Chapter 11

33 0 0
                                    

"Class, inform ko lang kayo na next week na yung reporting ok? So be ready"

ay nako! Pa-major talaga yung Filipino teacher namin na to. Ipadiscuss ba naman yung almost 8 pages sa libro. Tsk! Buti nalang tatlo kami.

"So what's the plan Colleen?" tanong ni Cindy

"Kala Vernice daw tayo gagawa ng visual" sabi ko.

"Yep, after class pwede kayo?"

Pumayag naman kami, ayoko ng rush hour noh. Baka kasi maging busy na ako sa banda this week. Malapit na din kasi yung acquaintance ball ng department namin tska ng tourism, baka daw kami ang tumugtog.

Tapos na yung klase namin ng 3pm kaya after 30 minutes nakarating na kami sa bahay nila 'nice.

Di ko kasi dala yung kotse ko kaya namasahe lang kami. Malapit lang pala sila sa subdivision namin eh. Medyo crowded nga lang at maraming kapitbahay.

"Akala ko malaki yung bahay niyo 'nice."

Eto talagang si Cindy, walang preno ang bibig. Nandito na kasi kami sa gate nila.

"Hindi naman kami mayaman" sabi ni Vernice.

Yan ang gusto ko sakanya, proud and honest. Yung kuya niya kasi PROUD lang talaga, period.

Pumasok na kami sa loob, maliit lang yung house nila compare samin pero organize naman at malinis. Nakita ko agad yung little girl na nasa contest noon tska yung kuya niya siguro na kasama din dati, na naghahabulan sa sala.

"Kuya Von, balik mo yan" habol nung cute na girl.

"Ate oh, si Valerie may love letter na!" sumbong nung Von. Hawig niya talaga si Vincent, mukha atang pati sa ugali namana nito.

"Wag nga kayong magulo Von, gumawa ka ng assignment dun" utos ni Vernice.

"Vernice, saan yung C.R. nyo?" tanong ko, dinala naman niya ko sa likod ng bahay nila.

Nasa labas yung C.R.??
Pati yung bathroom.

"Aish, wait lang ha. Nasa loob ata si Kuya"

Kinatok niya yung pinto ng malakas.

"Kuya, bilisan mo nga!"

"Kita mong naglalabas pa ako ng sama ng loob eh, bastos ka din noh!"
sigaw niya, umiiri pa ang loko.

"Nandito si Colleen ano ba? Nakakahiya ka." bulong ni Vernice sa pinto.

"HA?!" nagulat pa si mokong. "Ah eh, sandali" Nakita ko siyang lumabas after 3 minutes siguro.

Papasok na sana ko pero humarang siya.

"Teka, teka! walang tubig eh, mag-iigib lang ako"

Pabalik-balik siya ng lakad, parang nagpapanic tapos pawis na pawis nakahubad pa naman.

Pisti, pinipigilan ko yung sarili kong hindi tumingin sa katawan niya pero shet! di ko maiwasan yung tukso.

Yung abs niya. Yung likod pa. OMG! ulam pa po please. Natulala na ata ako dito.

"Ano ba yan kuya! Nagpasabog ka na naman!" sigaw nung Von. Narinig ko naman yung tawa nila Cindy. Grabe, ibang klase talaga yung amoy.

"Hoy kuya, magsabon ka nga muna tska magbihis ka! Nakikita ka ni Colleen oh" Inis na sabi ni Vernice, kanina pa yan napipikon.

After kong magCR nagstart na kaming gumawa ng visual. Nung pumasok si Vincent, mukha na uli siyang tao, nakabihis na siya at ang gwapo niya.

Joke lang yung huli. (*¯︶¯*)

"Kuya sino yung girlfriend mo sa dalawa?" tanong ni Von.
Aish, kamukha talaga siya ng kuya niya.

"Yung nakablack"

Nakapink si 'nice, si Cindy naman nakared. Pagtingin ko sa shirt ko, tumingin agad ako sakanya. Aba't kumindat pa ang mokong. Ako lang naman yung nakablack na shirt samin, kapal talaga niya!

"Nako Von, wag kang maniniwala dyan! lumabas na nga muna kayo, sama mo si Valerie" sumunod naman si Von. Si Vincent naman nagpunta sa kwarto niya.

Siguro nasa kalahati na kami nung bumaba yung mama nila Vernice.

"Magandang hapon po!" bati namin ni Cindy.

"Anak, may bisita pala tayo. Oh, bumili ka ng merienda. May pupuntahan lang ako ha, kayo na bahala dyan" ngumiti naman kami then umalis na si tita.

OFW pala yung papa niya kaya hindi namin nakikita.

"Wait lang ha, bibili lang ako ng pagkain" paalam ni Vernice.

"Samahan na kita, ikaw Colleen? Tara!" aya ni Cindy.

"Sige kayo nalang, tapusin ko muna to"

"Sige pag may kailangan ka nandyan lang si kuya sa taas" bilin niya tapos lumabas na sila.

Grabe, ang dami pa nito.

Habang nagsusulat ako, may narinig akong umiiyak na bata parang sa taas galing eh. Tumigil muna ko tska umakyat.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Vincent. Buhat niya yung baby na nasa 3years old na siguro. Iyak pa rin siya ng iyak.

"Akin na" kinuha ko sakanya si baby boy tska ko pinatahan. Nasira siguro yung tulog niya.
"Marunong ka pala, so pwede na tayong magkababy?" Nagulat naman ako dun, pinalo ko nga siya. Aba lokong to, hindi nga siya marunong manligaw baby agad ang gusto. Tsk!

Yuck! bat ko ba naisip yung ligaw kemerut na yun?! Duhhh.

Nakatulog na si baby kaya hiniga ko na siya. Ang cute niya, mukha siyang angel.

"Salamat!" ngumiti nalang ako tska umalis.

Parang wooden house yung bahay nila pero ang ganda, ang kintab ng flooring. At dahil nga madulas yung sahig, na out-of-balance nako bago pa makalabas ng pinto. Nahawakan ako ni Vincent pero nadulas din siya.

Nasa ibabaw ko siya ngayon, hawak yung ulo ko kaya hindi ako nabagok.

Ito na naman po yung tingin niya. Eto na naman yung nararamdaman kong yung mokong lang nato ang nakakagawa.

Siya lang ang may kayang pagrambolin ang large intestine, atay at balun-balunan ko sa tyan.

Habang papalapit yung mukha niya, pabilis nang pabilis yung heartbeat ko. Shemaaay!

"Colleen!" tawag ni Vernice sa baba.

Wrong timing ka friend. Ayun na eh. Chos!

Tinayo na ako ni Vincent na parang walang nangyari, pumasok na siya sa kwarto niya kaya bumaba na din ako.

Anong nangyayari?! Ang landi ko talaga.

Bakit naman kasi pinapaulanan niyo po ako ng tukso eh. Mahina din kaya ako noh.

[A/N] My apologies for my late updates. Busy din kasi sa school but anyways sana nagustuhan niyo :)

PS: Your votes & comments really means a lot to me.
So please kahit simpleng smiley lang. haha :)

The Runaway DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon