Chapter 9 ❤️ (Retides)

196 14 0
                                    

#Redtides

Pagdating ko sa room kaklase ko si Nathan, ayyysss... Bat ba parang parehas kami ng sched? Wala pa yung teacher namin ngayon. Tapos may dumaan sa harap ng upuan namin tapos

*booogggsshh*

' hahahahahah' naririnig kong tawanan ng mga classmate ko paano ba naman tinalisod nitong epal na toh yung isang lalaking dumaan sa harap namin. Tinulungan ko naman syang tumayo

"Thank you" tapos ngumiti sya sakin

"Walang ano man" tapos naglakad na sya papunta sa upuan nya

"Ang sama mo talaga!" Panunumbat ko kay Nathan

"Hindi ako masama! Sadyang mabait ka lang" sabi nya

"Sus! Eh bakit hindi ka man lang nag sorry dun sa tinalisod mo?"

"Bakit pa? Eh hindi ko naman tinalisod yun sadyang lampa lang sya" sama talaga nito! -_____-

"Sus! Kitang kita naman na kasalanan mo kung bakit natalisod yun eh!" Sabi ko

"Hindi noh! Baka ikaw may kasalanan?!" Aba! Ako pa sinisi ahhh nakakahiya naman...

"Kapal ehh kitang kita kaya na ikaw!" Sabi ko

"Sus! Baka crush mo lang yung panget na yun kaya mo sya pinagtatanggol" sabi nya

"Eh ano naman kung crush ko yun?" Eh hindi ko naman crush yan =___= si Liam kaya yung crush ko! >__<

"Tss.. Ang panget panget nun, dun mo ako pagpapalit?" Nakangisi nyang sabi, ansabe?!

"Asa! Anong akala mo crush kita?"

"Kakasabi mo lang" tapos ngumiti sya ng napakalawak

"Hindi kita crush noh! Sa isang walang pusong lalaki? Wag na lang!"

"Atention please!!" Sigaw ng isa naming classmate, kaya napatigil naman ang lahat

"Wala daw ang Prof natin sa T.L.E that's why, pwede na tayong umuwi" paliwanag nya

"Yehey!!!" Hiyawan ng mga classmate ko

Yes! Walang pasok, tsaka gusto ko na ring umuwi lagot na ako kay mama >__< Lumabas na ako ng room pagkasabing pagkasabi nun at sumakay sa Taxi at nagpahatid sa amin. Tumigil na yung taxi sa tapat ng bahay at bumaba na ako

"Mama?" Sabi ko habang nagdodoorbell, at nagbukas naman ang gate

"Ohhh baby girl... Alam mo bang pinag-alala mo ako? Buti nalang tinext ako ni Nathan at gumaan ang loob ko" sabi ni mama tapos yumakap sya sa akin

"Sorry po mama..." Sabi ko

"No it's okay, ano? Anong ginawa nyo ni Nathan Baby? Ang sweet nya naman tinext nya ako para pagpaalam ka" masayang sabi ni mama, ehh?? Hanodaw?! Weird ni mama

"Mama naman hindi naman ganun!" Pagmamaktol ko

"Anak okay lang yun... Pero oo nga pala noh! Hindi mo type si Ithan sayang naman" tapos nagsad face si mama, ayysss... Ewan!

"Eh kaya lang naman po ako di nakatawag, kase nasira po yung phone ko,, nalaglag ko po kasi sa may corridor" ayoko nang sabihin ang totoong dahilan >___< baka lumala lang.

"Hayyy.. Nako naman Baby girl.. Sige bibili tayo ng Cellphone mo. Sige na ipasok mo na yang bag mo At diretso na tayo, wag kana muna magpalit" sabi ni mama, sinunod ko naman ang sinabi ni Mama

*****

Gaya nga ng sinabi ni Mama kanina nandito na kami sa mall para sa cellphone at pagsiniswerte ka nga naman, hehe Iphone 6+ ang binili sakin ni Mama ^^ ang saya saya ko talaga. Tapos ngayon naman papunta kaming SB.

Ang Badboy Kong SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon