Mhaxine

2 0 0
                                    


Harold POV

Hinanap ko si Mhaxine sa buong building lahat ng mga rooms possible niyang puntahan wala siya. Tinawagan ko ang guard house ng campus kung napansin nila si Mhaxine lumabas. Ang sabi wala silang napansin lumabas si Mhaxine ng campus.

Huli kung pinuntahan ang roof top kung saan kami nagka-usap. Ito din ang sinabi sa akin ni Jessica kanina bago ako lumabas sa office.  Hinanap ko siya sa bawat sulok ng roof top. Ito lang ang nag-iisang roof top na makikita ang buong campus kasi napagitna ito. Mula dito makikita ang parking lot ng campus, ang College ground, High school ground at ang Elementary ground. 

'Paano ko kaya makikita si Mhaxine nito madilim na ang bawat sulok ng campus. Hindi ako natatakot na may mangyari sa kanya dito sa loob ng campus, dahil walang masamang tao nakakapasok dito. Lalong walang mananakit kay Mhaxine dahil alam nilang lahat dito, girlfriend ko si Mhaxine. 

Una kung tinignan ang ground ng College pero wala akung makitang bakas ni Mhaxine, dahil maraming tao sa paligid. Hindi pa kasi tapos ang mga klase dito, kaya impossibling dito napunta si Mhaxine. Kaya sinunod ko ang parking lot tignan, wala din doon. Next ko tinignan ang High School ground nakukunting tao lang pero wala parin akung nakitang Mhaxine. Ang huling kong tinignan ang ground ng elementary. Dito walang katao-tao sa paligid, possibling dito napunta si Mhaxine lalo't umiiyak iyon palabas ng office. 

Tinignan ko ang bawat sulok sa paligid ng elementary area. May nakita akung ilaw ng cellphone sa bandang playground ng elementary. Naalala ko addict si Mhaxine sa paglalaro ng cellphone, naalala ko din ang sinabi niya dati.

"Pag ayaw kung madisturbo sa laro ko...naka airplane mode ang phone ko." sabi ni Mhaxine.

Panigurado akung Si Mhaxine ang nakikita ko sa playground mula dito sa rooftop. Kaya dali-dali akung pumunta sa playground at tignan kung siya nga ba ang nasa playground.

Tinakbo ko mula sa taas ng roof top hanggang dito. Mula dito nakita ko si Mhaxine, siya nga ang nasa duyan at naglalaro sa phone niya. Medyo malamig ang hangin kaya parang giniginaw si Mhaxine dahil sa manipis ang suot nito sa may balikat.Buti dala ko ang coat ko para maipagamit ko kay Mhaxine.

Dahan-dahan ko lang siya nilapitan at nilagay sa balikat niya ang coat ko. Uupo sana ako sa katabing duyan, bigla itong tumayo at yumakap sa likod ko. Mula sa likod ko naririnig ko siyang umiiyak at subrang higpit nang pagkayakap nito sa akin.

"Ayoko na sa mundo... ayoko na umuwi sa pamilya ko." galit niyang sabi mula sa likod ko.

Dahan-dahan ko siyang hinarap at mayakap ng maayos. Hinahaplos ko ang kanyang malabot niyang buhok.

"Tahan na Mhax...wag ka na umiyak.."pagpapatigil ko kay Mhaxine sa pag-iyak. 

"Umuwi na tayo..hatid kita sa bahay mo.'' pag-ayaya ko sa kanya sa pag-uwi.

"Ayoko kung umuwi."sagot nito sa akin.

"Okay, sige...hindi kita ihahatid sa bahay mo...Pero need nating lumabas dito sa campus at parang uulan pa."sabi ko kay Mhaxine.

Pumayag din si Mhaxine lumabas kami sa campus. Dinala ko muna siya dito sa Condo unit ko malapit dito sa campus. Pinagpalit ko muna siya ng damit para makapagpahinga at makatulog. Iniwan ko muna siya sa kuwarto ko. Andito ako sa may sofa ng sala naka-upo.

Bago kami umuwi dito sa condo, kumain muna kami. Simula doon sa playground hindi nagsasalita si Mhaxine hanggang dito sa condo.

Naalala ko tuloy sila Mommy at ang pamilya ni Mhaxine. Kaya kinuha ko ang phone nakapatung malapit sa mesa.

"Hello Mom" salita ko kay Mom sa kabilang linya.

["Hello! Anak, Kumusta? Nasan ka na? Nakita muna ba si Mhaxine?"] bungad ni Mom sa akin na nag-aalala sa akin at kay Mhaxine.

"Yes! okay lang kami Mom...kasama ko na po si Mhaxine...Andito kami ngaun sa condo unit ko.."sagot ko kay Mom.

["Kumusta si Mhaxine?"] tanong ulit Mom.

"Okay naman siya Mom, Andoon sa Kuwarto pinag pahinga at nakatulog sa kakaiyak" sagot ko kay Mom.

["Buti at nakita mo din siya..kawawa naman si Mhaxine, akala niya siguro ibang tao ang ipapakasala sa kanya.. Oh! Sige anak, pahinga ka na din."] salita ni mom sa kabilang linya.

"Sige Mom, Good night" paalam ko kay Mom, sabay patay sa phone.

Bukas ko nasasabihin kay Mhaxine ang lahat. Para matapos ang dinadalang lungkot ni Mhaxine, lalo't alam ko ngayon may gusto sa akin si Mhaxine.


Jhaver POV

Tumawag sa amin ang Daddy ni Miguel para ipaabot sa amin ang balita. Nakita ni Miguel si Mhaxine at ngayon nasa condo unit ito ng binatang ipapakasal sa kanya. Buti nakita siya ni Miguel bago malaman ni Mom. 

Hindi namin sinabi agad ni Lolo sa mga parents ko ang nangyari kanina. Ayaw kung mag-alala sila lalo na si Mom, baka ano pang mangyari sa kanila doon sa USA.

"Jha, Kumusta?"tanong ni Lolo nasa likuran ko.

Nakatayo ako dito sa aming beranda, nang natanggap ko ang tawag galing sa mga Guillermo. Hindi ko namalayang nasa likuran ko si Lolo.

"Lolo, gising pa pala kayo." sabay lingon ko kay Lolo at inaalayan maka-upo.

"Ang Daddy ba ni Miguel kausap mo?"tanong ni Lolo.

"Opo Lo, tumawag si Mr. Guillermo para sabihin nakita ni Miguel si Xine. Kasalukuyang nasa Condo Unit ngaun ni Miguel si Xine. Ayaw din kasi pa umuwi ni Xine dito sa bahay." sagot ko kay Lolo.

"Mabuti naman... salamat kay Miguel nahanap niya ang kapatid mo." masayang sabi ni Lolo.

"Paano malalaman ni Xine ang tungkol kay Miguel?" tanong ko kay Lolo.

"Malalaman din ng kapatid mo about kay Miguel...Dahil nakita ko kahapon suot ni Miguel ang bracelet... Sa pamagitan nitong bracelet malalaman niyang si Harold at si Miguel ay iisa."paliwanag ni Lolo sa akin.

Oo nga pala, may same emerald stone ang dalawa. Gawa nilang Lolo at ni Don Guillermo, para sa dalawang pinagkasundo nila. Mabuti naman at si Miguel ay mabait na tao, mapanatag din ang aking kalooban. 

Simula noong araw nalaman ko ang kasunduan between Guillermo Group at Montero Group. Pina background check ko si Miguel nang patago, hindi alam nila Lolo.

Narinig ko ulit nagsalita si Lolo. "Jha, pahinga ka na...bukas wag mo kalimutan ang meeting natin with Mr. Lopez." sabay tayo ni Lolo.

"Sige, Lo.. Good night."sagot ko kay Lolo.

May meeting kami with Mr. Lopez para sa magaganap na malaking event next week. Si Mr. Lopez ang private organizer namin sa lahat ng mga event ng Montero Group. 


*****

Wow ang sweet ni Harold..talagang nagpakapagod siyang hanapin si Mhaxine.. What a love? sana may ganyan din ako..heheheh.. 

Well sana nagustuhan ninyo.. Thank you

*****


My Crush is My ForeverWhere stories live. Discover now