Chapter 22

70 1 0
                                    

Tour.

"Ingat ka dun baby girl" bilin sakin ni Papa.

Hays! buti pinayagan ako kaya lang sangkatutak na bilin ang nareceive ko. Pati nga ngayong paalis na ko we. Hirap ng only child noh!

"Sige na po, kanina pa naghihintay dun si Vincent oh"

"Ok baby mag-enjoy ka lang dun ha, wag mong intindihin Papa mo" Ganun sana. HAHA si mama talaga.

"tara na!" aya ko kay Mokong na parang inip na inip na.

"matagal ba ko?"

"AY HINDEEE!" pahigh pitch pa niyang sabi. HAHAHA buti nalang hindi nagalit.

Sobrang excited na lahat sa tour and nandito na nga kami ngayon sa bus.

Matagal ang byahe pero hindi ko feel, ang kukulit nitong katabi ko we kung ano'ano kinukwento. Si Vincent, katabi si Matthew. Sayang nga di nakasama sila Karl & Cleo eh.

Nakarating kami sa Palawan mga after lunch na. Grabe, worth it naman talaga yung how many hours na byahe! ANG GANDA DITO PROMISE!

Una kaming nagpunta sa El Nido. Paradise talaga, ang ganda ng white sand beach.

Ayun, sumakay lang naman kami agad sa speedboat.

"tara na baby girl"

"baby girl?"

Aish! narinig pala niya yung tawag sakin ni papa kanina! Aasarin na naman ako ng mokong na yan for sure! And tama nga ako, nakasmirk na naman ng nakakaloko.

"Baby girl ka namin diba?" namin mo mukha mo.

"Shut up!"

Buti nalang umalis na sila Matthew kasama yung classmates niya kundi pipikunin na naman ako nun. Mas matindi yun kay Vincent noh, buti nga di na awkward eh.

Kami na naman magkasama nitong si Mokong! Sila Cinds kase mas gusto pang magfishing kesa maglibot e.

"Asaan yung mga barkada mo?" tanong ko.

"Bakit, ayaw mo kong kasama? Pasalamat ka nga gwapo yung chaperone mo we" Tss. layo ng sagot ah. Oo na, siya na gwapo :'>

First time kong makapunta dito and nakaka amaze talaga yung view. After nung speedboat, nag-aya naman siyang magjetski. Muntik na kong mahulog sa sobrang bilis. Tsk so careless!

"kumapit ka kasi!" nilagay niya yung dalawang kamay ko payakap sakanya. Nako! tuwang tuwa yan deep inside, kilala ko na mga galawan nyan. Tatanggalin ko na sana kaso pinatakbo na naman nya uli. Mas humigpit tuloy ung yakap ko, este yung kapit ko pala.

Nagbanana boat din kami, then snorkeling. Ang saya pala nun, nakita ko yung mga corals and different kinds of fishes.

Lastly bago magdilim, nagcliff jumping kami. Woooh! Ang astig nito.

"1" ..

"2" ..

"3"

Sabay kaming tumalon ni Vincent na nakaholding hands. Oh diba? Pakulo yan ni mokong. Sus, di naman ako takot sa heights e takot lang akong mahulog at masaktan. BOOM!

Hindi na tuloy namin napanuod yung sunset kasi gabi na nung nakabalik kami sa hotel. Pumunta na ko sa room namin nila Vernice.

"Uy! Buti pa siya may ka-date" pang-aasar ni Vernice.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Runaway DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon