Chapter 16 ❤️ (Let's Be Friends)

171 12 2
                                    

#Let's Be Friends

Anica

Naglalakad parin kami ngayon at hawak nya parin ang kamay ko hanggang ngayon >__< ang dami tuloy nakatingin samin.

Tapos dumiretso lang sya, sumakay kami sa elevator at pumunta sa tambayan nila

"Handsome Nathan" sabi nya tapos nagbukas na yung pinto, dami arte noh!

Pagpasok namin inupo nya agad ako sa couch tapos maykinuha. At bumalik sya dala ang first aid kit, umupo sya sa harap ko para makapantay nya ang tuhod ko. Tapos nilagyan nya ng betadaine yung cotton tapos nilinis nya yung sugat ko sa tuhod. Galing ah, napansin nya yun? >__< eh ako nga ngayon ko lang napansin.

"Yung bibig mo dumudugo na naman." Sabi nya habang nakatingin parin sa sugat sa tuhod ko. Hinawakan ko ang mga labi ko at may dugo nga >___< kainis naman! Paano pagnalaman ni kuya toh? Malalagot ako...

"Sino bang may gawa nito sayo?" Seryoso nyang sabi habang nilalagyan ng band-aid yung tuhod ko, bat parang ang alaga nya ata? ^___^. Aiss... Ano bang iniisip ko >___<

"Ahhhh.. Ano wala.." Sabi ko sabay yuko

"Wala? Ohh gusto mo ipagkalat ko na nagki--" hindi nya na naituloy kase sumigaw ako

"Sila Miranda! Okay na?!" Sigaw ko, bwisit toh! Bipolar pa! -____- kanina maalaga tas ngayon ganyan sya patawa tawa pa na yung may pahawak sa tyan effect pa =__= kaasar! Okay na sana eh! Kakatayin ko toh eh!

"Tss.. Sasabihin mo naman pala eh..." Sabi nya na medyo nakangiti pa tapos biglang sumeryoso yung mukha nya. =___= see? Bipolar sya.
"Sila Miranda?!..." Seryoso nyang sabi tas may binulong pa sya, kainis di ko narinig! >__<

"Ohhh.. Bat parang galit ka? Tinatanong mo tapos nagagalit ka." Napailing nalang ako.

"Wala." Tapos ayun tumayo na sya at pumunta kung saan, pagbalik nya eh may dala na syang mga foods *___* yum! Yum!

"Ohhh.." Sabay hagis sakin ng chips... Tapos sakanya *____* waaahh!!!Marsh mallows!

"Uy! Penge ako nyan!" Sabi ko tapos kukuha na ako kase nasa tabi ko lang naman sya dito sa may sofa. Kaso bigla nya naman akong benelatan >__<

"Yoko nga! Sabihin mo munang please." Sabi nya, ano sya utut?

"Penge na kase!"

"Yoko nga! Please muna!"

"Ayaw!" -ako

"Gusto!"- sya

"Ayaw ko!" -ako

"Gusto mo!" -siya

"Kainis! Ang kulit mo! Penge na- waaaa!!!!" Kainis! Ang damot nya kase eh! Yan tuloy nahulog kame! Usod kase nang usod! Tapos nahila pa yung uniform ko =___= ayan nakapatong tuloy sya sakin. Waaaaa!!! Ayan na nakatingin na sya sakin >__< shems! Nakakahiya! Kainis naman kase eh.

Tapos napansin ko na palapit ng palapit na naman yung mukha nya, ohhh my! Nako yan na naman! Yan na naman! Help! Help! Shems! Ano bang gagawin ko. Ang lapit na nang mukha nya ramdam na ramdam ko na ang hininga nya, waaa!! Ayan na! >___<

"Anong nang yayare dito?!" Pagkarinig na pagkarinig ko nun napatayo agad ako at napatayo naman sya. Sino ba-- O.O

"Kuya?!" Patay kang teteng ka!

"Oo ako nga anong ginagawa nyo? Bat nakapatong yang demonyong yan?" Seryosong sabi ni Kuya tapos hinila nya ako papalapit sakanya at tumingin sya sakin nang nakakatakot >__< waaaa!!! Nakakakot si kuya!

Ang Badboy Kong SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon