Chapter 13

2 1 0
                                    

Kingdom

"TAKE care amora at katulad ng pangako namin sa'yo nakabantay lang kami sa labas ng kaharian at kasama na din namin ang ilang taong lobo" saad ni ina habang inaayusan ako ng buhok at dahil nga mahaba ang buhok ko ay inipitan niya na lang ako ng braid.

"Ang ganda mo amora bagay ka kay ano..." nakita ko si primo na nakatingin sa'kin, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa'kin kaya napalunok ako.

"Halika na't pumunta na tayo sa kaharian ng mga bampira" sumakay na kami sa kabayo kasama ang iba pang mga taong lobo.

Habang nasa kabayo ay napatingin ako kay primo na parang ang lalim ng iniisip habang nasa kabayo, ano kaya ang nangyari sa lalakeng 'to?

Nang nasa kaharian na kami ay bumaba na kami sa kabayo at nakita ko si ina na lumapit sa'kin, "Mag-iingat ka amora ah at isa pa pala...wag na wag kang mahuhulog sino man sa dalawang prinsipe, maliwanag ba amora?"

"O-opo ina" kabado kong sagot, sinamahan nila ako sa gate ng palasyo.

Merong lumapit sa amin na lalake, "You're amora right?" tanong niya kaya tumango naman ako.

"Well, welcome in our kingdom" nakangiti niyang saad at saka lumingon kila ina.

"Pamilya mo?" tumango ako, sa ilang days kong pagi-stay doon kila ina ay tinuring ko na din silang pamilya.

Nabigla ako nang biglang sumulpot sa likuran ko si primo na seryosong nakatingin sa'kin, "Take care of yourself amora" nagulat ako nang bigla niyang halikan ang noo ko.

T-teka lang naman pabigla-bigla si primo eh, hindi amora wag na wag kang mahuhulog sa immortal.

Naramdaman kong namula bigla yung pisngi ko at ilang na umiwas ng tingin sa kanya, he suddenly giggles.

"Ganyan pala kiligin ang isang amora, ehem paano ba 'yan aalis na kami amora mag-iingat ka ah" tumingin siya sa lalake.

"Siguraduhin niyo na paglipas ng isang buwan ay papauwiin niyo muna si amora para naman makasama namin siya sa bahay" sabi niya sa lalake kaya ngumiti naman yung lalake.

"Katulad ng pangako ni haring alfonso" sagot nung lalake at saka niya ko inaya na pumasok na sa kaharian.

Humarap muna ako kila ina at kay primo then i waved at them, "take care amora i will miss you"  pamilyar ang boses na iyon kaya muli akong napalingon kay primo na nakangiting nakatingin sa'kin.

Sheyt ok fine malapit ko na siyang maging crush paano naman kasi eh.



"THESE are your clothes amora" inabot sa akin ni vincent ang pang-maid na damit, si vincent yung kaninang lalake na lumapit sa amin kanina nung nasa gate kami nila ina.

"Salamat po" sagot ko naman.

"You're welcome oh by the way pinapatawag ka ng mahal na hari" napalunok ako, nung nakapasok ako sa mismong loob ng palasyo ay parang nawala agad ang kaluluwa ko at para na din akong nawalan ng lakas kanina.

"S-sige po" kabado kong sagot, naglakad kami at nang makita ko ang hari at reyna ay agad akong nag-bow.

"M-magandang araw po mahal na reyna at mahal na hari" bati ko sa hari at reyna.

"Maaari ka ng tumayo ng maayos amora teka amora ang iyong pangalan hindi ba?" tanong ng reyna.

"Opo mahal na reyna" sagot ko naman.

Pinagmasdan nilang dalawa ang postura ko then they smiled, "Anong naging tungkulin mo dito sa mundo nating mga imortal?" tanong sa'kin ng hari.

"Naging nurse po ako pero nag-resign po ako sa kadahilanang nagkaroon ng sakit ang aking ina," pagdadahilan ko.

"Kaya ka nag-apply ka bilang katulong dito sa kaharian?" yung reyna.

"Opo" sagot ko.

"Kung ganun ay alam mo na siguro na pagkatapos ng kada-isang buwan ay uuwi ka sa pamilya mo" tumango ako.

"Mabuti," nagkatinginan silang dalawa.

"Gusto ko siya alfonso, mukha siyang mabait, mahinhin, at mapagkakatiwalaan" nakangiting ani ng reyna kaya ngumiti naman si haring alfonso.

"Tama ka mahal" nakangiting saad ng hari.

"Bago ka mag-umpisa sa trabaho mo at nais lang namin ipaalam sa'yo na bawat isang buwan ay meron kang matatanggap na malaking sahod at isa pa pala gusto naming makilala mo ang aming dalawang anak na lalake" ani ng reyna.

Bigla naman akong naging curious, sila migo na siguro yun.

"Damion, migo nandito na ang bagong katulong natin sa kaharian" napalunok ako nang makita ang ubod ng ka-gwapuhan na dalawang prinsipe.

Napatingin ako doon kay prinsipe damion na pamilyar na itsura sa akin, teka siya yung lalake sa hospital! siya daw si isaac pero anak ng kabayo prinsipe pala at siya din pala ang inibig ni azelea noon.

Pareho kaming nagulat nang makita namin ang isa't isa pero napatingin ako kay migo at seryoso ang itsura nito, i miss him.

"Her name is amora, our new maid" masayang saad ng reyna pero parang hindi man lang sila naging masaya.

The fudge hindi ba sila nagiging masaya sa kagandahan kong 'to?

"I know" sabay na saad nila damion at migo, sana all cold.

"At dahil kilala niyo na siya ay maaari na siyang mag-umpisa sa kanyang trabaho," lumingon sa akin ang reyna.

"If you need anything amora wag kang mahiyang magsabi sa akin ah" ani ng reyna at saka sila sabay na umalis ng hari.

A love between mortal and immortal (On going)Where stories live. Discover now