Plan

7 0 0
                                    

Harold POV

Andito ako ngayon sa roof top mula dito sa roof top. Nakikita ko ang napagandang Mhaxine.

Sana pumayag siya sa plano ko maging fake girlfriend ko siya.

Lumapit ako sa kanya sabay bati "Hi Mhax" siyang dahilan para makuha ko ang attention ni Mhaxine.

Seryoso nakatitig sa phone, akala ko kung ano ang ginagawa. Iyon pala ng lalaro ng Pet Rescue Saga.

Ngayon ko lang alam mahilig din pala siya sa ganyang laro.

"Oh!, hello.. Anong ginagawa mo dito?"tanong ni Mhaxine na parang nagulat nakita niya ako dito sa roof top.

"Well, nakita lang kitang andito ka sa taas mag-isa. Kaya naisipan kung puntahan kita dito. Pero kung ayaw mo  nandito ako, aalis na lang ako." Sabay talikod ko sa kanya.

'Sana magsalita ka Mhaxine.' Dasal ko sa sarili.

Alangan man baba akung walang napala. Siya kaya ang rason kung bakit ng paka pagod ako umakyat dito. Subrang taas kaya nitong roof top ng School namin dito. 'Di ako makapaniwala nakapunta dito si Mhaxine.

"Wait..." salitang lumabas sa bibig niya. Kaya muli ko siyang hinarap.

"Teka...okay lang naman sa akin andiyan ka. Sino ba ako para paalisin kita dito?ie... kayo may-ari ng school nato."patuloy ni Mhaxine sa pagsalita.

Ang ganda talaga niya pati ang boses niya mala anghel talaga.

"Okay lang iyon..ikaw naman ang nauna dito." Sagot ko sa kanya.

"Bakit ka nga pala andito? Hindi ako makapaniwala pumunta ka dito walang rason. Impossible, may sariling tambayan kayo sa baba." Pagtatakang tanong ni Mhaxine.

Tama nga siya may dahilan kung bakit ako nandito sa taas, para makausap siya.

"Ang talino mo talaga...believe na ako sayo. Tama ka diyan sa sinasabi mo."pag sang-ayon ko kay Mhaxine.

"Ie....ano ba talaga ang dahilan but andito ka?"pagpipilit niyang tanong.

"Dahil sayo."sagot ko.

"Ako?"tanong ni Mhaxine na hindi ko alam kung anong reaction. Blanko ang nakikita ko sa mukha nito. Dahil siguro naglalaro siya kaya di ko makita ang reaction sa mukha niya.

"Bakit ako? May nagawa bang mali or kasalanan na hindi ko alam?"patuloy niyang pagtatanong while naglalaro pa rin sa phone niya.

"Wala Mhaxine, may gusto lang sana akung hingiin kunting pabor sayo... kung okay lang ba sayo?" Sagot ko kay Mhaxine.

"Ano naman iyon? Basta kaya ko lang gagawin ko." Sabi niya sabay umayos sa kinaupoan niya at tinigilan na niya ang paglalaro sa phone nito.

May upoan kasi dito sa roof top na puwde upoan ng mga taong tumatambay dito.

'Ito na Harold gawin muna, sabihin muna sa kanya ang reason kung bakit ka andito.' Bulong ko sa sarili. 

"Can you be my Fake Girlfriend..i mean mapakilala kita sa mga magulang ko na girlfriend kita..okay lang ba? Tanong ko

Sa wakas nasabi ko din, pero kinabahan talaga ako. Sana hindi niya ako nahalatang kinakabahan.

"At bakit ko gagawin iyon? Bakit  ako ang napili mong pag tripan, marami naman babae diyan na may gusto sayo? Sila na lang ang gawin mong fake girlfriend." Hindi pag sang ayon ni Mhaxine sa gusto ko na ngayon ay napatayo sa kanyang kina-upoan.

"Iyan ang rason kung bakit ikaw ang napili kung gustong magpanggap bilang girlfriend ko, kasi iba ka sa mga babaeng nakilala ko dito sa campus. At isa pa ikaw lang din sa lahat ng babae dito sa campus ang siguradong hindi ka pagdududahan ng parents ko. Aside sa kilala ka ng mga parents ko, dahil sa background mo dito sa school."paliwanag ko sa kanya.

"Bakit ba gusto mo may ipakilalang girlfriend sa kanila? Puwde kang mangligaw sa babae na gusto mo para may maipakilala at hindi mo niloloko ang family mo." Pagtatakang tanong ni Mhaxine.

"Okay,ganito kasi iyan....oOps!wait lang...sasabihin ko sayo ang dahilan pero please keep it secret na lang..atin atin lang ito..puwde ba? Pagkumbinsi ko kay Mhaxine.

"Okay" sagot ni Mhaxine sabay balik niya sa kanyang kina-upoan kanina. Ganon din ako, pareho na kami ni Mhaxine naka-upo dito.

"Kaya ko gusto magkaroon agad ng girlfriend. Kasi ayoko maikasala sa isang tao na hindi ko kilala at hindi ko mahal. Ito kasing mga magulang ko pumayag sa gusto ni lolo. Ipakasal ako sa apo ng kaibigan ni lolo, at para di matuloy ang arrange marriage doon sa apo ng kaibigan ni lolo. Sabi ni Dad para di matuloy iyong kasal, dapat may girlfriend akung ipapakilala sa kanila bago iyong dinner namin ngayon sa bahay. Next month din mangyayari ang proposal wedding naming dalawa. Ngayon alam muna, papayag ka na ba sa gusto ko? Matutulongan mo ba ako sa problema ko Mhax?. pagkuwento ko sa kanya sabay tanong.

"Talaga bang ako ang naisipan mo maging girlfriend?...wala ka bang ibang choice?"tanong ni Mhaxine.

"Kung meron man bakit pa ba kita kinausap kung meron ibang puwde." sagot ko sabay tayo at lumapit sa kanya. " sige na pumayag kana..please" hinawakan ko ang kanyang kamay.

Sarap hawakan nang kamay niya, pangalawang beses ko nahawakan ang kamay nito. Sana pumayag si Mhaxine. Hindi lang fake girlfriend ang mangyayari sa ating dalawa Mhaxine maging real girlfriend din kita soon. Liligawan kita habang nasa fake relationship tayo.

"Kung tutulongan kita, dapat may kapalit din iyong pagtulong ko sayo." Sabi ni Mhaxine.

"Ikaw bhala kung anong gusto mo na ipalit, I mean gustong kabayaran sa paghingi ko sayo ng tulong." sagot ko.

"Talaga lang? Kahit ano?" Tanong niya

"Kahit ano basta kaya ko."sagot ko.

"Sige,amh..sa tingin ko quits na tayo..."sagot niya.

"Bakit mo nasabing quits ?bakit may problema ka rin?" Tanong ko.

"Parang ganon nga at sa tingin ko mas okay rin kung mag panggap ako na girlfriend mo at ikaw  boyfriend ko. Siguro ikaw yata ang sagot nabinigay sa akin ni God para 'di ako makapunta sa dinner mamaya. At makilala ang lalaking dapat maging husband ko." Kuwento ni Mhaxine.

Akalain mo naman na pareho pala kami ng problema ngayon. Anong tawag kaya nito, ito bay accident or destiny?

Mabuti rin siya ang nilapitan ko para alam ko ang mga nangyari sa kanya. Atlest sure ako kami ang magkatuloyan. Gagawin ko talaga ang lahat para maging kami for real.

"Hoy!"tawag ni Mhaxine. "Ano okay ba?" Paniguradong tanong ni Mhaxine sa akin.

"Oo"sagot ko.

"Okay deal" sabay lahad ni Mhaxine sa harap ko ang kamay.

"Ok cge deal" tinanggap ko at nakipag-kamay ako sa kanya.

Pagkatapos nag-paalam na rin siya sa akin at na una nang bumaba.

Ayos solve na ang problema ko ngayon.

Ring ring ring

"Alex calling..."

Tumunog ang phone ko mula sa bulsa ko.

Tumatawag ang right hand ni dad. Kaya sinagot ko na agad.

"Sir kailangan na po kayo umuwi ngayon dahil nag hihintay na sa inyo ang lolo ninyo." Sabi ng nasa kabilang linya na si Alex.

"Okay coming." Sagot ko sabay baba ng phone.





Mhaxine POV

Sa wakas naka-uwi na rin. Grabe kanina ko pa gusto sumigaw at maglupasay sa kilig.

Sino ba ang hindi kiligin sa nangyari sa akin kanina. Mismong crush ko ang lumapit at sa akin pa humingi ng help para sa problem niya. Akalain mo pareho kami ng problema.

Tick tak tick tak

Napalingon ako sa alarm clock ko. 7 pm. na pala. Nagpaalarm pala ako para doon sa dinner na sinasabi ni Kuya. Sure na ako ngayon hindi ako pupunta.

Bahala sila doon maghintay ng habang buhay. Walang Mhaxine ang dadating bahala sila.

My Crush is My ForeverWhere stories live. Discover now