Chapter 17

44 0 0
                                    

Vincent's Pov

Playboy?

Ako ba yun?

Siguro nung hindi ko pa siya nakikilala. Siguro nga, nung mga panahong loko'loko pa ko!

Pero ngayon, ako na mismo yung lumalayo sakanila. Hindi ko nga alam kung bakit! Kinakarma na ata ako.

Almost three weeks na din simula nung hindi ko siya kinausap. Wala naman kasing mangyayari, kapag ba pinansin ko siya magbabago na yung feelings niya? Hindi naman diba, pare-pareho lang kaming masasaktan.

Narinig ko yung usapan nila nung nagpunta kami sa bahay niya. Sa mga sinabi ni CL, alam ko ng gusto niya si Gabby. Alam ko ng talo ako.

Ramdam ko din na type niya si Gabby kaya nung araw na yun, pinag-isipan ko na talaga tong mabuti. Sabihin nyo nang duwag ako, pero siguro nga nung time na yun takot akong matalo, natakot akong mareject kasi first time yun eh.

Nung una, hindi ko magawa. Hindi ko siya matiis lalo na nung umuwi siya ng gabi galing sa bahay namin.

Sinundan ko talaga siya nun para malaman kung safe siyang makakauwi. Hindi ako nagpakita sa kanya pero nung may sumulpot na magnanakaw, hindi ko na napigilan yung sarili ko. Sobra kong nag-alala nun, nayakap ko pa tuloy siya.

Ang sarap sa feeling nung napagkamalan akong boyfriend niya ng mama niya. Yung magkasama kayong manuod ng TV sa sala habang inaasar ko siya. Natatawa talaga ko pag napipikon to.

Pero nung tumawag si Gabby, bigla niyang iniwan yung pinapanuod namin kahit na importante yun sakanya. Yun na yung clue ko, siguro nga time na yun para lumayo ako kasi ayoko ng lumalim yung nararamdaman ko sakanya. Ayoko din masira kami ni Gabby dahil sa babae.

Simula nun umiwas nako, madalang na kong magpunta sa bandroom, kahit practice umaabsent ako para lang hindi ko siya makita. Hindi ko siya pinapansin, lumalabas ako para lang hindi niya ko kausapin.

Kala nyo ba madali to? Ang sakit kayang iwasan yung taong gustong gusto mong makasama lagi.

Nung night ng acquaintance ball, sinadya ko talagang sumabay sa kanila ni Gabby. Ungas din yun eh, kung kailan ako umiiwas saka pa dumadamoves!

Napakaganda niya nung gabi na yun pero hindi ko manlang nasabi sakanya. Nasayaw pa siya nung tatlo pero ako? NGANGA!

Nagdala pa ko ng babae sa bandroom para lang magalit siya. Hindi ko na alam yung nangyayari sakin. Parang feeling ko anytime, mababaliw nako e. Ngayon lang ako nagkaganito, ngayon ko lang naramdaman to.

Aaminin ko nung una, tingin ko kay CL normal chic lang na gaya ng ibang nakadate ko pero iba siya. Ibang klase siyang babae. Pilit kong pinapigilan yung sarili ko pero, anak ng! Ang kulit nitong puso ko eh. Mentras na kong lumalayo, mas nagugustuhan ko pa siya lalo. Huh!

-
Gabi na pala, halos wala ng tao sa building namin. Inutusan pa kasi ko kanina nung prof. Kilala mo naman ang papi mo, masunuring gwapo.

"Vincent!" Bat di pa to umuuwi?

Hindi ako tumingin at nagpatuloy ng maglakad.

"Hoy!" Siya yun, di ako pwedeng magkamali. Hindi pa din ako humihinto. Asan ba sila Vernice?

"Hoy mokong na playboy!!" Magmatigas ka pa Vincent, kaya mo yan. Gwapo ka naman eh.

"Ano ba!! Kausapin mo nga ako!!" Ang lakas ng sigaw niya. Aish! Galit na agad siya? Psh. Pikon talaga.

Tumingin ako sakanya. Pota! hindi ko na kaya.

"Bakit mo ba ko iniiwasan?" Inis niyang sabi habang padabog na lumalapit sakin. "Bakit hindi mo na ko kinakausap? May nasabi ba ko?" Oo at pinapahirapan mo ko ngayon.

"Ano ba kasing problema?!" sigaw pa niya.

Eto kasing lintek na puso ko, tibok ng tibok dahil sayo.

Hinawakan niya ng mahigpit yung braso ko. Tiningnan ko siya ng diretso. Letche! Aaminin ko na.

"Ayaw na kitang maging kaibigan!"

Halatang gulat na gulat siya sa sinabi ko. Napabitiw pa siya sa hawak niya saken.

"Ba- Bakit?!" nakita kong may namumuo ng luha sa mata niya kaya yumuko siya.

"Hindi mo ba napapansin? Manhid ka ba?!" tumingin siya sakin na parang naguguluhan.

"Ha? Bakit? Ano bang nagawa ko?!" umiyak na talaga siya.

T*ngna! ayoko na. Suko na ko! Nag-usap na din kami nila Matthew kanina. Nagkasundo na kami dito na kung ano man ang mangyari, wala ng samaan ng loob.

"Ano nga bang ginawa mo sakin? Bakit nababaliw ako sayo?! " nanlaki yung mata niya. Tumingin siya sakin na parang hindi makapaniwala.

"Ano na naman to? Wag na tayong maglokohan dito Vincent!"

"Hindi kita niloloko, hindi ko na nga alam yung nangyayari sakin eh!"

"Wow! Parang nung isang araw lang may kalandian kang babae sa bandroom, tapos ngayon ganyan ang sinasabi mo sakin?!"

Shet! Oo nga pala, wrong move na naman Vincent! Bat ba kasi sinama mo pa yun? Tanga! Kulang nalang gulpihin ko na yung sarili ko sa isip ko sa inis eh.

"Wala lang yun" palusot ko.

"Wala lang? Seryoso ko Vincent! Wag mo na kong pagtripan! Hindi ako katulad ng mga babae mong magpapaloko sayo. Kung pinaglalaruan mo lang ako tumigil . . . "

She stopped nagging when I kissed her! Daming satsat eh, mukha ba kong nakikipaglaro?! Ngayon nga lang ako aamin sa isang babae tapos sasabihin niya na trip lang to lahat?! Tss.

Hindi na ko nagulat nung tinulak niya ko at sampalin.

"Player ka! Paasa ka! Pa-fall ka! Tigilan muna ko Vincent!" Pinagpapalo niya ko sa dibdib. "Ayokong mahulog sayo kasi alam kong wala ring sasalo sakin, ngayon pa nga lang umiwas ka na eh!" Ouch! ganon ba kagrabe yung tingin niya sakin?! "Alam kong masasaktan lang ako, pero badtrip eh pa-fall ka talaga! Kahit anong pilit ko, wala eh!" Sakit nun ha. tuloy-tuloy na yung luha niya kahit pilit niyang pinupunasan.

"Kung nahuhulog ka na sakin, sorry! Hindi talaga kita masasalo." Huminto siya bigla sa sinabi ko! Tapos tumango nalang siya tska tumalikod nang umiiyak.

Hay! Napakagulo niya talagang babae. Kanina lang ayaw niyang maniwala sa sinasabi ko tapos ngayon, magwo'walk out na siya agad?! Tss.

"Paano kita masasalo kung pati ako nahuhulog na din sayo?" Napalingon siya sa sinabi ko akala ko babalik siya pero mas lalo pa niyang binilisang umalis.

"Gusto kita." Sigaw ko bago pa siya makalayo.

"Maniwala ka naman sakin Colleen, kahit ngayon lang please!" Aish! bat ba ganyan ang mga babae, gusto pang nagpapahabol eh.

Hinarang ko siya at pinunasan yung mga luha niya.

"Gusto kita!"

"Huwag mo. . . ! "

Bago pa siya kumontra, niyakap ko na siya ng mahigpit. Wala na kong pake kung sampalin niya ko o ano, basta hindi ko na papakawalan to!

"Tama na, papatunayan ko sayong seryoso ko maniwala ka, sa ayaw mo't sa gusto liligawan kita."

[A/N] OMG! SANA KINILIG KAYO HAHAHAHA! ANG GWAPO NI VINCENT SHEMAY XD

THANKS FOR READING :)
VOTE & COMMENT.

The Runaway DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon