Humanda Ka Sa'kin Mamaya.
Tumawa siya. He started the engine of the car and turned the aircon off. Habang nasa daan kami ay bumuhos na ang malakas na ulan. I gaze on his hand when he placed it on top of my thigh. I just closed my eyes and let him. Ngunit minulat ko muli ang mga mata nang maramdaman na tumataas ang kamay. He lifted my skirt.
At dahil malapit lang ang apartment ko sa school, mabilis lang ang byahe namin. Hindi niya nagawa ang kaniyang balak. Mahina siyang nagmura.
"May payong ka?" tanong ni Nathan paghinto ng kotse niya.
"Wala, sugurin na natin."
Binuksan ko ang pinto. Narinig ko ang pagbabawal niya ngunit lumabas na ako. Pero hindi ako nagtuloy-tuloy na magtungo sa pinto ng apartment. I stopped running midway. Tumawa ako at hinayaan ang sarili na mabasa sa ulan.
"Gel, what are you doing? Pumasok ka na, magkakasakit ka!" rinig ko ang galit sa boses ni Nathan.
Hindi ko siya sinunod. Nanatili ako sa ilalim ng ulan. I didn't remember when was the last time I showered in the rain. Basta ang alam ko na noong bata pa ako, halos himatayin ang modelong si Athena Celeste tuwing naliligo ako sa ulan. She was overprotected of us.
"It's fun!" sigaw ko para marinig ni Nathan.
"Really?" nanlaki ang mga mata ko nang lumabas din siya sa kotse.
We both laughed when he almost slipped because of the wet road. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang baywang ko. Inalis niya ang buhok na tumatakip sa aking mukha.
"Ganda mo," bulong niya na rinig na rinig ko.
Yumakap siya sa akin nang biglang humangin ng malakas. Tumaas ang mga balahibo ko dahil sa lamig. Then, there was a soft music suddenly playing coming from our neighbor. Ibinaon ni Nathan ang mukha niya sa aking leeg. His hug tightened, mahigpit na tila ayaw niya akong bitawan.
[I want somebody to share,
share the rest of my life
Share my innermost thoughts,
know my intimate details]
Humigpit ang yakap niya. Kumalabog ng husto ang puso ko nang sinimulan niya akong isayaw. Sa totoo lang ay hindi ako marunong sumayaw pero kusang gumagalaw ang katawan ko at sumasabay sa kaniya. Umalis si Nathan sa leeg ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Pinunasan niya ang tubig ulan na tumutulo sa aking mukha hanggang paglaruan ng hinlalaki niya ang aking labi.
"I wanna kiss you so bad," napapaos na sabi niya, ang mga mata ay nakatingin sa labi ko.
Ngumiti ako. Just for this once, just this once... I will let my guard down. Isasantabi ko muna sa utak ang paalala na palaging sinasabi sa sarili. Ipinalupot ko ang braso sa kaniyang batok. Ako ang kusang lumapit sa kaniya.
Hinalikan ko siya. Marahan agad na hinawakan ni Nathan ang labi ko. He deepened our kiss. I opened my lips when I felt his tongue trying to enter my mouth.
"Please, catch me. I don't want to fall alone," he whispered after the kiss.
I know what he means. Pero natatakot ako na intindihin iyon. Umiling ako sa kaniya. Bumagsak ang kaniyang mga mata sa kalsada. Lumuwag ang hawak niya sa akin.
"I am not ready yet for commitment. Hindi ko pa kaya na magtiwala ulit. I'm sorry. I'm sorry, Nathan. I am trying, believe me." Hindi na malakas ang ulan kaya kitang-kita niya ang luha na tumulo sa aking mga mata.
I fully moved on from Matias already, pero hanggang ngayon ay sobrang sakit pa rin talaga ng ginawa niya sa akin. Isang taon, mag dadalawang taon na ang lumipas pero iyong mga truma na ibinigay niya sa akin ay nandito pa rin. Nanginginig pa rin ang kamay ko at balot pa rin ako ng takot tuwing naalala ang nangyari noon. I still feel paranoid na baka nasa paligid ko lang siya at nagmamatyag sa akin kahit malayo na ako sa kaniya. Ramdam ko pa rin ang nakakadiri na hawak niya sa katawan ko. At ilang beses niya akong niloko kaya hindi ko na alam kung paano magtiwala ulit, sa sarili at sa ibang tao.
BINABASA MO ANG
Dancing in the Dark (Aurora Series #2)
RomanceNoong bata pa ako, palagi akong natatakot dahil iniisip ko na may halimaw sa ilalim ng aking kama. Ngunit ngayong matanda na ako, narealize ko na ang halimaw na kinakatakutan ko ay unti-unti nang nagiging ako. I became the demon, I once feared. Per...