "Pero sige, I'll give you more time. I'll give you all the time."
"Thank you, Leon."
Ngumiti siya. "Gano'n, gano'n lang, bati na agad tayo. Ang rupok ko talaga pagdating sa 'yo." Umiling-iling si Leon. "Tara na nga bumalik. Matatapos na yata ang kasal. Inuman na, papunta na tayo sa exciting part. Ito na ang pinakagusto mo... sana ako rin gusto mo."
Inirapan ko siya. Lumapit sa akin si Leon at hinawakan ang kamay ko. Naglakad kami pabalik sa kung nasaan ang reception ngunit nasalubong namin si Nathan sa daan. His red eyes immediately went down to mine and Leon's intertwined hand. Tumingin siya sa akin at mas lalong pumula ang kaniyang mga mata. Ako na ang humila kay Leon palayo dahil sigurado ako na mag-aaway na naman ang dalawa kung hindi ko sila paglalayuin. The tension between them was so loud and obvious. Masama na naman ang tingin nila sa isa't-isa na tila ay pinatay na nila ang isa't-isa sa isip pa lang nila.
"Angel..." tawag ni Nathan nang magkasalubong na kami. "Angel, please."
Muli tuloy akong napatingin sa kaniya. He looks so miserable. His eyes were begging. I swallowed hard. Pinipigilan ko ang sarili na maging malambot na naman pagdating sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Dancing in the Dark (Aurora Series #2)
RomanceNoong bata pa ako, palagi akong natatakot dahil iniisip ko na may halimaw sa ilalim ng aking kama. Ngunit ngayong matanda na ako, narealize ko na ang halimaw na kinakatakutan ko ay unti-unti nang nagiging ako. I became the demon, I once feared. Per...