Chapter 1 ❤️ (Yucca Xenial Highschool)

464 22 5
                                    

#YuccaXenialHighschool

"Ate Anica gising na!!" Sigaw ni Aish, hmmm... ayoko nga inaantok pa ko eh!=_=

"Huy! Ate Gising na dyan!" Tapos inaalog alog nya ako. Ayyss... Kainis!

"Maya na!"sabay taklob ko ng unan sa mukha ko, ang ganda pa ng panaginip ko eh! Panira

"Bahala ka nga dyan!" Tapos lumabas ata sya, eh sa inaantok pa ko eh! Anong magagawa nya?

"Anica.. Baby girl.. Gising na magpapaenroll pa kayo nila Aish at kuya mo" malambing na sabi ni Mama. Ayy!! Oo nga pala magpapaenroll pa kami nila kuya at Aish, patay na ko neto. Napabangon agad ako ng dahil don pagtayo ko naligo na agad ako at nagbihis at bumaba agad agad

"Ano ba yan! Ang bagal mo talaga kahit kelan" sigaw ni kuya pagkababa na pagkababa ko

"Eh kase naman eh! Nakalimutan ko na ngayun pala tayo mag eenroll!"

"Tss.. Stupid sister" sabi nya

"Andrei! Stop calling your sister stupid!" Sigaw ni mama kay kuya

"Okay mom" sabi ni kuya na naka poker face -__-

"Hoy! Eye bag bilisan mo na!" Sigaw ni kuya kay Aish, kahit di naman ganun kalakihan yung eye bag ni Aish yun parin ang tawag nya hilig kasing mag puyat at ako naman si payat at si kuya haha siya lang naman si panget haha eh kasi gwapong gwapo sa sarili pero totoo naman kahit papano. Ako kaya payat kase payatot daw kahit anong dami ng kinakain ko

"Oo na kuyang panget!" Asar sa kanya ni Aish haha eh yung mukha naman ni kuya pinagsakluban ng langit at lupa waahaha nakakatawa talaga

"Hoy! Eye bags para sabihin ko sayo ako na ata ang gwapong nilalang sa mundo" tapos nagpogi sign sya.

"Hahaha! Kuya ang aga mo atang magjoke hahaha!!!" Tawa naman ng tawa si Aish, haha pati ako natawa

"Anong nakakatawa payat?" Naiinis na tanong ni kuya

"Hahaha! Sorry naman kuya di ko na mapigilan eh haha! Talo ka pala ni Aish eh!" Tapos tawanan kaming dalawa ni Aish tapos si kuya parang bulkang sasabog na haha nakakatuwa siya ^_^

"Hoy! Kayong dalawa humanda kayo sakin!" Tapos ayun nag umpisang tumayo si kuya, ako naman at si Aish tumakbo na papasok ng Van haha mahirap na haha! Nakakatawa talaga si kuya

Pagpasok namin sa Van ni Aish saktong naabutan kami ni kuya

"Humanda kayo sakin ngayon" galit na sabi ni kuya

"Mama!! Si kuya oh!!" Sigaw ko, agad-agad namang lumapit si mama

"Ohh Anica? Anong nangyayare?" Nag-aalalang tanong ni mama

"Eh si kuya po" sumbong namin ni Aish

"Ano na naman yun Andrei?" Sabi ni mama

"Mama! Bakit ako? Eh ang kukulit ng mga anak nyo na yan eh!" Sabi ni kuya

"Hayy.. Nako lahat kayo makukulit" sabi ni mama tapos nag sigh siya

"Mama hindi ako makulit noh! Pogi lang" tapos ngumisi si Aish, ang hangin nya rin minsan =_=

"Waaaah!!! Anong sabi mo? Haha lakas mo mangarap Aish!" Sigaw ni kuya "kung may pogi man sa pamilya, syempre ako na yun" dagdag nya pa

"Your a good joker kuya" pang-aasar ko

"Hoy! Payatot wag ka nga! Pinagtutulungan nyo ko ni Aish eh! Porket na iinsicure kayo sakin! Oo alam kong pogi ako, masyado kase kayong halata eh!" Sabi nya habang natawa

"Hahahahahaha!!! Laking kalokohan kuya!" Sigaw ni Aish

"Oo nga naman, hahahaha!" Pagsang-ayon ko

Ang Badboy Kong SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon