Harold POV
"Good morning sir" bati ng secretary ni dad.
"Good morning din, andyan na ba iyong ka meeting ko?" Tanong ni dad sa kanyang secretary.
"Wala pa po, medyo malate si Mr. Montero. Pero coming na po sila. Kakatawag lang ng secretary nila." Sagot niya kay dad.
Hindi ko na hinintay si dad na pumasok. Ako na ang unang pumsok sa office niya.
Andito ako ngayon sa office ni dad. Pinilit niya akung isama dito sa office para malaman ko ang takbo ng business.
Ay siya nga pala ako si Harold Miguel Guillermo. Ang nag-iisang taga pagmana ng lahat ng may-ari ng Guillermo group.
Nakakainip dito sa office ni Dad, wala akung magawa. Andito lang ako sa sofa nakaupo. Meron pa atang hinihintay si Dad naka meeting niya. Naka patung ang dalawa kung paa sa mesa sa harap ng sofa.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto, pumasok si dad may kasamang isang lalaking parang mas matanda sa akin ng 3 years.
"Mr. Montero please come in." Paanyaya ni dad sa kanyang bisita.
Ito yata ang hinihintay ni Dad ka meeting niya dito.
"Kumusta ang proposal nabinigay namin sa daddy mo?" Tanong ni Dad, sabay upo sa kanyang upoan. Ganon na din si Mr. Montero naka-upo ito sa left side ng upoan sa harap ng mesa ni Dad.
"Ok, naman po sabi ni dad. Iyan po ang isa sa mga pinunta ko dito Mr. Guillermo."huminto muna siya sa pagsalita, na pansin niya ang presensya ko dito sa loob.
"Andito pala ang nag-iisa ninyong anak." Pag iba sa kanilang pinag usapan ni dad.
"Iho" tawag ni dad mula sa kanyang mesa, kaya na pa upo ako ng maayos.
"Siya ang maging future brother in law mo..soon. si Jhavier Montero" pag pakilala ni dad sa akin.
'Ano? ano ulit iyon? Tama bang narinig ko?'salita ng aking isipan.
Pagkarinig ko sa sinabi ni dad. Napatayo agad ako sa sofa na kinaupoan.
Mhaxine POV
"Kuya akala ko ba sa company natin tayo pupunta?" Sabay pinag masdan ang buong building na sigurado ako na hindi sa amin to."Bakit dito?" Tanong ko kay kuya.
Hindi man lang ako sinagot ni kuya. Basta lang siya lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako.
"Xine, may ka meeting tayo dito" sagot ni kuya sabay bigay niya sa susi ng kotse doon sa nakaabang na tauhan yata dito sa building.
"Kailangan bang kasama ako dito?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.
Andito kami sa harap ng elevetor naghihintay.
"Oo,kailangan. Bakit may problema ba Xine?" Pabalik niyang tanong sa akin.
Habang ng hihintay kami sa elevetor biglang tumonog ang phone ko.
Ring ring ring
[Jessica Calling...]
Hindi na lang ako sumagot sa tanong ni kuya.
"Excuse me kuya..can I answer this first. Susunod na lang ako sayo sa taas."
Wala na akung narinig na sagot ni kuya. Kasi lumayo na agad ako sa kanyang tabi.
Tinungo ko ang lobby at na upo doon. Sinagot ko na rin ang tawag.
"[Hello beste.]" bati ni Jessica sa kabilang linya.
"Yes, beste..bakit?" Tanong ko kay Jessica.
"[Beste ibabalita ko lang sayo na bukas na ang final practice natin.]" sagot ni Jessica mula sa kabilang linya.
Oo nga may practice pala kami bukas. Para sa aming graduation, ilang buwan na lang.
"[Hello beste andjan ka pa ba?]"tanong ni beste.
"Amh!..alam ko na rin..iyan lang ba beste?" tanong ko ulit sa kanya.
"[Beste hindi lang iyon..bukas malaman natin kung sino ang mga top honors.]" Sabik niyang sabi sa akin about sa mga honors.
Para sa kaalaman ninyo ako at itong si Jessica na beste ko. Kami kami kasi ang nagpagalingan sa grades.
Sports lang kaming dalawa tungkol doon. Parang karaniwan lang sa amin.
"Beste teka nga super sure ka ba na iyan lang ang reason mo. Kung bakit ka na patawag. Alam naman natin iyan kung sino ngayon ang nas top honors." pagpipilit kung tanong sa kanya.
"[Beste friend nga talaga tayo no. Kasi you know me better talaga.]"pagsasalita ni Jessica sa kabilang linya
'Tama ako meron nga itong ibang rason.'pagsasalita ng isipan ko.
"Sabihin muna..kasi may gagawin pa ako." Pagmamadaling sabi ko sa kanya.
Kasi naghihintay pa sa akin si kuya sa taas.
"[Beste bukas pupunta sa practice natin si Harolddd.....]"pasigaw na may kilig pa ang boses pagka bangit niya sa name ng super crush ko.
Oo crush ko ang anak ng may-ari ng school na pinasukan ko.
"[Beste okie ka lang ba?sumagot ka naman oi...beste..]" pangungulit niya sa ka bilang linya.
"Bye besteee.." sabay patay sa tawag ni Jessica. Pagkatapos binalik ko sa aking bag ang phone.
Hindi ko sinagot si Jessica, dahil nga pag dating sa usapan Harold, kinikilig ako. Baka makalimutan ko pa kung asan ako, mapagalitan pa ako ni kuya Jhaver. Habang naaalala ko pa nasa ibang company ako, kaya tinapos ko na ang call ni Jessica.
YOU ARE READING
My Crush is My Forever
Short StorySa buhay ng bawat isa sa atin may mga sarili tayong gusto. Kagaya ng kung sino ang gusto mo makasama sa buhay. Iyong walang ng uutos sayo na siya ang maging soon to be. Ganyan ang nangyari sa dalawang Character natin sa kuwento na ito. Akala nilang...