Chapter 8

2 1 0
                                    

University of immortals

"NGAYON na ang oras amora, una ay ie-enroll muna kita sa paaralan ng mga imortal malapit sa kaharian ng mga royal vampire" saad ni ginang isabel sa akin.

"Po?"

"Ang sabi ko ie-enroll kita sa paaralan ng mga imortal," lumapit siya sa'kin.

"Pero pagpasok natin ng university magkakaroon ka ng marka at kung sa ka noo ka na-markahan posibleng may hindi magandang mangyayari sa'yo, pero kung sa leeg naman ay susuwertehin ka" nagtaka ako sa sinabi niya.

"Ba't kailangan pang markahan ginang?" tanong ko sa kanya.

"Ito ang palatandaan na isa kang imortal kahit na hindi naman" sagot niya kaya napa-tango na lang ako.

"Kaya tara na amora, primo halika na" sabay sabay kaming lumabas sa kubo.

Meron akong nakitang tatlong kabayo, puti, itim at isang kayumanggi. "Marunong ka bang sumakay at kontrolin ang kabayo amora?" tanong sa'kin ni ginang isabel.

"M-medyo po" kabado kong sagot.

"O baka hindi naman talaga" mapang-asar na saad ni primo kaya sinamaan ko siya ng tingin at sabay irap.

"Halika na nga at baka kayo pa'y mag-away" awat naman ni ginang.

Lumapit ako sa kabayo at saka hinawakan ito sa ulo, "Kamusta kaibigan ako nga pala si amora" saad ko sa kabayo pero nagulat ako nang bigla itong pumiglas.

"Woah woah easy easy" lumapit si ginang sa kabayong puti na hawak ko kanina.

Hinawakan niya ito sa ulo at saka hinimas himas, "Siya na ang magiging amo mo ngayon azoro" saad niya sa kabayo na azoro pala ang pangalan.

Nabigla ako nang lumapit sa akin ang kabayo at saka ako inamoy amoy, ngumiti si ginang. "Gusto niya na sa'yo amora magmula ngayon sa'yo na ang kabayong yan" ngumiti ako bilang tugon.

"Halika na at mag-umpisa na tayong maglakbay patungong hilaga" saad ni ginang kaya sumakay na ko kay azoro.

"Halika na" sinimulan ko ng kontrolin ang kabayo, nakahawak ako sa tali nito at saka umupo ng maayos.

"Yah!" kahit ako ay nalito din sa biglang pagsigaw ko kaya biglang bumilis ang takbo ni azoro.

Patay.

Narinig kong may tumatawa kaya lumingon ako dito at si primo ito, "Good luck amora" nabigla ako nang kindatan ako nito.

Patuloy lang sa pagtakbo si azoro habang ako ay abalang nakatingin sa gubat, "tignan mo ang inyong dinaraanan amora baka biglang lumiko ang kabayo" yun ang narinig ko kaya pinagtuunan ko ng pansin ang daanang dinaraanan namin ni azoro.

Maya-maya pa ay napansin ko na lang na wala na pala kami sa gubat kung hindi nasa bayan dahil marami akong nakikitang mga bumibili sa sari-saring tindahan, nakita ko si ginang isabel na katabi ko lang habang nagpapatakbo ng kabayo.

"Malapit na tayo sa university amora maaari mo ng pabagalin ang pagtakbo ng kabayo" ani ni ginang kaya ginawa ko ang sinabi niya.

Pinabagal ko ang pagtakbo ni azoro, "Nandito na tayo amora" huminto ang kabayo kaya dahan-dahan akong bumaba sa kabayo.

"Ngayon na ang pagpapanggap amora" utos sa'kin ni ginang kaya tumango naman ako, nakita ko si primo na nakababa na din sa kabayo at saka hinawakan ang mga tali ng mga kabayo at saka tinali sa kung saan.

Nang makapunta kami sa main door ay merong sumalubong sa amin na lalake, "Good morning miss and welcome to our school of immortals, sino-sino ba ang mga papaaralin niyo dito sa university? bampira ba o..." tiningnan ako ng lalake from head to toe.

"Lobo" lobo ba ko?

Pa-sekreto akong umirap, "Dalawang lobo" seryosong sagot ni ginang isabel.

"Okay then" merong kinuha ang lalake ng kung ano at saka lumapit sa'kin.

Pinagmasdan niya ko at saka niya ko biglang inikot, nagulat ako nang lumapit siya sa leeg ko at saka inamoy-amoy.

"Isa ngang lobo" what did he say?! lobo daw ako?! p-paano?

Humarap siya sa'kin at nakita ko ang kutsilyo na merong hawakan at doon ay merong espanyol na nakasulat pero di ko iyon maintindihan.

Hinawakan niya ang ulo ko at saka nagulat ako nang dahan-dahan niyang sugatan ang noo ko, hindi maaari.

Nakita ko si ginang na pati siya ay nagulat din and then she gave me a meaningful look at alam ko ang ibig niyang sabihin, alam kong gusto niyang magreklamo sa lalake pero di niya magawa dahil hindi pwede.

Pagkatapos niya kong sugatan ay parang namanhid ang noo ko at maya-maya pa ay naramdaman kong tumulo ang dugo mula sa noo ko, nakita ko ang lalake na pumunta kay primo at minarkahan ito sa leeg, unfair.

PINAGMASDAN ko ang buong university at sobrang laki nito at maluwag at syempre sobrang ganda din, "Ito ang magiging room niyo miss amora and mr. primo" saad ni christopher—ang nagmarka sa amin kanina ni primo.

Tinignan ko ang note na nasa main door ng room “werewolves and vampires are not allowed to approach each other”

Oo nga pala dahil batas iyon.

Nang pumasok kami sa room ng mga asong lobo ay nakita ko silang nakatingin sa akin at para bang natakam, napalunok ako at saka tumingin kay primo at pati na din siya ay napatingin sa akin.

"Good luck..." lumingon kami kay cris na nakangiti sa amin kaya nginitian din namin siya.

Nakita kami ng lalakeng nasa harapan at saka kami nilapitan, "I am mr. emmanuel, and you two?"

"I am primo" sagot naman ni primo, tumingin sa'kin si mr. manuel kaya napalunok naman ako.

"M-my name is amora" saad ko.

"Maaari na kayong humanap ng mau-upuan" ani mr. manuel kaya humanap naman kami ng mau-upuan.

Nang makakita ako ng upuan ay tangka akong uupo nang biglang, "Sorry miss pero merong uupo dito" saad ng lalakeng...bampira.

Pinagmasdan ko ito, bakit parang kakulay siya ng isang mortal? mukhang kailangan ko pang pag-aralan ang tungkol sa mga bampira at sa mga taong lobo.

"Oh sorry" ngumiti ako ng peke at saka siya inirapan, pati ba naman sa mundo ng mga imortal masungit ka amora ha?

Lumayo ako dito at saka hinanap si primo at nang makita siya ay agad ko siyang nilapitan, nang makita niya ko ay nginitian niya lang ako na parang nang-aasar.

"Wala ka bang nakitang bakanteng upuan? halika dito kandong ka na lang sa'kin" nabigla ako nang biglang magtawanan ang mga estudyante.

"Ang funny mo naman primo pwede na kitang itulak dyan sa kinauupuan mo" inirapan ko siya at saka naghanap ng mau-upuan.

A love between mortal and immortal (On going)Where stories live. Discover now