Chapter 3

97 0 1
                                    

Vincent Pov

CL .. CL .. CL ..

saang lupalop naman ng Facebook ko mahahanap yung CL na yun?

May number nga ako, nasira naman yung phone ko! Anak ng tokwa. Ang malas ko diba?

"Hi Vincent!" may babaeng tumabi sakin. hayys. Lapitin talaga ng malalandi. tsk!
"Remember me?" san ko ba to nakita? Kapitbahay ata namin.

"Oh yes, Hi Ella" sabi ko sakanya nang hindi siya tinitingnan! Busy ako sa computer. Sayang yung time noh!

"It's Ellaine" nag-pout siya. Oh! malapit naman dun ah. Buti nga natatandaan ko eh. Nagwalk-out ang linta! Hay nako.

Lahat ng babaeng nakakasama ko, wala akong kilala ni isa. Ewan ko ba kung bakit ko nakakalimutan agad yung names nila. Flings lang naman yun so wala akong paki sakanila.

Pwera lang dun sa CL na yun! Nakakainis. Ngayon lang ako nahiya ng ganon sa babae. tsk! Napakaganda pa ng pagkikita namin. Aish. Five days pa bago makuha ung phone ko! Si Von kasi pati sim kinuha.

Umuwi na ko sa bahay para mag-ayos. May pasok pa ko mamaya eh.

"Kuya, si Viel umiiyak!" sumbong ni Valerie.

Si Viel, siya ang bunso namin. Alagang alaga yan samin kasi hindi siya nagsasalita since then. Hindi naman daw siya pipi kasi nakakaiyak naman siya. Trauma daw siguro.

Two years old palang kasi siya nun.

Ang lolo at siya lang yung naiwan sa bahay kasi nasa school kami, si nanay naman nasa palengke, si papa nasa Saudi na nun. Nakita niya kung paano nabaril ang lolo, nakuha pa siya ng magnanakaw, buti nalang at dumating na yung mga kapitbahay pati na yung mga pulis. Umiyak lang siya ng umiyak hanggang sa pagdating namin.

"AHHHHH! UNGAAAAA!" umiiyak na naman siya.

"Ano na naman ginawa mo Von!" tanong ko. "Hindi ako! Si Valerie kaya" nagkaila pa eh siya lang naman ang laging nang-aasar dun.

"Vernice, patahanin mo si Viel! May pasok pa ko eh. Nasan ba si nanay?"

"Nag-bingo daw" sabi ni Valerie.

Kelan pa natutong magsugal yun? Ano ba naman yan!

" 'nice, ikaw na bahala dyan ha! papasok na ko." bilin ko, mabait naman yang kambal ko eh, tamad nga lang mag-aral. Hay! di gayahin ang kuya niyang gwapo. tsk!

Ilang days ko ng hinahanap si CL sa Campus pero di ko pa rin siya nakikita. Nagpunta na rin ako sa C.R na pinuntahan niya dati pero hindi ko matsempuhan. Aish. Bahala nga siya! Masyadong hard to get.
Madami pa namang iba dyan, sila pa naghahabol. :)

Mag-o'audition nalang ako sa The Iconic kesa mabaliw ako dito. Drummer or Vocalist, sisiw pareho! Pero drummer nalang para masaya.

Nagpunta ako sa band room at hinanap yung Karl.

Ano ba yan! Kapapasok ko pa lang, tanggap agad ako! Ang gwapo ko daw kasi. tss MGA BAKLA! JOKE!

Pwera biro, nganga talaga sila nung nagdrums ako! Sus basic palang yun. tuwang tuwa yung Gabby at Cleo sakin. Pero yung Matthew, Pa-chix masyado. HAHA.

Pumasok na ko sa klase ko. Wala pa naman daw practice, text nalang daw nila ako.

Tourism ang course ko. Gusto ko kasi magtrabaho sa eroplano. Dapat pilot e, naging FA. Ayos na yun, kulang kasi pang tuition. Mahal din kasi gastusin kay Vernice. HRM siya, syempre everyday may actual cooking lesson yun. Kawawa naman si papa pag dumagdag pa ako.

Madami naman akong classmate na chix, mga clown nga lang. Nahiya naman yung balat ko sa kanila, grabe! kailangan ko na atang mag-gluta.

Wala naman nangyari nung sumunod na araw.
Nakuha ko na din yung phone ko. Kaya tinext ko agad si CL.

Dahil sakanya tiniis kong hindi manligaw kahit madaming umaaligid sakin. HAHA kaya ko pala yun.

To CL :
Good pm Miss, kilala mo pa ako?

Teka!! Erase. parang ang pormal ata.

"Hi, kamusta?" Sent. Nakailang compose din ako ng message bago ko siya mai-text! Psh. Ayos na yan. Atleast maayos.

Ang tagal naman niya magreply! Siguro may klase to.

Beep.

From CL :
sabi nang ayoko ng textmate eh.

Lahh. ang sungit. Oo nga pala, may dalaw to kaya mainit ulo. Pero alam ko 3 days lang yun eh. Psh! tawagan ko na kaya?
Baka makulitan naman.

Bago ko pa siya ma-dial nagtext na si Karl.

From Gabby:
Bro! 6pm sa band room. Practice tayo. Ok?

Nice!! May vocalist na siguro. Pupunta na ko 5 pm na naman eh. Excited na ko.

Tinawagan ko muna si CL habang naglalakad ako! HAHAHA. namimiss ko na siya.

["he ... "] hindi pa siya tapos, nagsalita na ko.

"Eh callmate pwede?" pang-aasar ko.

["Pwede po ba Sir. mamaya na lang, busy ako!" ] ang taray ha! Sir? mukha ba kong teacher? tsk! ang hot ko namang prof!

Baka magalit to, dito naman na ko sa band room eh. Mamaya ko nalang siya kukulitin.

"okay! sabi mo yan ah. Bye." Inend na niya yung call. Aish! Busy nga.

Pumasok nako sa bandroom. Andun na silang lahat.

"Yow!" bati ko. "Sup, may vocalist na ba?" tumawa si Cleo.

"Bro ang ganda ng vocalist!" sabi pa niya
binatukan tuloy siya ni Gabby.

"Papunta na daw si Colleen"

[A/N] magkikita na sila!! Sino nakahula na siya yung drummer? HAHA.

VOTE. COMMENT PLEASE!

The Runaway DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon