Chapter 10

2 1 0
                                    

Dakota

TANGKA akong papana nang biglang may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako dito, "Amora meron akong naamoy na masamang nilalang, dito ka sa likod ko" ani ni primo at saka inagaw sa'kin ang panang hawak ko.

Napatingin ang lahat sa malaking gate at doon ay merong mga asong lobo at napatingin ako doon sa pamilyar na itim na lobo at nagulat ako nang makilala ko kung sino ito.

Dakota?! p-paano siya nakarating dito?!

Napahawak ako sa balikat ni primo, "Diyan ka lang sa likod ko amora" sabi ni primo.

Napatingin ako sa paligid dahil maraming mga estudyante ang lumabas sa kani-kanilang classroom, "Anong meron?" rinig kong saad ng lalake.

"Nasa gate ang kinatatakutan na mga lobo kabilang na ang katiwala ng hari ng mga lobo na si dakota" sagot naman nung katabi niyang babae.

"Bakit kaya sila nandito?" tanong pa nung lalake.

"Malamang na meron silang naamoy na sariwang dugo sa university na ito" nagulat ako nang biglang tumingin sa'kin ang babae.

Ang akala kong tatarayan ako nito ay bigla niya kong ngitian kaya ngumiti na rin ako, muli akong napalingon sa grupo ng mga asong lobo na ngayon ay naglalakad na.

"Good morning mr. dakota paumanhin ngunit ano po ang sadya niyo sa paaralan namin na ito?" tanong ng...teka principal ba 'to?

Nag-anyong tao si dakota, "Sa tingin ko mr. principal ay merong naligaw sa paaralang 'to na isang mortal" nagulat ang lahat nang dahil sa narinig.

Napalunok ako ng laway, "Ang marka mo amora, dapat na mawala yan at kung hindi baka tuluyang may hindi magandang mangyari sayo dito" saad ni primo.

"S-sino po ang tinutukoy niyo mr. dakota?" halata sa boses ng principal na kinakabahan na ito.

"Si amor...." bigla siyang napatingin sa gawi namin ni primo kaya napalunok na naman ako, dakota smirked when he saw me.

"Nandito nga ang mortal" ani niya at saka naglakad papalapit sa amin pero bago pa siya tuluyang makalapit sa pwesto namin ni primo ay biglang may tumawag sa pangalan niya.

"Dakota!!!" pamilyar ang boses na iyon kaya nagsi-tinginan ang mga estudyante doon.

Nakita ko ang pamilyar na lalake na papalapit kay dakota and it was—trevor?!

Sa hindi malamang dahilan ay para akong na-excited, napatingin ako kay primo na parang ang lalim ng iniisip.

Inalala ko ang mga sinabi sa'kin ni ginang isabel, si trevor, azelea at primo ay magkakapatid. Pero bakit ayaw lumapit ni primo kay trevor kung magkapatid nga sila?

"Amora mukhang kailangan kitang itago" seryoso niyang saad at tangka niya kong hihilahin nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Amora?" napatingin ako dito at nakita si trevor na parang hindi makapaniwalang makita ako.

"Ikaw nga amora!" agad siyang lumapit sa akin at saka ako biglang yinakap ng mahigpit.

"T-trevor" kabado akong tumawa at saka napatingin kay primo na gulat na nakatingin sa amin.

"Magkaibigan kayo?" nagtatakang tanong ni primo sa amin.

Bumitaw sa yakap si trevor at saka humarap kay primo, tumingin ako sa kanilang dalawa at talaga ngang magkapatid silang dalawa dahil parehas silang gwapo.

Naging seryoso ng itsura ni trevor, "Pamilyar ka sa'kin pero di ko alam kung saan kita huling nakita" saad ni trevor at saka muling tumingin sa akin.

"Paumanhin sa sasabihin ko amora pero si migo—" i cut his words.

"Bakit? anong nangyari sa kanya?!" inalog-alog ko siya.

"Malalaman mo din pero sa ngayon ay aalis na kami ni dakota..." lumingon siya kay dakota na masamang nakatingin sa akin.

"Umayos ka dakota baka hindi mo na natatandaan ang babala sa'yo ni migo" he suddenly chuckled.

"Pasensya na sa istorbo mr. principal, aalis na po kami" nagmano siya sa principal, wait...does immortals have manners too?

Tumingin sa'kin si trevor, "Take care amora" nginitian niya ko bago siyang mag-anyong asong lobo.

"Mukhang napalaki siya ng maayos ng aming ama" hinawakan ako sa balikat ni primo.

"Gusto ko siyang yakapin kanina at sabihing ako ang kapatid niya ngunit naunahan ako ng kaba amora" ani niya kaya tinapik ko sya sa braso.

"Hayaan mo primo masasabi mo din 'yan" i winked at him at saka siya inaya na bumalik na sa room namin.

A love between mortal and immortal (On going)Where stories live. Discover now