*_* hi guys sorry sa lahat ngayon lang ako ulit ng update. Hope magugustohan ninyo ang mga susunod na mga chapter ng storya.
Mhax POv
Andito kami ngayon sa hangout naming dalawa ni beste. Habang naghihintay ng oras para sa next practice for graduation. Ang pinaka-last practice ng graduation after noong pagka announce ng mga honorable.
Mula dito sa pinag tambayan namin ni beste. Makikita namin dito ang parking lot ng school. Kasi andito kami sa roof top ng building, dito kasi kami tumatambay ni beste.
"Beste, ang daming tao doon sa parking lot."sabi ni Jessica nasa tabi ko lang.
Tama nga si beste maramin tao sa may parking lot. Alam naman namin isa lang ang dahilan kung anong meron sa parking lot ngayon.
"Puro mga Harold fans club lahat ang andiyan." sagot ko kay Jessica.
"Tama ka diyan beste." Pagsang ayon ni Jessica sa sinabi ko.
Hindi ako nagsalita at kinuha ko lang iyong phone na parati kung ginagawa pag walang magawa.
Habang naglalaro ako sa phone narinig ko si beste nagpapalam. "beste punta muna ako sa canteen...nagutom ako sa kakahihintay dito."
"Sige beste, text muna lang ako pag magsisimula iyong practice. Para di ka mapagod sa pag akyat dito." Sagot ko kay Jessica.
"Sige beste"paalam nito at bumaba na siya.
Ako na ngayon ang naiwan dito sa taas. Habang busy ako sa paglaro sa phone ko biglang lumabas sa screen ang name ni kuya.
"Kuya calling..."
Kaya sinagot ko na muna.
"Kuya,bakit?" Tanong ko kay kuya.
"Xine dont forget the dinner sa mga Guillermo house." Pagpaalala ni kuya sabay putol sa kanyang tawag.
Ganyan talaga si kuya, hindi niya ako pinapasasagot pag siya na ang tumawag. Basta masabi niya lang ang gusto niya. Alam niya marami at hahaba pa ang usapan kung hindi agad binaba ang phone.Naalala ko tuloy iyong nagyari sa Guillermo building noong time na isinama ako ni kuya.
Wala kasing nangyaring meeting, dahil umalis iyong anak ni Mr. Guillermo.
Flashback
Paakyat na sana ako ng tumawag si kuya sa akin.
"Kuya calling..."
"Hello, kuya paakyat nako diyan."pagkasagot ko sa tawag ni kuya.
"Huwag ka na umakyat dito. Hintayin muna lang ako diyan." Sabi ni kuya sa kabilang linya sabay baba ng phone.
Kaya hindi na ako umakyat. Doon na lang ako sa lobby naghihintay kay kuya.
"Ang ganda niya."sabi ng babae sa front desk
"Tama ka diyan girl. Ang ganda niya bagay sa anak ng boss natin" sagot naman ng kasamang babae sa front desk.
Iyan lang naman ang naririnig ko mula sa kina-upoan ko dito sa lobby.
Tama bang sabihin nilang bagay kami sa anak nang kanilang boss dito. Kung alam lang nila may sarili akung gusto.
Sa wakas andito na rin si kuya nakikita ko na siya palabas na ng elevator.
Papunta ito sa kinaupoan ko sabay sabi "Xine dont forget this coming Friday may dinner tayo sa bahay ng nga Guillermo."
"Dinner? Teka kuya ano ba ang ipinunta natin dito? Ang dali naman kung sabihin mong may meeting ka dito." Pagtataka kung tanong kay kuya.
"Xine, sa totoo lang, wala naman talagang meeting ang mangyayari dito." Sagot ni kuya.
"Kung walang meeting pala... Bakit ba tayo nandito?"tanong ko ulit kay kuya.
"Ngayon sana dapat ipakilala ni Mr. Guillermo ang anak niya sa atin." Sagot ni kuya.
"At ano naman kinalaman ng anak niya sa pag-punta natin dito?"pangusisang tanong ko kay kuya
Habang hinihintay ko ang sagot ni kuya, andito kami sa labas hinihintay ang sasakyan.
Pagkasakay, muli kung tinanong si kuya. "Ano na kuya? Bakit ba tayo nandito at ano kinalaman ng anak ni Mr. Guillermo?"
"Okay sige, sasabihin ko sayo. But before that, mangako ka muna sa akin hindi ka magagalit kahit sino sa ating family. Lalo nasa mahal mong lolo."sagot ni kuya.
Ano naman kinalaman nila dito? Kaya sa subrang gusto ko malaman kung anong dahilan. Tumango lang ako hindi ko na sinagot si kuya.
"Kasi ikaw at ang anak ni Mr. Guillermo ay pinagkasundo kayo ng mga lolo ninyo na kayo ang ikakasal sa tamang panahon." sagot ni kuya.
"Ano?" Iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Sa subrang gulat ko sa narinig ko kay kuya.
Simula noon hanggang sa maka uwi kami sa bahay walang narinig si kuya nasalita mula sa akin.
Kinakausap niya ako pero hindi ko siya sinagot at kinausap.
Pagkadating sa bahay umakyat agad ako sa taas, nagkulong sa room. Hindi na sumunod si kuya sa akin, dahil alam niya na galit ako. Ganito kasi ako magalit hindi kumikibo at nagkukulog lang sa kuwarto.
End of flashback.
Sino naman kaya iyong anak ni Mr. Guillermo. At sino naman kaya iyong Guillermo na kausap ni kuya.May kakilala akung Guillermo Family pero impossible, kung ang family ng crush ko. Alam naman ninyo kung sino ang tinutukoy ko. Ang family ni Harold na may-ari nitong Guillermo University pinapasokan ko.
Harold POV
Andito pa rin ako sa loob ng sasakyan hanggang ngayon. Tinitignan ang mga babaeng nagkakagulo sa labas.
Habang iniisip ko kung sino iyong girl. Biglang nakuha sa aking paningin ang girl sa taas ng roof top ng building sa di kalayuan dito sa parking lot.
'Si Mhaxine ang nasa roof top?' Tanong ko sa sarili.
Ano kaya ang ginagawa niya sa taas? Ibang klasing babae si Mhaxine, lahat nang mga babae sa campus nagkakagulo pag nakita ako. Kaya nga siguro siya iyong na gustohan ko. Dahil din sa ugali niya, iba kasi siya sa mga babae dito sa campus.
Ano kaya kung siya ang gawin kung fake girlfriend. Ang tanong kung papayag ba siya sa gusto ko.
'Papayag kaya si Mhaxine sa gusto ko?' bulong ko sa sarili ko.
YOU ARE READING
My Crush is My Forever
Short StorySa buhay ng bawat isa sa atin may mga sarili tayong gusto. Kagaya ng kung sino ang gusto mo makasama sa buhay. Iyong walang ng uutos sayo na siya ang maging soon to be. Ganyan ang nangyari sa dalawang Character natin sa kuwento na ito. Akala nilang...