Chapter 6

7 1 0
                                    

Dark forest

NAGISING ako sa liblib na lugar, teka nasaan na ako?

Bumangon ako at saka natagpuang nasa mababang ilog ako, biglang sumakit ang ulo ko nang maalala ang nangyari sa'kin kanina.

Malas siguro talaga ang role ko dito diba author?

(Author: akala mo lang yun amora)

Okay sabi mo eh.

Napahawak ako sa noo ko at nakitang may dugo nga ito at pati na rin ang mga naging sugat ko ay mas lalong humapdi.

"Argh!" pati ang kalmot sa likod ko ay mahapdi pa rin, napatingin ako sa paligid at puro puno ito, nasa gubat nga ako.

At sobrang dilim pa baka mamaya may sumulpot na multo doon at baka bigla akong takutin, takot pa man din ako sa multo kahit na na-ghost ako noon joke.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa mababang tubig ng ilog kahit na nanghihina ang buo kong katawan, bigla akong napadaing na parang tumunog pa yung buto ko sa likod.

Napalingon ako sa malaking puno nang marinig kong may kumaluskos, napalunok ako at saka dahan-dahang naglakad.

Lord ikaw ng bahala sa'kin.

Naglakad ako paakyat sa parang maliit na burol at nagulat pa ko nang meron akong makitang asong lobo na natutulog, nakakaamoy ako ng masama.

"Kalma ka lang amora" bulong ko pa pero napaatras ako nang biglang may dumating na dalawa pang lobo, "Primo gumising ka" sabi ng isang lobo na kulay itim, nag-anyong tao ang dalawa at shaks kahit madilim kitang-kita ko yung ka-gwapuhan nila.

Sinampal ko yung mukha ko, "Ano ba yan amora nasa panganib ka na nga nakuha mo pang tumingin ng pogi" bulong ko sa sarili ko.

"Anong kailangan nyo?" parang naiinis pa ito dahil nga ginising siya.

"Natupad ang propesiya" parang biglang lumaki ang isa kong tenga nang marinig ang salitang iyon.

"Ang isinumpa na mortal?"

"Oo primo at bali-balita pa na muntikan na siyang mapaslang ng matandang bampira na dating katiwala sa palasyo ng hari ng mga bampira" sabi pa nito.

"Kung ganun ay dapat na natin silang unahan sa pagpaslang sa mortal" wika nung primo.

Sa kaka-chismis ko sa pinag-uusapan nila at bigla kong natapakan ang isang sanga ng puno kaya agad silang napatingin sa akin.

"Sariwang karne..." sabi nung isa, napalunok ako at saka unti-unting umatras.

"Hindi kaya'y siya ang mortal?" nakangiting tanong nung isa pa, tangkang maglalakad papalapit sa'kin ang isa ngunit agad siyang pinigilan nung primo.

"Imposibleng siya ang mortal, look at her face and her body puro siya sugat. Hindi ba kayo maaawa sa kanya?" ani ni primo.

Nagulat ako nang biglang nag-anyong tao si primo at saka agad na lumapit sa akin kaya napalunok ako, tinignan nya ang mga sugat ko.

"Bakit ka puro sugat? saan ka nanggaling at bakit puro sugat ka?" bakas sa boses nya na parang nag-aalala siya.

Ano ba dapat ang isagot ko, "M-merong humabol sa akin nang kung sino at hindi ko na lang namalayan na nakatalon na pala ako sa rumaragasang ilog..." kabado kong sagot.

"Kung ganun ay nandito ako para gamutin ka sa iyong mga sugat" bigla niyang kinuha ang kamay ko, "May tiwala ka ba sa'kin binibini?" tanong nya pa kaya nag-aalinlangan akong tumango.

Hinila nya ako papalapit sa dalawang lobo, "Kung may balak kayong saktan ang binibining ito wag nyo ng ituloy" seryoso nyang saad at saka ako hinila palayo sa dalawang lobo.

HABANG naglalakad kami sa kagubatan ay meron akong natanaw na kubo, merong mga sabit-sabit ito na parang anting-anting.

"T-teka s-saan tayo—" pinutol nya ang sasabihin ko.

"Sa kubo" ani nya at saka pinagpatuloy ang paghila sa'kin.

Pagdating namin sa kubo ay meron akong nakitang matanda na inaayos ang mga dahon, "Nais ko po siyang gamutin ina sapagkat malubha ang kanyang mga sugat" saad ni primo kaya lumingon sa amin si ginang isabel.

Biglang nanlaki ang mga mata nya nang makita ako, binitawan nya ang mga dahon at saka lumapit sa akin.

"I-ikaw! ikaw ang propesiya!" bigla akong nagulat sa sinabi nito.

"Ano pong ibig sabihin nyo ina?" takang tanong naman ni primo.

"Ikaw...ikaw ang isinumpa ng aking anak at ikaw din ang nasa propesiya na puputol sa sumpa sa mundo ng mga imortal at sa batas na ipinakalat ng pinakamataas ang tungkulin dito sa mundo ng mga imortal" ani nito.

"S-sino pong anak nyo?" tanong ko.

"Si azelea ang umibig sa isang bampira kaya na-sumpa din siya at saka pinalayas sa mundo namin at doon ay isinumpa ka nya upang ikaw ang pumutol sa sumpa at sa batas" sagot nya.

"Ano pong sumpa at batas?" tanong ko pa.

"Ang sumpa at batas ay pinag-isa ng pinamataas na nilalang dito sa mundo ng mga imortal, at iyon ay bawal umibig sa hindi kalahi at pag umibig ka sa di mo kauri ay paparusahan kang ilabas sa mundo ng mga mortal at doon ay makukulong ka pero makakabalik ka lang sa mundo ng mga imortal kung meron ka ng na-sumpa na mortal....at ikaw ang napili ng aking anak na si azelea" yumuko si ginang isabel.

"Ikaw na lang ang makakatulong sa aking anak, amora" how did she know my name? oo nga pala kasi  nga ako ang nasa propesiya.

"Handa ka bang tulungan ako? pero ipinapangako ko sa iyo na lahat ng sakop sa lugar na ito ay hindi ka sasaktan, hindi ba primo aking anak?" napatingin ako kay primo at bakas sa mukha nya na hindi pa rin siya makapaniwalang ako ang nasa propesiya.

He chuckled, "Nagsisi ako sa sinabi ko kanina," tumingin siya sa'kin.

So kapatid pala siya ni azelea.

"Oo ina hindi namin siya sasaktan" nakangiti niyang ani.

"Oo nga pala meron pa pala akong nais na sabihin" ani ni ginang isabel.

"Meron pang kapatid sila primo at azelea"

"Sino po?" taka kong tanong.

"Si trevor...ang anak ng hari ng mga taong lobo" nagtaka ako, kung asawa niya ang hari ng mga taong lobo bakit siya nandito sa isang tribo?

"Alam ko na ang iniisip mo amora" tumawa siya.

"Dating maayos ang pagkakaibigan ng mga bampira at taong lobo at pati na din si achilles, ang nilalang na kalahating tao at kalahating bampira. Nasira ang pagkakaibigan nila simula ng mag-agawan sila sa iisang babae at nang dahil sa napunta ang babae sa hari ng mga bampira ay inagaw naman ito ng hari ng mga lobo at dahil sa galit ni achilles ay nag-sumpa siya" bumuntong hininga siya.

"At dahil sa nakakataas siya ng tungkulin ay bumuo din siya ng batas at alam mo na iyon amora, at tungkol naman sa hari ng mga taong lobo—ang dati kong asawa ay tinaboy kaming tatlo nila primo at azelea" malungkot na saad niya.

Napaisip ako, "Bakit po hindi nasama si trevor?" tanong ko.

"Dahil ang akala ng hari na hindi niya anak sila primo at azelea kaya si trevor ang kinuha sa akin ng hari ng mga taong lobo" ani niya kaya napa-tango naman ako.

A love between mortal and immortal (On going)Where stories live. Discover now