Fiancée

1 0 0
                                    


Mhaxine POV

Papunta kami ni Jessica sa office ng Dean. Andoon sila Lolo, Kuya at Parents ni Jessica naghihintay sa amin. Sila din kasi ang magkakatabi sa VIP seat kaya andoon sila ngayon naghihintay.

Simula natapos ang ceremony hindi ko nakita si Harold. Last ko siyan nakita ang hinatid niya ako sa upoan, after that hindi ko siya nakita ulit. Malapit na kami ni Jessica sa office ni Dean, nang bigla akung kinabahan. 

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang binuksan ni Jessica ang pinto. 

"Hi guys.. where here na!!"masayang bati ni Jessica para sa lahat.

"Andiyan na pala ang mga bata."sabi ni Lolo sa amin ni Jessica, parang kausap niya kanina si Don Guillermo pagkapasok namin ni Jessica.

"Sorry po kung natatagalan po kami."paghingi ko nang pa-umanhin sa kanilang lahat.

"Ok lang iyon Iha, umupo muna kayo diyan. Hinihintay lang natin si Edward." salita ni Don Guillermo.

Umupo ako sa tabi ni Kuya at ni Lolo. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid tinignan ko ang bawat sulok. Walang Harold akung nakitang kasama nila dito sa loob. 

'Asan kaya ang Harold ngaun?'bulong ko sa sarili.

"Miguel... Apo."tawag ni Don Guillermo.

Hindi ko alam kung sino si Miguel at walang sumasagot. Pero nakaharap si Don Guillermo sa table ni Mrs. Amanda. May tao nga doon ang naka-upo pero hindi ko makita dito kung sino ang naka-upo. 

"Miguel, kausapin mo ang fiancée mo dito."salita ulit ni Don Guillermo.

Fiancée?Sino ang sinasabing fiancee ni Miguel? Ako ba or si Jessica dahil dalawa kaming dalaga dito. 

"Excuse! me Don Guillermo..Sinong financee ni Miguel dito?" tanong ni Jessica.

Akala ko, ako lang ang nagtataka. Pati din pala si Jessica nagtataka din kung sino ang sinasabing fiancee ni Don Guillermo. 

"Iha.."suway ni Tita Shiela kay Jessica na mommy nito.

"Ok lang Mrs. Shiela... Iha, si Miguel ang fiancee niya ay si Mhaxine ang apo ni paring Regor."salita ni Don Guillermo.

"Ako?"salitang nabitawan ko sa aking bibig. 

"Ako ang fiancee ni Miguel?"Muli kung pagsasalita.

"Oo, Apo si Miguel ang maging future Husband mo." salita ni Lolo sa tabi ko.

"No!" malakas kung sabi sa kanila. 

Tumayo ako sa upoan at lumabas sa office patakbo habang umiiyak. Nakalabas  din ako sa building, buti at walang mga tao dito sa hallway papuntang playground. 

Nandito ako ngayon sa duyan naka-upo, malayo ito sa building pinanggalingan ko. Andito ako ngayon sa elementary area, dito ako dinala ng mga paa ko. Buti walang tao dito kasi until 5pm lang ang pasok ng mga Elementary kaya sa ganitong oras 6:40pm walang tao dito.

Kinapa ko ang aking suot na mini dress, buti nasa bulsa ko ang phone. 'Di ko na suot ang toga ko, kaya puwde ako mag kasakit nito ngaun dahil medyo manipis ang tilang ginamit sa may balikat. Medyo malamig din ang hangin ngaun dito parang uulan.

Kinuha ko ang phone ko para maglaro. Bahala sila maghanap sa akin, ayoko muna silang makita at makausap. Naka airplane mode ang setting ng phone ko. Para hindi nila ako matawagan at mahanap. Gusto ko muna mapag-isa dito.


Harold POV

Narinig ko na ang pag bukas ng pinto. Sigurado ako sila Mhaxine at Jessica ang pumasok.

My Crush is My ForeverWhere stories live. Discover now