Mhaxine POV
Andito kami ni Jessica sa loob ng Gym Hall ng campus. Ilang oras lang at magsisimula ang graduation ceremony.
Nakita ko sila Harold at mga kaibigan nito kausap ni Edward si Bea, kaibigan ni Marta. Ang guwapo talaga ni Harold kahit malayo siya nakikita ko ang buong kaguwapohan niya.
"Mhaxine.... Mhaxine..."tawag sa akin ni Esmael.
Nasa entrance gym hall pa kami ni Jessica nangnarinig ko ang tawag ni Esmael mula sa loob ng Gym Hall.
"Bakit?"tanong ko kay Esmael.
"Buti andito kana, hinahanap ka ni Dean kanina."sagot ni Esmael sa akin ang working student ng campus at isa sa mga kaklase ko.
"Bakit daw?"tanong ko ulit kay Esmael.
Bakit kaya ako hinahanap ni Dean Amanda Guillermo? Si Mrs. Amanda Guillermo ang Dean dito at mommy ni Harold.
"Hindi ko alam."sagot ni Esmael sabay balik niya sa loob ng Gym Hall.
Kasabay namin si Esmael magtatapos ngaun. Siya ang 1st honorable mention ng buong High School sa batch namin.
Tinignan ko ulit ang location nila Harold kanina pero wala na sila doon. Di ko makita kung saan pumunta sila Harold. Parang may hinahanap si Harold kanina noong nakita ko siyang nakatayo malapit sa may stage entrance mula sa likod ng stage.
"Beste upo muna tayo." pag-imbeta ni Jessica sa akin.
Pumunta kami sa mga upoan namin ni Jessica while maghihintay magsimula ang graduation ceremony. While papunta kami sa upoan itong si Bea at si Marta nasalubong namin.
"Congrats! girl at ikaw ang valedictorian ng batch ninyo."pagbati ni Marta sa akin.
"Thank you."sagot ko kay Marta.
"Wow! ang ganda naman ng necklace mo girl."pagpupuri ni Bea sa necklace na suot ko.
"Thank you," pasalamat ko kay Bea sabay alis sa harapan nila.
Pagka-upo namin ni Jessica nakita ko mula sa upoan, sila kuya at si lolo sa VIP seat naka-upo. Katabi din nila ang parents ni Jessica at ang may-ari ng Guillermo campus.
Magkaibigan din ang Family nami ni Jessica mag best friend sila Mommy at ang mommy ni Jessica, kaya close din sila tita kina Lolo.
Harold POV
Ang ganda talaga ni Mhaxine kahit nakasuot ito ng toga. Kahit medyo malayo siya sa akin, kita ko pa rin ang kanyang buong kagandahan.
Naririnig ko ang pangalan ni Mhaxine tinawag para sa kanyang valedictorian speech. Kaya tumayo na ako para salubongin ko bago makarating siya sa harap ng stage.
Papalapit na si Mhaxine sa kinatayoan ko dito sa may hagdan ng stage. Inaalalayan ko siya pagpunta sa stage. Nasa tabi niya lang ako while nagsasalita si mhaxine.
Tinitignan ko lang siya dito sa gilid, nakita ko ang kuwentas na suot nito.
Naalala ko ang sabi ni Dad sa akin na may pair itong bracelet ko na women necklace.
Hindi kaya ang necklace ni Mhaxine ang tinutukoy ni Dad.
Hanggang bumaba kami ni Mhaxine sa stage iyon pa rin ang nasa isipan ko.
"Congratulation Mhax." bati ko sa kanya bago ko siya mahatid sa upoan nito.
"Thank you, Harold" sagot niya sa akin.
"Puwde ba kita mainvite mamaya?" pag invite ko kay mhaxine.
"okay." sagot ni mhaxine.
Pagkahatid ko sa upuan ni mhaxine agad kung nilapitan sila Dad malapit sa kina upoan nila Don Montero. Doon ko napansin si Lolo katabi na ni Don Montero.
"Dad, can I talk with you?" pag paalam ko kay Dad while nag-uusap sila lolo at si Don Montero.
Tumayo naman si Dad at pumunta kami sa may likod ng stage.
"Ano iyon Miguel?" tanong ni Dad pagkarating namin dito sa likod ng stage.
"Dad, nasan ang ka pair nitong bracelet?" pabalik kung tanong kay Dad.
"Bakit mo na itanong?" tanong ulit ni Dad sa akin.
"Dad, please paki sagot sa tanong ko?" pagpipilit kung tanong kay Dad.
"Ang alam ko sa Lolo mo..nasa Montero ang pair ng bracelet mo." sagot ni Dad. sabay tapik sa balikat ko at iniwan ako dito sa likod ng Stage.
Hindi ako nagkakamali iyong necklace ni Mhaxine ang sinasabi ni Dad. Kahit hindi ko pa na confirm na siya ang apo ni Don Montero.
Bumalik ako sa pagka-upo pero dito sa tabi ni Mommy. Nasa stage na pala ulit si Mhaxine kasama si Mr. Montero. Sinabitan siya nito ng medalya at ang kanya iba pang award. Pagtapos bumaba ulit si Mhaxine kasama ang kanyang kapatid.
" Me I call Don Montero to give a special speech for all the students here in Guillermo University and also for one and only Grandchild Ms. Mhaxine Montero which is our Valedictorian for this year batch 2023." pagsasalita ng emcee.
Nagulat ako sa narinig ko mula sa Emcee. Si Mhaxine ang apo ni Don Montero, siya nga ang babae ipapakasal sa aking mula sa Montero Group. Alam ba ni Mhaxine ako ang lalaki naipapakasal sa kanya?
Tapos na ang graduation ceremony andito lahat maliban lang kay Mhaxine at Jessica sa office ni Mommy. Andito ang mga parents ni Jessica, dahil kaibigan ito ng family ni Mhaxine. Andito din si Jhaver Montero, at si Don Montero pati si lolo andito na rin.
"Kilala mo na ba ang maging fiancee mo?" tanong ni Lolo sa akin.
"Po?" gulat kung sagot kay Lolo, prang alam ni Lolo kung sino ang babae na ipapakasal sa akin.
"Don Guillermo, parang may alam kayo?" pagtatakang tanong ni Mr. Montero.
"Jhaver, kilala ko ang apo kung si Miguel... Alam ko dati pa may nagugustohan si Miguel na babae. Pagkapakita ni paring Regor sa larawan ni Mhaxine at naconfirm ko iyon kay Amanda. Hindi nako nabahalang 'di magkatuloyan ang dalawa." paliwanag ni Lolo sa lahat.
Oo, alam din ni Lolo ang about kay Mhaxine. Sinabi ko kay Lolo noong unang kita ko kay Mhaxine. Kaya pala hindi ako tinatawag ni Lolo at kinausap.
Hinihintay naming lahat ang dalawang dilag dito sa office.
Andito ako sa upuan ni Mommy naka-upo at nakatalikod sa kanilang lahat lalo na sa pinto ng office ni mommy. Hindi ako agad makikita nila Mhaxine at Jessica pag pumasok sila kung di ko iikot ang upoan.
Mhaxine POV
Natapos na din sa wakas ang graduation namin. Andito pa kami ni Jessica sa Gym Hall puro picture picture ang ginagawa namin dito. Kasama ang mga kaklase namin, dahil ang iba hindi na dito mag-aaral ng college sa Guillermo University.
"Mhaxine, pinapunta kayo ni Jessica sa office ni Dean. Hinihintay po kayo ng Family ninyo doon." sabi ng isang janitor sa akin.
Kaya kaming dalawa ni Jessica pumunta na lang sa office ng dean.
*******
Sana magustuhan ninyo to.. sana may mag comment kung nagustuhan ba ninyo...hehhe..pero okay lng kung hindi..
see you in next chapter.
****
YOU ARE READING
My Crush is My Forever
Short StorySa buhay ng bawat isa sa atin may mga sarili tayong gusto. Kagaya ng kung sino ang gusto mo makasama sa buhay. Iyong walang ng uutos sayo na siya ang maging soon to be. Ganyan ang nangyari sa dalawang Character natin sa kuwento na ito. Akala nilang...