Prologue

262 2 0
                                    

Studying college is a serious matter.

Sabi nila, kailangan mo na daw magseryoso kasi ito daw ang basehan ng future mo. Pero paano ka naman magseseryoso kung ito na rin yung time na pwede ka ng maging independent? Na wala na masyadong rules, wala ng nagbabantay, wala ka na sa iisang classroom. Kahit mga Prof/teacher wala ng masyadong concern or pakialam sayo. At higit sa lahat, malaya kang makakalabas-pasok sa university, walang detension kasi nagcutting ka, walang principal's office.

Sabi nila, High School was the best and most memorable level, but others said that when you reached college, it'll change your point of view. Kahit ako nasabi ko nang nakakaenjoy talaga and nakakaexcite, as well.

sabi ko yan DATI! Nung Freshmen College palang ako!

WTF! naudlot ung throwback eching ko nung natapilok ako. Lintek kasing heels to we! bat ba kasi kailangan magcorporate attire pa! ayokong nakapalda eh.

"Miss, ok ka lang?" May kamay na naghihintay sakin pag tingin ko! Syempre hinawakan ko naman. Buti nalang walang masyadong tao sa dinaanan ko, 5pm na kasi and saturday ngayon.

Pagkatayo ko! AY HINAYUPAK!!

MAY HAYOP!!

MAY HAYOP SA HARAPAN KO!

"Colleen?" Aba'y nagulat pa ang loko! "kamusta na?" eto, sirang sira lang naman ang buhay ko dahil sayo!! Lintek. parang walang lokohan na nangyari ah! tsk.

"Ok lang! Sige alis na ko. may duty pa ko eh. Anyways, salamat!" sabi ko with matching plastic na ngiti XD

"WAIT! nag.. nagtatrabaho ka?!" Chismoso lang! aish.

"oo sige bye!" naglakad na ko bago pa sya magsalita. Nababanas lang ako! kala mo'y napakainosente nya!!
Hayy!! panira talaga.

Tumingin ako sa relo ko. Ay letchugas!! MALELATE NA KO!!
working student ako sa SHAKEY'S . sa drinks lang naman ako, ang mahirap lang eh forever closing ang schedule ko, dahil sa mga class ko. One year nalang naman. Tiis-tiis lang! Para naman to kay mama at sa future namin ni Celine.

Sige na, wait lang ha!

Late na ko eh. Patay ako sa manager ko! Bye.

(A/N) HELLO. actually ilang beses nako nagtry gumawa ng story pero di ko tinutuloy. Sana magustuhan nyo to! nagiisip kasi ako ng hindi common eh. HAHA Please support my first ever wattpad story. :) ENJOY.

VOTE! COMMENT! PLEASE.
-MIKAY

The Runaway DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon