Chapter 4

5 2 0
                                    

Amora's blood

BIGLA akong nagtaka, bakit hindi sya natakam sa dugo ko nung pinunasan nya ang dugo sa labi ko at simula nung niligtas nya ko nung tumakas ako sa hospital anong meron?

Tumingin ako kay dakota na masama ang titig sa akin kaya napalunok ako ng laway, yung titig nya na parang nagsasabing "babalikan kita mortal".

"Salamat aking kaibigan" ani ni migo sa likod ko habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Walang anuman migo," ngumiti si trevor kay migo at tsaka sa'kin, ang ganda rin ng ngiti nya.

"Oo nga pala alam kong alam na ng ibang mga bampira at asong lobo ang tungkol sa propesiya" biglang sumeryoso ang mukha ni trevor.

Nagtaka ako, "Anong propesiya?" taka kong tanong kay trevor, napatingin sya kay migo.

"Isang propesiya na kung saan ay merong mortal ang i-pupunta dito sa mundo ng mga imortal" sabat ni migo, biglang nanlamig ang buong katawan ko nang dahil sa narinig.

Ako kaya yun?

"Oo nga pala migo kung hindi mo sya iuuwi ako na lang ang mag-uuwi—" migo cut his words.

"Iuuwi ko sya sa kaharian trevor, salamat na lang sa alok mo" seryosong saad naman ni migo, naglakad sya at saka tumabi sa kinatatayuan ko.

"Kung mabalitaan kong nasaktan ulit si amora nang dahil sa'yo dakota ay hindi na ako magdadalawang isip na paslangin ka" seryoso nitong saad kay dakota.

"Salamat ulit trevor" hinila ako ni migo papalayo sa dalawang lobo.

"M-migo" alinlangan kong saad kaya lumingon sya sa'kin.

"Hm?"

"A-ako ba yung nasa propesiya?"

"Hindi ko alam" sagot nya.

"May batas ba dito?" tanong ko pa kaya huminto sya sa paglalakad upang harapin ako.

"Anong batas ba ang tinutukoy mo? saang lugar dito sa mundo ng mga imortal?" tanong nya.

Napaisip ako, galit na ba ang isang 'to?

"W-wala" umiwas ako ng tingin, nagpatuloy ulit sya sa paglalakad at saka ako muling hinila.

"Alam ko ang tahanan ng dati naming katulong sa kaharian noon at panigurado akong ligtas ka doon" saad nya.

"Sige" tipid kong sagot.

Sa hindi kalayuan ay meron akong natanaw na bahay na kubo at doon sa gilid ng bahay ay merong munting palayan at merong munting ilog na umaagos-agos pa.

Maliwanag kasi ang buwan kaya nakikita ko pa iyon, "Bukas ay babalikan kita dito amora kaya kahit na anong mangyari ay wag na wag kang lalabas ng bahay, maliwanag?" tumango ako.

"Prinsipe migo?" tanong ng babae na nasa edad na 60s, "Magandang gabi po ginang felicia" bati naman ni migo.

"Bakit po kayo nandito prinsipe?" tanong ni ginang felicia kay migo.

"Nais ko po sanang ipanatili muna dito si binibining amora, ginang felicia" sagot naman ni migo kay ginang felicia.

"Maaari naman po prinsipe" sagot ng matanda at saka kami pinatuloy sa kubo, napatingin ako sa loob ng kubo at meron itong mga basong may dugo kaya napalunok ako.

Hinila ko ang damit ni migo kaya napalingon sya sakin, "Pwede ba tayong mag-usap sa labas?" tanong ko sa kanya kaya lumingon sya kay ginang felicia.

"Ginang labas na po muna kami" pagpapaalam nya kaya agad namang tumango ang matanda.

Lumabas kami sa kubo, "Anong sasabihin mo amora?" tanong nya.

"Puro kasi dugo sa baso ang nakita ko doon banda sa kusina" saad ko na ikinagulat naman nya.

"M-mukhang delikado ako pag nalaman ni ginang felicia na mortal ak—" bigla akong napatigil sa pagsasalita nang bigla nyang hawakan ang wrist kong may sugat at saka muling tumingin sa'kin.

"Mamarkahan kita amora" seryoso nyang saad na ikinagulat ko naman.

"H-ha? a-anong klaseng marka—"

"Let me taste your blood amora..." napadaing ako nang bigla nyang dilaan ang wrist kong may sugat.

"Hmm delicious" nakita ko ang mata nyang mas lalong pumula kaya kinabahan ako.

He giggled, "Don't worry amora i won't hurt you... especially this blood of yours is now my property" bigla kong hinampas ang balikat nya kaya tumawa lang sya.

"A-anong property ka dyan? tumigil ka nga migo!" naramdaman ko na parang namumula yung pisngi ko.

"Look amora you're blushing" pang-aasar nya habang tumatawa.

"He!" iniwas ko ang tingin sa kanya.

"Okay fine i won't tease you basta bukas babalikan kita dito ha?" tumango ako.

"Mag-iingat ka baka bisitahin ka ni dakota dito" pinandilatan ko sya ng mata kaya tumawa ulit sya.

"I'm just joking basta mag-iingat ka" hinatid nya ko sa loob ng bahay ni ginang felicia.

"Mag-iingat ka prinsipe migo" nginitian lang sya ni migo at saka tuluyan ng umalis.

_
_
_

Author's note: Good evening coffees have a nice day ahead^^

A love between mortal and immortal (On going)Where stories live. Discover now