Chapter 12

40 1 6
                                    

Gabi na kami natapos gumawa ng report. Nauna nang umuwi si Cindy kasi may bibilin pa daw siya.

Nagising na nga si baby boy eh. Super cute niya, ang kulit-kulit.

Pinapakain siya ngayon ni Vincent at ayun! takbo ng takbo.

"Viel, kainin mo muna to oh dali" habol niya.

Ang saya nilang panuorin especially si Vincent. Nagmumukha tuloy siyang bata.

"Ah, ayaw mo talaga ha! Halika dito" nilapitan niya si Viel sa sofa tska niya kiniliti.

Tawa lang ng tawa si baby, pero hindi pala siya nagsasalita sabi ni Vernice. Bigla tuloy akong nalungkot sa kwento niya, kawawa naman si Viel.

"HAHAHAHA"

"kuya tama na baka mapano si Viel" suway ni Vernice pero hindi pa rin siya tumigil.

Habang pinapanuod ko sila, ang weird ng nakikita ko.

Nagbe'blurred si Viel . . .
Pati na yung buong paligid.

Si Vincent lang yung nakikita ko habang dahan-dahan siyang tumitingin sakin tska ngumingiti.

Bakit slow-mo lahat?

Ano ba to?

Nababaliw na ba ko?

Pinalo ko yung ulo ko.
Aish! Sinasapian na ata ako ng masamang espiritu. Iba na to! Makauwi na nga lang.

"Sige Vernice, una na ko"

Lumapit ako kay Viel.

"Bye Baby Viel" sobrang gaan ng loob ko sa batang to. Parang gustong-gusto ko siyang alagaan.

Nagulat ako nung niyakap niya ko. Wow! ang sarap sa feeling.

"Bye Vincent" tumango lang siya tapos lumabas na kami ni Vernice. Nadadalas pagkamoody nun ha.

"gusto mo tatawag nalang kita ng tricycle?" pangungulit ni 'nice.

"Hindi, maglalakad nalang ako. Dyan lang naman yung subdivision namin oh"

"Sure ka ha, sige ingat!"

Naglakad na ako palayo, madilim na din kaya wala ng gaanong tao sa labas.

Hanggang ngayon naiisip ko pa din yung nangyari kanina samin ni Vincent. Bakit kaya iba yung naramdaman ko? Tsk. Malala na to!

Habang lumulutang yung isip ko, may narinig akong kumaluskos. Parang kanina pa may sumusunod sakin ha.

Dahil iba na yung kutob ko, tinulinan ko nang maglakad.

Kaya lang, pagkatingin ko sa harap may isang lalaking lumabas dun sa may eskinita.

"Miss, wag kang gagalaw" dumikit siya sakin. Waaaah! May dala siyang kutsilyo.

"Akin na yang bag mo"

ano ba yan! minsan nalang maakbayan, holdaper pa. tsk

Nakakatakot siya. Mommyyyy! mamamatay na ba ko?!

Binigay ko nalang yung bag ko nang matahimik siya. Subukan lang niya kong saksakin, lagot siya sa mga boylets ko. Joke!

BOOOOGSH! PAK!

May biglang sumuntok dun sa lalake.

My super duper papable savior! Charing.

Pinagsisipa niya yung holdaper hanggang makuha niya yung bag ko tska pinaalis.

The Runaway DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon