Chapter 25

13 1 0
                                    

Notes and Reminders.


I placed my hands on my chest to stop myself from laughing because of what Nathan said. Siya nga ay hirap na akong alagaan, mag-alaga pa kaya ng sobrang mas bata kumpara sa kaniya. Hindi ako pumapatol sa mas bata sa akin. Saan ako kukuha ng pasensiya? At highshool? I don't want to be a pedophile.

But that simple gesture of me seemed to have a different meaning for him. He suddenly panicked. Nathan stood up, but immediately knelt in front of me again. Muli siyang tumayo at kumuha ng baso na may tubig at inabot iyon sa akin tapos ay lumuhod muli.

"Stand up! Dadalhin kita sa ospital!" Pasigaw na sabi niya dahil sa pagpa-panic.

Napaka oa talaga ng isang 'to.

"Bobo mo, Nathan. At bakit ka nga pala nandito? Nilalagnat ka, 'di ba?!" Ako naman ang nag panic ngayon nang maalala na may sakit nga pala ang isang 'to.

"Nawala yata 'yung lagnat ko, babe. Nag-alala ako masyado sa'yo."

"Pag lumala ang lagnat mo, ikaw ang dadalhin ko sa ospital," pagbabanta ko.

And because he's a grown man who's still scared of the damn hospital, sumampa siya sa kama ko, nahiga kaagad, at itinalukbong ang kumot sa katawan niya. Mahina akong natawa. I lay beside him. Pagkahiga ko pa lang ay mabilis siyang humarap sa akin at sumiksik.

"I'll take a rest. Pero pag hindi ka pa okay, babe, wake me up. Idadala kita sa ospital, ha?" Malambing na sabi niya.

Tumango ako. I placed my hand on his cheeks and caressed it. Because of that, he immediately fell asleep. Hindi na siya masyadong mainit ngayon, bumaba na ang lagnat niya. Habang nabawasan na ang pamamantal at pamumula ko. My lips, tongue, and throat were still itching, pero hindi na ganoon ka-grabe. Mabuti na lang talaga at naagapan ko kaagad.

Nathan's phone on his pocket suddenly beeped. Dalawang beses pa na tumunog iyon kaya sa takot na magising si Nathan, kinuha ko na sa bulsa niya. He gave me before the consent to use his cellphone whenever I want, and he even gave me his password, so I opened it.

It's his Mom who texted.

Mama: Is Angel fine, anak?

Mama: Can you tell her that I said sorry please? Hindi ko alam na allergic pala siya sa seafoods.

Mama: Can you invite her to our house for dinner, anak? I'll cook a food that she's not allergic. What's her favorite food ba? Para makabawi man lang ako.

I pouted. I don't know what to feel. Hindi ko mapigilan na ngumiti ng malaki. Humigpit ang yakap ko kay Nathan at hinalikan ang kaniyang pisngi. Sobrang saya ko.

Before, I don't really mind and if people don't like me, but whenever Mrs. Reid will look at me with her judgmental eyes, it bothers me so much. Nawawala ang confidence na binuo ko sa loob ng nagdaang taon. Tapos ngayon, gusto niyang bumawi sa akin.

Hala! What if magkunwari ako na namamatay na ako? Hindi, 'wag naman.

Ako (Nathan): ok lang po ako. natutulog po si nathan kaya ako na ang ang reply sa inyo. -angel

Mama: Oh, okay. But can I ask what your favorite food is? Dito sana kayo sa bahay kumain ng dinner.

Ako (Nathan): Fried chicken po :)

Kahit kailan ay hindi ko na-imagine na magiging text mate ko si Daniella Reid, at ginamitan ko pa ng emoji na tila close kami. Baka mamaya ay maging ka-late night talk ko pa siya. Napahagikgik ako sa naisip.

Mama: I'll cook fried chicken then. Dito kayo kumain ng dinner, ha?

Ako (Nathan): Opo.

Opo. Natawa ako. Ang bait ko naman!

Dancing in the Dark (Aurora Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon